Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tirescion ni Davao City Rep. Paulo Duterte ang timing ng paghahain ng mga impeachment complaints laban sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.
00:09Tila paglilihis daw ito mula sa issue ng flood control projects.
00:14Ang tatlong reklamo laban sa BICE ay nasa tanggapan na ng House Speaker at tinaasama isasalan na sa Order of Business sa Plenario.
00:22May unang balita si Chino Gaston.
00:23Ngayong nakahain na sa Kamarag tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at naitransmit na rin sa tanggapan ni House Speaker Bojie D.
00:36Inaasahang may sasalang na ito sa Order of Business sa Plenario.
00:40The moment it is done, yung referral to the Justice Committee after matalakay sa Rules Committee, then pwedeng pwede na na i-refer sa Justice Committee.
00:52At pang mangyari yan, considered na nga, deemed initiated na yan for purposes of the one-year bar rule.
00:59Pero sa gitna ng usaping impeachment laban sa Vice Presidente, may pahihwating ang kanyang kapatid na si Davao City 1st District Representative Paulo Duterte na tila panlilihis daw ito ng issue.
01:12Tanong ng kongresista, nakalimutan na rao ba ang trilyong pisong anomalya sa flood control o sadyang pinalilimutang issue?
01:19Noong una rao may mga investigasyon ng ICI, pati ang Senate Blue Ribbon Committee, pero bigla na lang daw nawala na parang bula.
01:28Sa halip, naggaroon ang tinawag niyang Carefully Timed Impeachment Spectacle at nasagutan ng Senado at ang Chinese Embassy kaugnay sa West Philippine Sea.
01:38At bigla daw lumabas ang isang dating House Speaker sa saktong oras na may inihain impeachment complaint sa Kamara.
01:44Halata daw na ito ay panlilihis.
01:48Si Vice Presidente Duterte naman tinanong kung sa tingin niya ay may kinalaman ng impeachment laban sa kanya sa umugong na term-sharing umano sa Senate Presidency
01:57sa pagitan ng kasalukuyang Senate President Tito Soto at ang balak daw nilang ilukluk sa hinaharap na si Senador Loren Legarda.
02:06Nabuo ito ngayong posibleng umabot sa paglilitig sa Senado ang impeachment complaint ni Duterte.
02:12Nilinaw ng Vice na wala siyang kinalaman dito.
02:16Mula naman akong nakakausap na Senador sa term-sharing.
02:24In fact, hindi kong nangakinakausap yung mga Senators kasi napapansin ko kapag merong kumakausap sa akin
02:33o tumutulong sa akin o kahit man lang nangangamusta sa akin ay binabanatan ng administrasyon.
02:40Pinafailan ng kaso, tinitreten, hinaharas.
02:45So ang nangyayari sa akin ngayon ay hindi ako makikipag-usap sa mga tao para nalang maiwas sila sa init ng ulo ng administrasyon.
02:59Ganun din sa mga Senators.
03:01Ito ang unang balita, Chino Gaston, para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended