Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Biyernes March 20, 2026.


- Kuliglig na may kargang bakal, nawala sa balanse at tumagilid; rider ng nadamay na motorsiklo, patay


- 11-anyos na babae, muntik umanong dukutin ng lalaking nagpanggap na kakilala ng kanyang ina


- Dating punong barangay at ilang kasama, nakunang nambugbog at pinaaamin umano sa krimen ang isang lalaki


- Mga Pilipino, kanya-kanyang diskarte sa pagtitipid ngayong mahal ang petrolyo at iba pang bilihin


- Mag-asawang nagre-repack at nagbebenta umano ng mga 'di rehistradong anti-rabies vaccine, arestado


- Estudyante, pinagtulungang saktan ng 4 na kapwa menor de edad


- DOTr: Diskuwento sa toll para sa mga class 1 PUV gaya ng jeep, pampasaherong bus, at class 3 vehicles gaya ng delivery truck, sisimulan sa Lunes


- Matumal na dating ng mga turista, nakaapekto sa kita ng ilang negosyo sa La Trinidad, Benguet


- Kampo ni VP Duterte, natanggap na ang imbitasyon ng House Committee on Justice para sa pagdinig sa dalawang impeachment complaint sa March 25


- MMDA: Hanggang 30,000 pribadong sasakyan, nabawas sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila


- Army, nakaabang sa pagbabalik ng BTS matapos ang 4 taong hiatus; Pinoy fans kabilang ang ilang celebrity, nakisaya


- Mamamahayag at cameraman, sugatan sa pagtama ng Israeli strike sa gitna ng live report


- 3-term school calendar, sisimulan na sa School Year 2026-2027


- Kotse, nahulog sa irigasyon dahil sa sinundang direksyon sa navigation app


- Kabutihang-loob ng Pinay sa U.S. at pagpupursigi ng tinulungan niyang estudyante noong pandemya, nagpabilib online


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:04Sama-sama tayong magiging
00:06Tarakili!
00:14Nagpagyawang-gewaang hanggang sa tuluyang tumaginid ang kulig-lik na iyan sa Santa Cruz, Laguna
00:18at tumilapon pati ang kaganitong bakal na tumama sa kasalubong na rider.
00:23Parehong isinugod sa ospital ang dalawang motorista, pero dead on arrival ang rider ng motosiklo.
00:28Ang driver naman ng kulig-lik, kalaunay inaresto ng mga polis.
00:34Muntik umanong dukuti na isang lalaki ang labing-isang taong gulang na babae sa Maynila.
00:38Nagpanggap umanong lalaki na kakilalang ina ng bata.
00:41Ang nahulikam na insidente sa pagsaksi ni Jumer Apresto.
00:48Nagigigil po. Nagigigil po talaga ako sa sospeak na yun.
00:51Hindi maikubli ng isang lalaki ang galit ng mabalitaang muntik ng madukot ang labing-isang taong gulang na anak na
00:57babae.
00:57Ang bata, inutusan lang daw bumili ng ulam.
01:01Sa kuha ng CCTV sa barangay 905 sa punta Santa Ana, Maynila, pasado alas 11 na umaga kahapon,
01:07may kita ang bata na naglalakad palapit sa isang karinderiya.
01:10Sa di kalayuan, may kita ang lalaking nakaputi.
01:13Sinundan niya ang biktima pero umalis din kalaunan.
01:16Hinintay daw pala ang bata sa kanto.
01:18Sa sumunod na eksena, may kita ang bata nakasama ng naglalakad ng lalaki na may dalang bisikleta.
01:23Hanggang sa makarating sa kanto ng Cardinal Street.
01:26Mula rito sa karinderiya, nasa tatlong kilometro raw ang nilakad ng biktima at ng sospek
01:31bago sila tuluyang nakita ng kumpare ng tatay ng biktima na magkaangkas na sa isang bisikleta.
01:37Nag-aalala raw ang kumpare ng tatay ng biktima dahil tila inaamoy-amoy ng lalaki ang buhok ng bata
01:43habang nakasakay sila sa bisikleta.
01:52Agad daw tumakas ang lalaki.
01:54Ayon sa barangay, nagpanggap nakakilala ng lalaki ang nanay ng biktima at pinangakuan siya ng kung ano-ano.
02:00May ginawa rin daw ang lalaki kaya niya tuluyang napasama ang biktima.
02:04Parang hipnotismo, ay don't know kung ano pong klaseng ginawa doon sa bata.
02:08Posibleng inaaral din umano ng lalaki ang pasikot-sikot sa lugar dahil tila alam niya kung saan nakatutok ang mga
02:13CCTV.
02:14Sabi ng barangay na ikipag-ugnay na sila sa ibang barangay para matukoy ang pagkakakilala ng lalaki at magbigay babala
02:21sa mga magulang.
02:22Dahil sa panahon po ngayon, tulad niyan, kung hindi po naagapan na nakakita yung bata,
02:27eh baka hindi na po natin alam kung ano pa pong mga malagim na mangyayari.
02:31Sabi nga po yung golden rule na don't talk to strangers, na huwag makikipag-usap lalo tigit po pag hindi
02:36kilala.
02:37Nagkasan na rin ang investigasyon ng Manila Police District para mahuli ang lalaki.
02:41Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto ang inyong saksi.
02:47Inimbisigahan ng nag-viral na insidente ng pananakit sa lawag City, Ilocos Norte,
02:51kung saan sangkot ang isang dating punong barangay at mga tauhan umano ng isang construction company.
02:56Nakunan sa video na pinaghahataon ng dating barangay kapte ng isang lalaki gamit ang kawayan.
03:02Pinaaamin ng lalaki sa insidente umano ng pagnanakaw at maya-maya pa dalawang lalaki ang sumali sa pambubogbog.
03:10Mariing kinundina ng Alkalde ng Nusod ang nangyari at sinabing tututukan ng investigasyon.
03:17Hini kahit naman na Ilocos Norte Police ang biktima na makipagtulungan sa investigasyon.
03:27Ngayong mahal ang petrolyo, nagbabadya ang posibleng pagmahal ng iba pang produkto at serbisyo.
03:32Kaya marami nang dumidiskarte sa pagtitipid sa gastusin.
03:36Yan ang pinusuhan ni Jamie Santos sa Barangay Saksi.
03:43Ngayong panahon na maraming nagmamahal, kanya-kanyang diskarte ang mga Pilipino para makatipid.
03:49Para kay Jennifer, bawat butil ng bigas mahalaga.
03:53Para umabot ng dalawang linggo ang sampung kilong bigas, dalawang gatang na lang ang konsumo nila sa isang araw mula
04:00sa dating tatlong gatang.
04:01Sa hapagkainan, sinteng ulam na lang din ang kaya.
04:05Sardinas na nilagyan ng gulay, pinagsasaluhan na ng buong pamilya.
04:09Ang mahal ng bigas.
04:11Yung kagaya niyan, may tutong na natira, papakain ko na lang sa aso ko para hindi masayang.
04:16Ang mahal ng gasolina, ma'am.
04:19Ang sakit talaga sa bulsa po.
04:21Yung isang libo ngayon, para lang dumampi sa kamays.
04:25Ang tinderang si Veronica, nabawasan din ang kita mula ng magmahal ang gasolina.
04:30Mula sa dating 2,000 hanggang 3,000 pesos na kita, swerte na kung maka 700 pesos ngayon.
04:37Nagdagdag na nga siya ng paninda, homemade ice cream.
04:40Naggagawa kaming paraan para makapag-ipon, para makabili, mag-imbak.
04:47Kaso nga lang naman, gumagamit ang paraan, hindi naman nabibili yung paninda namin.
04:51Parang wala po talaga mga pera ang mga tao.
04:54Ang sima na si Rafi, iniiwasan munang gamitin ang sasakyan hanggat maaari.
04:59Ang ginagawa ko, talagang minsan naglalakad na rin.
05:03Minsan nagbabike na rin.
05:05Minsan nasakay na rin sa mga kapwa jeep niya.
05:08Nama masahiro, yun lang talaga.
05:10Parang makatipid.
05:11Tinanong din namin ang ating mga kapuso online kung ano ang ginagawa nila para makatipid.
05:17May mga kapuso tayong dinagaan nung gumagamit ang sasakyan at naglalakad na lang.
05:22Kung magmaneho man, naka-eco mode daw muna.
05:25May mga napapadayet dahil kailangan magbawas ng kain.
05:28Kung dati, tatlong beses sa isang araw, ngayon raw, isa na lang.
05:33May mga nagsimula na rin magtanim sa kanilang bakuran at gumamit ng panggatong para sa lutuan.
05:39Mainam din a nila na di muna lumabas ng bahay para di mapagastos.
05:44Iwas na rin sa pagkain sa labas pati online delivery.
05:47Ang ibang nasa bahay gagamit daw muna ng pamaypay.
05:50Bawas konsumo rin sa aircon at iba pang appliances.
05:54Pero may mga pagod na rin na palaging pagtitipid.
05:57Tumataas na raw kasi ang mga gastusin at bilihin, pero di naman nadaragdagan ang sahod na kakarampot.
06:03Hirit nila, taasan na rin sana ang sweldo.
06:06Dahil kahit ano-ani lang paghihikpit ng sinturon, kung hindi makikinig ang gobyerno sa mga tao,
06:12di pa rin magiging sapat at mabuti ang solusyon.
06:15Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
06:22Bistado sa taguig ang mag-asawang nagre-repak at nagbebento-umano ng hindi-rehistradong mga anti-rabies vaccine.
06:28Saksi, si Emil Sumangin.
06:34Sa loob ng halos isang taon, walang tigil na minanmanan ng RRRRRASibo,
06:40National Bureau of Investigation, Dangerous Drugs Division at Food and Drug Administration
06:45ang isang reklamo na natanggap ng programa.
06:48May nagre-repak-umano at nagbebenta ng mga hindi-rehistradong anti-rabies vaccine sa isang bahay sa taguig city.
06:55Ano ang nakababahala kung kayo ang tatanungin kapag ka ito'y naiturok na sa tao?
07:01Hindi na ito mabisa kung gagamitin sa tao.
07:05Maliban sa mislabeled ito, adulterated ito, it will pose a great or significant danger sa human health.
07:13March 19, silalakay na ng mga otoridad at ng resibo ang target location para kumpirmahin ang iligal na pagawaan.
07:21And behind!
07:22Pero ang magkasabang seller, iginiit na original naman daw ang kanilang mga panindang bakuna.
07:28Hindi kami, sila nagbibinta.
07:31Pero kami magpipick up sa inyo.
07:34Sila rin talaga mga seller.
07:51Natagpuan din ang iba pang mga klase ng gamot na posibleng pinepeke rin daw.
07:55Ayon pa sa mga otoridad, umabot na maigit 30 million pesos ang nalaga ng mga nasabat na peking bakuna.
08:08Nang mabisto, dinala na ang mag-asawa sa NBI detention facility sa Pasay City.
08:13Nakakarap sila sa mga kasong paglabag sa RA 9711 o the Food and Drug Administration Act of 2009
08:20at sa RA 8203 o yung Special Law on Counterfeit Drugs.
08:25Ang buong ulat, abangan sa resibo sa susunod na linggo.
08:30Para sa GMA Integrated News, emyong sumangin.
08:33Ang inyo, saksi!
08:35Tinuyog na apat na estudyanteng menor de edad ang kapwa nilang mag-aaral sa Kawayan City, Isabela.
08:40Sa kuha ng CCTV, naglalakad ang biktimang menor de edad kasamang isa pang estudyante
08:45nang sundan sila na apat na estudyanteng may takip ang muka.
08:50Biglang sinuntok ng nakaitim na lalaki ang biktima
08:52at sunod na nagpaulan ng suntok at sipa ang iba pa niyang mga kasama.
08:57Hindi nakapalagang biktima at tumakas din ang mga nanakit
08:59at hindi raw matanggap ng kanyang tatay ang pananakit sa biktima
09:03na nagtamo ng bukol at iba pang sugat.
09:06Nakatakdang kausapin ng PMP at DSWD ang pamilya ng biktima
09:09na isa sa ilalim naman sa debriefing.
09:14Magpapatupad ang mga toll operator ng diskwento sa public utility vehicles
09:18maging sa mga sasakyang ginagamit sa delivery services simula po sa Lunes.
09:22Sa gitna po yan, ang nakambang panibagong malaki ang taas presos sa petrolyo.
09:27Saksi! See you on cruise!
09:32Naglalaro sa 14 na piso sa kada litro ng diesel
09:35at 8 piso naman sa gasolina
09:37ang posibleng taas presyo na sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.
09:42Kung sakali, posibleng pumalo sa halos 130 pesos kada litro
09:47ang presyo ng diesel at mahigit 105 pesos naman sa gasolina.
09:51Dati nakaka-uwi pa ng isang libo, mahigit.
09:55May ban read na lang.
09:57Minsan po, wala.
09:58Kung ano pa, bawas.
10:00Dati po sa iba kami nagpapagas.
10:02Ngayon, sinusuyo na po namin kung saan po murang di sila.
10:05Para po makatipid ng konti.
10:07May uuwi na nga lang sa probinsya kung masusundan pa ang pagtaas.
10:11Doon yung pamilya ko po eh.
10:13Kung ano yung kasi anihan naman doon.
10:162.49 billion pesos ang iniuto si Pangulong Bongbong Marcos
10:20para sa fuel subsidy program ng DOTR
10:23na ibibigay sa huling linggo ng Marso.
10:25Hiwalay pa yan sa ayuda ng DSWD
10:27na sinimula ng ipamahagi sa mga tricycle driver
10:31at ipamimigay rin sa ibang transport worker
10:34simula sa susunod na linggo.
10:36Sa pag-iikot ng Pangulo sa pabrika ng mga dilatang pagkain,
10:39tiniyak niya ang supply at pagiging stable ng presyo ng pagkain.
10:43Maayos naman ang stock natin.
10:45At bukod pa ron, sila naman ay pumapayag
10:49na to keep the prices,
10:51hindi muna matagbasa pata kung hindi tataas ang presyo
10:56hanggat kaya nila.
10:58Kaya siguro mga isang buwan yung iba,
11:01baka dalawang buwan, hindi magagalaw yung presyo.
11:03I-iutos din ang Pangulo sa Department of Trade and Industry
11:06na bantayan ng presyo ng iba pang pangunahing bilihin.
11:10Nakatutok po kami dito sa mga groceries and supermarkets
11:13to make sure that there is no price increase
11:16for basic necessities and prime commodities.
11:19Isinabay rin sa utos ng Pangulo
11:21ang paglalabas ng mahigit 18 billion peso budget
11:24para sa mga DPWH project
11:27at mahigit 300 million pesos
11:29na punong sagot ng gobyerno
11:31sa mga proyekto ang inaalalayan ng mga pondo
11:34mula sa ibang bansa.
11:35Ayon naman sa DOTR,
11:37simula sa lunes,
11:39dalawang buwang magbibigay ng diskwento sa toll
11:41ang ilang tollway operator
11:43para sa mga Class 1 na PUV,
11:46Class 2 na pampaseherong bus,
11:48at Class 3
11:49na sasakyang ginagamit sa delivery services
11:52gaya ng truck.
11:53Pusibli pa raw yan ma-extend.
11:55Depende sa sitwasyon.
11:57Naglabas na rin ng fair matrix ang DOTR
11:59para sa pasaya sa MRT3 at LRT2
12:02na may 50% discount.
12:05Ngayong mahal ang petrolyo.
12:06Yung projection namin,
12:07we stand to lose around 35 million monthly.
12:11Ito yung tinatawag natin na income opportunity loss.
12:14Sa Martes naman,
12:15sisimula na pumahagi
12:16ng 5,000 pisong fuel subsidy
12:19para sa mga driver ng TNVS,
12:21Jeepney at Delivery Service.
12:24Makatatanggap din
12:25ang mga motorcycle taxi rider
12:27ng Ayuda simula March 28.
12:30Ayon sa DSWD,
12:31pagdating sa mga city bus drivers
12:33at mga driver
12:35ng regular na mga taxi,
12:37ang DOTR na raw ang bahala
12:39sa kanilang Ayuda
12:40dahil manageable naman daw
12:41ang kanilang bilang.
12:43Kahit holiday,
12:44pinalawig ngayong araw
12:45ang paumahagi ng Ayuda
12:46sa mga tricycle driver
12:48sa Metro Manila.
12:49Pero may mga tricycle driver
12:51pa rin hindi pa nakatatanggap
12:52ng Ayuda
12:53dahil wala raw sa listahan
12:54na inayos ng City Hall.
12:55Ako po,
12:57wala pa po hanggang ngayon.
12:58Apat na araw na po eh.
12:59O anong makukuha namin?
13:01Nag-aantay kami ng sa wala.
13:02Mukha na kami kukawa.
13:04Magkakaroon,
13:04magsasabit ulit kami
13:05ng listahan sa DSWD.
13:08So inaayos na namin ito,
13:10yung mga listahan,
13:11mag-open ulit.
13:12Kukulin ulit namin
13:13sa mga presidente ng TODA
13:15kung sino pa sa mga miyembro nila
13:17ang hindi pa nakakatanggap.
13:18Sa Quezon City,
13:19naghihinagpis ang pamilya
13:21ng tricycle driver
13:22na si Jimmy Gariga.
13:23Pumanaw siya kahapon
13:25nang hindi pa nakukuha
13:26ang inaasahang Ayuda.
13:27Ayon sa kanyang anak,
13:29tatlong dekada na siyang namamasada
13:30binang kasapi ng Batasan
13:32Tricycle Operators
13:33and Drivers Association.
13:35Nasa listahan naman Anya
13:37ng benepisyaryo
13:38ang kanyang 61-anyos na ama.
13:40Sobrang bigat, sir.
13:42Lalo na ngayon nandyan si Papa.
13:46Hindi niya man lang
13:48naramdaman
13:49or nakuha yun.
13:50Si Shekina ang pumila
13:52para sa kanyang ama
13:53simula noong Martes
13:54dahil March to pa,
13:56pabalik-balik sa ospital si Jimmy.
13:58Yung time po na yun,
13:59sabi ko pa,
14:00may ayuda ka.
14:01Sabi ko,
14:02kaya mo,
14:02kaya mo mag-sign.
14:05Nag-sign.
14:06Nag-sign po siya
14:06for authorization.
14:08Kahit hindi niya po kaya,
14:09hindi niya mag-alaw.
14:10Pimilit niya po.
14:11Pero kahit bit-bit niya yan
14:12at ang medical certificate
14:14ng kanyang ama,
14:15hindi rin na ibigay
14:16kay Shekina
14:17ang ayuda.
14:18Turo-turo na po
14:19kung sino pong pwede
14:20kakausap sa akin
14:21dahil nga po,
14:22si Papa ang nasa master list
14:23pero ako po yung mag-sign.
14:25Bawal daw po yun.
14:26Okay lang naman po
14:27kahit di nakuha ni Papa
14:29yung payout.
14:31Pero,
14:32sana po,
14:34sa susunod,
14:35maging case-to-case basis.
14:38Nalulungkot kami sa pangyayari,
14:39hindi ko alam
14:40tong particular case na to
14:41but we'll look into it
14:42on how else
14:43we can improve the system.
14:45Pero sabi ng DSWD,
14:47iniiwasan daw kasing
14:48mapunta sa iba
14:49ang para sa totoong
14:50benepisyaryo.
14:51Kawawa rin naman
14:52yung tao namin
14:53dahil in the sense
14:54na pagka nagkamali siya,
14:56let's see,
14:56may tinanggap siyang
14:57authorization
14:58because
15:00pinakita to
15:00pero in the end
15:01nag-claim yung tao.
15:08Kung may nagkasakit
15:10o may makatwirang dahilan,
15:12maaari pa rin
15:12makuha ang ayuda
15:13sa itinakdang panahon.
15:15Hindi naman
15:16ibigay sa kanya,
15:17magsischedule kami
15:18ng multiple special payouts.
15:20Nagtungo na ang DSWD
15:21sa burol ni Mang Jimmy
15:22para makuha
15:23ang mga requirement
15:24para sa burial assistance.
15:26Nabigyan din siya
15:27ng medical assistance
15:28noong nasa ospital pa.
15:30Para sa GMA Integrated News,
15:31ako si Ian Cruz,
15:33ang inyong saksi.
15:35Strawberry festival po ngayon
15:36sa La Trinidad, Benguet
15:37pero matumal po
15:38ang dating ng mga turista
15:40na naka-apekto
15:41sa kita ng ilang negosyo.
15:43Gayunpaman,
15:43may mga dumiskate
15:44para makadayo sa La Trinidad
15:45para masaksihan
15:46ang float parade bukas.
15:48Saksi, si James Agustin.
15:54Tulong-tulong ang mga kawani
15:56ng Barangay Alapang
15:57sa pagdidesenyo
15:58ng kanilang float
15:59para sa parada bukas
16:00na bahagi ng
16:01Strawberry Festival
16:02sa La Trinidad, Benguet.
16:04Gumamit sila
16:04ng mga recycled materials
16:05para maipakita
16:07ang mga pinagmamalaking produkto.
16:08We are pro-environmental
16:10so it's one way of
16:15maintaining clean and green.
16:17Ang Barangay Pico
16:19pinalamutian naman
16:20na makukulay
16:20na sariwang bulaklak
16:21ang kanilang float.
16:22Nilagyan din
16:23ng mga strawberries
16:24at mga bulay.
16:25Labing-anim na float
16:26ang kasali sa parada
16:27at mayroon ding
16:28street dancing
16:29at drum and lark competition
16:31na karaniwang
16:32dinaragsa ng mga turista.
16:33Yun nga lang
16:34ayon sa lokal na pamahalaan,
16:36halos dalawang linggo
16:37nang matumal
16:37ang dating ng mga turista.
16:39Napansin at nakita nga po natin
16:40na talagang bumaba po
16:41yung ating tourist arrival
16:42dito po sa ating bayan,
16:44particularly po
16:45dito po sa pagtaas
16:46ng krudo.
16:47Talagang nakikita natin
16:48na talagang drastic
16:50yung pagbaba
16:51ng mabisita natin.
16:52Ramdam yan
16:53ang mga magsasaka
16:54sa Strawberry Farm
16:55kung saan pwedeng
16:56mag-strawberry picking
16:57ang mga turista.
16:58Sa ngayon expected po namin
16:59kasi holiday
17:00at saka long weekend
17:01dapat po medyo
17:02dagsasana yung tao
17:03pero medyo
17:04kumunti po talaga siya.
17:06Gayun pa man
17:06meron pa rin mga turistang
17:08galing pa sa malalayong lugar
17:09na bumiyahe dito
17:10para sulitin na raw
17:11ang long holiday weekend.
17:12Amazing!
17:13Worth it yung experience po.
17:16Napakaganda ng Baguio.
17:17Gusto pa rin namin
17:18gusto pa nga namin
17:19mag-extend
17:20pero
17:22hindi na maaari
17:23kasi may pasok na sa lunes.
17:25Kanya-kanya na lang
17:26ng diskarte
17:27para makatipid.
17:28Nagrenta ng van
17:29si Mark
17:29at kanya mga katrabaho
17:30na galing pang Kabuyaw, Laguna.
17:32Nag-ambaga kami sa gasolina
17:33tapos
17:34and then yung mga pagkain
17:35na pwede naming dalhin
17:36dinalanan namin
17:37sa transits namin
17:38para makatipid kami
17:39at doon na lang kami
17:40nagluto.
17:41Nitong Martes
17:42muling binuksan
17:43sa publiko
17:43ang tourist attraction
17:44kung saan tampok
17:45ang mahigit
17:4620,000 nakatanim na rosas.
17:48Perfect para sa picture taking.
17:50Kabilang itong Katalina
17:51dun sa mahigit
17:52isang daang variety
17:53ng mga rosas
17:54na makikita dito
17:55sa kanilang garden
17:56at hindi lamang yan
17:56yung may enjoy
17:57ng mga turista
17:58maging itong
17:59overlooking view
18:00ng La Trinidad Benguet
18:01kung saan makikita
18:02yung iba't ibang taniman
18:03na mga bulaklak.
18:04Ilan sa naabutan namin
18:06ang magkakaanak na ito
18:07na galing pang
18:08Iloilo at Metro Manila.
18:10Very good.
18:11Very colorful
18:12yung mga flowers.
18:14Susulitin nyo na yung
18:15loha.
18:17Medyo.
18:18Para makapunta din
18:20sa ibang lugar.
18:21Isa na ito.
18:22Para sa Gemma Integrated News,
18:24James Agustin
18:25ang inyong saksi.
18:28Natanggap na ng kapo
18:29ni Vice President
18:30Sara Duterte
18:31ang imbitasyon
18:32ng House Committee on Justice
18:33para sa pagdinig
18:34sa dalawang impeachment complaint
18:35laban sa Vice President
18:36sa March 25.
18:38Pero ang
18:38kayaturni Michael Poa,
18:40miembro ng Defense Team,
18:41hindi pa rin nila ito
18:42na pag-uusapan
18:43ng Vice President.
18:44Sabi ni Justice Committee
18:46Chairperson Jervil Luistro,
18:47hindi nila pipilitin
18:48si Duterte
18:49na dumalo sa pagdinig
18:50na tinawag din niyang
18:51mini-trial.
18:53Paglilinaw ni Luistro,
18:54ang pwede nang
18:55mag-cross-examine
18:56sa maiharap na testigo
18:57ay mga kongresistang
18:58miembro ng Justice Committee.
19:01Hindi pwede si
19:01Vice President Duterte
19:02ang kanyang mga abogado
19:04at kahit ibang kongresistang
19:05hindi miyembro
19:06ng komite.
19:07At kung hindi sisipot
19:09ang Vice Presidente,
19:10hindi rin daw uubra
19:11ng abogado lang niya
19:12ang maglalatag
19:13na ebidensya
19:13para sa kanya.
19:15Dukod sa pagdinig
19:15sa March 25,
19:17magkakaroon din
19:17ang mga susunod
19:18na pagdinig
19:19sa April 14,
19:20April 22,
19:22at April 29.
19:28Dahil po sa mahal
19:29ng petrolyo,
19:29hanggang 30,000
19:31pribanong sasakyan
19:32ang nabawas
19:32sa mga pangunahing
19:33kalsada
19:34sa Metro Manila.
19:35Ayon po yan
19:36sa MMDA.
19:37Saksi,
19:38si Darlene Kai.
19:43Isang araw matapos
19:44bombahin ang Israel
19:46ang pinakamalaking
19:46gas field ng Iran,
19:48ang oil refinery
19:49naman ng Israel
19:49ang binomba ng Iran.
19:51Dahil dito,
19:52pansamantalang
19:52nawalan ng kuryente
19:53ang ilang bahagi
19:54ng Israel.
19:55Inako na ng Israel
19:56ang pag-atake
19:57sa South Force gas field
19:58ng Iran
19:58na naging mitya
19:59ng pag-atake ng Iran
20:00sa mga oil facilities
20:01sa Saudi Arabia,
20:03Kuwait at UAE.
20:04Sa gitna
20:05ng patuloy
20:05na airstrikes,
20:10naglabas
20:10ng joint statement
20:11ng UK, France,
20:12Germany, Italy,
20:13the Netherlands,
20:14Japan at Canada
20:15na nagahayag
20:16ng kahandaang tumulong
20:17para matiyak na ligtas
20:18sa makakadaan
20:19ng mga barko
20:19sa Strait of Hormuz,
20:21isa sa pangunahing
20:22daanan ng langis
20:23sa mundo,
20:23bagamat di i-dinetalye
20:25kung paano sila tutulong.
20:27Isa sa dahilan
20:28ng pagsipa
20:28ng presyo ng langis
20:29sa world market
20:30ang pagkaipit
20:31ng mga biyahe ng barko
20:32sa gitna
20:33ng nagpapatuloy
20:34na sigalot.
20:35Sa Pilipinas,
20:36ramdam na sa traffic
20:37ang epekto
20:38ng mahal na petrolyo.
20:39Pansin ng MMDA
20:41hanggang 30,000
20:42pribadong sasakyan
20:43ang nabawas
20:43sa mga pangunahing
20:44kalsada
20:44sa Metro Manila.
20:46Pinag-aaralan
20:46ng pamahalaan
20:47kung paano
20:47mahihikayat
20:48ang carpooling
20:49o pagsabay na lang
20:50sa sasakyan
20:50ng iba
20:51imbes na
20:52kanya-kanya.
20:52Sige na natin
20:53kung mas mapaganda
20:54kung mapaganda
20:55natin
20:55ng epektong yan,
20:56isang sasakyan
20:57na hindi naman
20:57sila tatamahan
20:58ng kolorong long.
20:59Inaasahan ding
21:00darami
21:00ang nagbibisikleta.
21:02Lahat man
21:02na apektado
21:03ng pagtaas
21:03ng presyo
21:04ng mga bilihin,
21:05iba-iba pa rin
21:06daw ang itsura
21:06ng epektong yan,
21:08depende sa
21:08antas sa lipunan.
21:10Sabi ng isang
21:10ekonomista,
21:11posibli raw na
21:12mas marami
21:13ang maging mahirap
21:14na Pilipino
21:15kapag tuloy-tuloy
21:15ang krisis na ito.
21:17At ang mga dati
21:18ng bahirap,
21:18budget sa pagkain
21:20na ang tatamaan.
21:40Ayon din sa ekonomistang
21:42si Professor Emanuel Leco
21:43kung magtuloy-tuloy
21:45ang epekto ng sigilot
21:46sa gitnang silangan
21:46sa presyo ng laris
21:47sa world market.
21:48Posibling tuloy-tuloy
21:50rin ang paghina
21:50ng piso
21:51kontra dolyar.
21:52Hindi naman gumagalaw
21:54ang supply
21:55ng dolyar
21:55sa merkado.
21:56So,
21:58mapipilitan kang
21:59bumili ng dolyar
22:00sa mas mataas
22:00kasi
22:01magkakaroon,
22:02market nga e.
22:04Bidding war yan.
22:05I need $100
22:06sabi ni
22:07company A.
22:09Sabi ni company B.
22:10I also need
22:11$100.
22:13So,
22:14naging $200
22:15na ang demand.
22:16Pero ang supply
22:17mo ay nasa
22:18$150 lang.
22:20So,
22:20parang kung
22:21ikaw ang nagbebenta
22:22ng dolyar,
22:23at teka muna.
22:24Hindi ko
22:25nagbebenta
22:26ng dolyar ko
22:28nang basta-basta
22:29ganyan.
22:29Kailangan kumita rin ako.
22:31Okay.
22:32So,
22:32yan yung
22:33price,
22:34petroleum price
22:35pressure
22:36sa world market.
22:38May mga paraan daw
22:39ang Banko Sentral
22:40ng Pilipinas
22:41para alalayan
22:41ng halaga
22:42ng piso.
22:43Isa rito
22:43kung magre-release
22:44ang BSP
22:45ng dolyar
22:45sa merkado
22:46para dumami
22:47ang supply.
22:48Pagka hindi siya
22:48nag-release
22:49ng dolyar
22:51sa merkado,
22:53talagang
22:53tataas yan.
22:54Pero,
22:55gagawin ba
22:56ng BSP yan?
22:57Yan ang speculation.
22:58Sa April 23 pa
23:00ang monetary policy
23:01meeting ng
23:01Banko Sentral
23:02pero binabantayan
23:03na raw nito
23:03ang epekto
23:04ng gera
23:04sa Middle East
23:05sa inflation
23:05at ating ekonomiya.
23:07Sabi ng BSP,
23:08nasa higit
23:09113 billion US dollars
23:11ang kanilang
23:12Gross International Reserve
23:13as of February 2026.
23:15Tinitiyak daw
23:16ng reserbang ito
23:17na may sapat na
23:18dollar liquidity
23:18para sa mga
23:19pangangailangan
23:20sa pag-angkat
23:20ng produkto
23:21at pambayad
23:22sa mga utang
23:22ng bansa.
23:23Katumbas daw
23:24ng dollar reserve
23:25ang mahigit
23:26pitong buwang halaga
23:27ng inaangkat
23:27na produkto
23:28at serbisyo.
23:29Ayon pa
23:30sa pamahalaan,
23:31hindi natatapos
23:32sa gumugulong
23:32ng ayuda
23:33para sa public transport
23:34ang tulong nito.
23:35Mali yung pag-iisip
23:36na kailangan
23:37mahirap ka
23:37bago ka pwede
23:39lumapit sa DSWD.
23:40Kung dati-dati
23:41nakakakain sila
23:42ng 30 pese
23:42sa isang araw
23:43pero dahil sa nangyayaring
23:45pagtaas ng press
23:46na bilhin
23:46na nakakaranas
23:48na ng kagutuman
23:49then alam mo
23:50pwede sila
23:51magtungo sa aming tanggapan.
23:52I-assess pa rin sila
23:53ng DSWD
23:54para malaman
23:55kung ano
23:55o magkanong tulong
23:56ang pwedeng matanggap.
23:58Ang dalangin
23:59ng marami
23:59hindi na sila dumagdag
24:01sa mga kailangang
24:02alalayan
24:02lalot may nakaambana
24:04namang mega oil price hike
24:06sa susunod na linggo.
24:07Hindi ako makabiyahe
24:08kasi nga
24:09sobrang taas ng gas
24:10parang naglilibro
24:11rin sa kain na lang kami.
24:12Every night naman
24:13nagdadasal kami
24:14na sana matapos
24:15itong ano na to.
24:16Para sa GMA Integrated News
24:18ako si Darlene Kai
24:19ang inyong saksi.
24:25Inabangan po ng ARMY
24:27sa iba't ibang panig
24:28ng mundo
24:28ang comeback
24:29ng global superstars
24:31na BTS
24:31at hindi siyempre
24:33pahuhuli
24:33sa suporta
24:34ang Philo ARMY.
24:36Narito
24:36ang showbiz saksi
24:37ni Athena Imperial.
24:47Hindi na kinailangan
24:49ng BTS fans
24:50na maghintay
24:51for a lifetime.
24:52Dahil matapos
24:53ang apat na taon
24:54na heyeros ng grupo
24:55para tapusin
24:56ang kanilang
24:56mandatory military service,
24:58BTS
24:59is officially back.
25:01Ngayong araw
25:01inilabas ng global superstars
25:03ang kanilang
25:04comeback album
25:04na Arira
25:05na may labing
25:06apat na bagong kanta.
25:07Mayroon din silang
25:09bagong music video
25:10para sa kanilang
25:11title track na
25:12Swim.
25:17Ang kanilang
25:18most awaited
25:18comeback certified
25:19trending online.
25:21Napasanaol na lang din
25:22ang ARMY
25:23sa American actress
25:24na si Lily Reinhardt
25:26na bina sa
25:26Swim music video.
25:28Nag-share pa si Lily
25:29ng kulita niya
25:30with the Bangtan Boys.
25:31Will you guys watch
25:32my friends for a second?
25:34Sagot dyan siyempre
25:35ng ARMY
25:35Aba,
25:36siyempre.
25:37Kasunod ng release,
25:39ikinuwento ng
25:40OT7s sa isang
25:41livestream
25:41ang kanilang
25:42naging proseso
25:43para sa kanilang
25:44comeback.
25:55Nagpapasalamat sila
25:56sa ARMY
25:57sa paghihintay
25:58sa kanila.
25:59Pinaghirapan daw
26:00talaga nila
26:00ang pagbuo
26:01sa kanilang album
26:02na Arirang
26:03at sana raw
26:04ay ma-enjoy ito
26:05ng ARMY.
26:05Dito sa Pilipinas,
26:07sabay-sabay
26:07inabangan ng ARMY
26:09ang much-awaited
26:10comeback ng BTS.
26:11We stream po kami there.
26:13Yung boses po ni Teo.
26:15Ayun,
26:16since kakaot din po
26:17ng MV nila,
26:18talagang
26:18kita yung visuals nila
26:20and yun,
26:21super ganda po
26:21ng songs nila
26:22every track talaga.
26:24Comeback of the Kings!
26:26Ang launch
26:27ng kanilang album
26:28simula rin
26:29ng new era
26:29ng BTS.
26:31Bukas ang libreng
26:32comeback performance
26:33concert ng BTS
26:34sa Gwanghamun
26:36sa Seoul,
26:36South Korea.
26:37Kanina,
26:38sinilip ng Minister
26:39ng Interior
26:40and Safety
26:40ng South Korea
26:41ang paghahanda
26:42sa kauna-unahang
26:43performance ng grupo
26:44matapos ang tatlong taon.
26:47Inaasahang aabot
26:48sa 260,000
26:49ang manonood roon.
26:51Ang leader
26:51ng BTS
26:52na si RM
26:53magiging limitado
26:54lang ang performance
26:55bukas
26:56matapos magka-ankle
26:57injury
26:58sa kanilang practice.
26:59Sabi ni RM
27:00hindi raw
27:01kailangan mag-alala
27:02ng ARMY
27:02at magpapagaling siya.
27:04Kabilang sa mga
27:05maswerte
27:05yung makakapanood
27:06sa comeback
27:06concert ng BTS
27:07bukas
27:08si kapuso
27:09actress
27:09Megan Young.
27:10I'm in Seoul
27:11to watch
27:13the comeback
27:13of BTS.
27:14I'm a mama!
27:16I waited for BTS
27:17in their back
27:18and I'm watching
27:18here with my baby.
27:20Excited na raw
27:21ang BTS
27:22para muling makita
27:23at makipag-perform
27:25sila sa ARMY.
27:26Para sa GMA
27:27Integrated News,
27:28ako si Athena
27:29Imperialang inyong
27:30Saksi!
27:32Further rocket attacks
27:33were reported
27:34against Naharia
27:35unadmitted.
27:42Naguulat live
27:43ang isang mamamahayag
27:45sa Lebanon
27:45nang tumama sa kanyang likuran
27:47ang airstrike
27:48ng Israel.
27:49Sugatan siya
27:50at ang kasama niyang
27:50kameraman,
27:51ginagamot na po silang dalawa
27:53ayong sasangay
27:53ng state-run
27:54Russian Media Company
27:55na kanilang kinabibilangan.
27:57Ginundi na
27:58ng Foreign Ministry
27:59ng Russia
27:59ang pag-atake.
28:01Gitnang Israel Defense Forces,
28:03nagbigay sila
28:04ng malinaw na babala
28:05pag may sa mga
28:06pag-atake sa lugar.
28:07Anila,
28:08hindi nila pinupuntiri
28:09ang mga sibilyan
28:10o mamamahaya.
28:13Inuprubahan po
28:14na Economy and Development Council
28:15ang pagpapatupad
28:16ng school calendar
28:17na may tatlong term
28:18pamalit sa kasinukuyang
28:20sistema
28:20ang may apat na quarter.
28:22Sisimulan po yan
28:23sa school year
28:232026 to 2027.
28:26At sa ilalim po nito,
28:27magiging first term
28:29ang Hunyo
28:29hanggang
28:30ikalabing lima
28:31ng Setiembre.
28:32Second term naman
28:33mula ikalabing anim
28:34ng Setiembre
28:34hanggang Desyembre.
28:36At third term
28:37mula Enero
28:38hanggang Marso.
28:39Dalawang daan
28:40at isang araw
28:41lahat
28:42ng school day
28:42o araw ng pasok.
28:44Layan itong paikliin
28:45ang learning time
28:46ng mga estudyante
28:47at makaiwas na rin
28:48sa pagsuspindi ng klase
28:49tulot naman
28:50sa mga panahon
28:51at ilang selebrasyon.
28:53Nasaan ding
28:54makakatunan ito
28:54sa professional development
28:56ng mga guro.
29:01Nahulog ang isang kotse
29:03sa irrigation canal
29:04sa Kabatuan, Isabela.
29:05At sa mga polis,
29:06gumamit ng navigation app
29:08ang mga sakay ng kotse
29:09dahil hindi nila
29:09kabisado ang lugar.
29:11Pero napadpad sila
29:12sa irigasyon
29:13hanggang sa
29:13mahulog.
29:15Nagtamo ng mga sugat
29:16ang dalawang lalaking sakay nito
29:17na nagmula pa sa Cavite.
29:19Naiahon na ang kotse
29:21sa tuloy ng mga polis
29:22at ng barangay.
29:29Hindi po nalimutan
29:31ng isang Pinoy chef
29:32ang nagbigay sa kanya
29:33ng pambili ng oven
29:34habang nag-aaral siya
29:35noong panahon ng pandemya.
29:37At lumipas man
29:38ng limang taon
29:39at kahit na destino
29:40na sa Germany,
29:41ipirabot ng chef
29:42ang kanyang pasasalamat
29:43para sa kababayang
29:44tumulong sa kanyang
29:45maabot ang
29:46pangarap.
29:47Ating saksiyan.
29:51Kakaibang mga hamon
29:52ang hinarap ng mundo
29:54nang tumama
29:54ang COVID-19 pandemic.
29:56Gaya ng ipatupad
29:57ang mga online class
29:58pati sa pagtuturo
30:00ng baking.
30:01Ang problema,
30:02hindi lahat
30:02may sariling oven
30:03sa bahay.
30:06Ang BS Hospital
30:07Management Student
30:08to na si Jovel
30:09pinaandar
30:10ang pagiging
30:11maparaan.
30:12Gamit ang ideyang
30:13nakita online,
30:14bumosya ng
30:15DIY oven.
30:17Gamit ang lata
30:18ng biskwit.
30:19Nagsadis yung mama ko
30:20na pwede mo
30:21yan gamitin
30:22tapos lagyan mo lang
30:24ng buhangin
30:24sa loob
30:25tapos yung wire mesh
30:26para magmuka
30:27talagang oven din.
30:29Ipataw mo sa apoy.
30:30I-train-rail ko po
30:31yun nun
30:31yung mga muffin,
30:33yung pandesal.
30:35Sinabi ko sa kanyang
30:35chef,
30:36100% po
30:38maluluto po
30:38itong
30:39bread na ito.
30:40Maniwala lang po
30:41kayo sa akin.
30:43Bumili
30:44ibang chef
30:44na profesor
30:45noon ni Jovel
30:46at ipinose ito
30:47sa Facebook
30:47ang kanyang kwento.
30:49Umabot maging
30:49kay Jelaisa,
30:51kapwa dabawenyo
30:52ni Jovel
30:52na nakatira na
30:53noon sa Amerika.
30:54As I read through it,
30:56I couldn't hold back
30:56my tears
30:57and in that moment,
30:59I decided
30:59I wanted to help him
31:00because his creativity
31:02and determination
31:03truly inspired me.
31:04Nagpadala ng pera
31:05si Jelaisa
31:06sa kanyang pamilya
31:07sa Pilipinas
31:08para pambili
31:09ng electric oven
31:10at baking tools
31:11na ibinigay nila
31:12kay Jovel.
31:14Paglipas
31:14ng limang taon,
31:16si Jovel
31:16chef na
31:17sa isang hotel
31:18restaurant
31:18sa Germany
31:19at di lang tinapay
31:20at cake
31:21ang kaya niya
31:21kundi
31:22iba't ibang
31:23main course,
31:24appetizer
31:24at dessert.
31:25Malayo na
31:26ang narating
31:27pero hindi
31:27nalimot
31:28ang mga tumulong
31:28sa kanya.
31:29Yung mga tao
31:30na nag-expect
31:32na may mararating
31:34to sa buhay,
31:35yung batang to
31:38nakahosigilo
31:38sa buhay,
31:39naisip ko po
31:40na mag-thank you
31:41ulit.
31:42Hindi ko po
31:42sinayang yung
31:43tulong
31:44na binigay nila
31:46sa akin noon.
31:47I was so caught
31:47off guard
31:48when he messaged me
31:49five years later.
31:50Of all the people
31:51I helped,
31:51Jovel was probably
31:52the most grateful.
31:54Humanga
31:54ang mga netizens
31:55sa mabubuting
31:56katangi
31:56ang ipinamalas
31:57ng dalawa.
31:58We're not the richest
31:59but my dad
32:00is very generous.
32:01So I grew up
32:03seeing my dad
32:04help people.
32:05He told me
32:06like,
32:06oh because I make
32:07extra money today
32:08so I decided
32:09to buy groceries
32:10for the neighbors
32:10as well.
32:11May halaga raw
32:12ang bawat pagtulong,
32:14maliit man o malaki.
32:15I always find a way
32:16to at least buy groceries
32:18or maybe
32:20offer someone
32:21lunch.
32:22Support,
32:22does it just come
32:23with money?
32:24Support comes
32:25with believing
32:27in you,
32:28having a confidence
32:29or trusting you.
32:30Si na-Jelayza
32:31at Jovel
32:31larawan ng kagandahan
32:33ng pay it forward
32:34o yung pagbabalik
32:35ng kabutihan
32:36natanggap mula
32:37sa iba.
32:38I'm so happy po
32:39na marami po
32:40natutulongan
32:41si na-Jelayza.
32:42Ako din po,
32:43tutulong din ako
32:44soon
32:45pag marami po
32:47talaga
32:47blessing na
32:47mabibigay
32:48sa akin.
32:49Para sa GMA
32:50Integrated News,
32:51ako si Jonathan
32:51Andal,
32:52ang inyong
32:53saksi,
32:56Mabuhay kayo,
32:57Chef Jovel
32:57at Jelayza.
32:58Sana marami po
32:59ang tumulad
33:00sa inyo.
33:01At maraming salamat
33:02mga kapuso
33:02sa inyong pagsaksi.
33:03Ako po si
33:04Pierre Canghel
33:05para sa mas malaki
33:06misyon
33:06at sa mas malawak
33:07ng paglilingkod
33:08sa bayan.
33:09At mula po sa
33:10GMA Integrated News,
33:11ang News Authority
33:12ng Pilipino.
33:13Hanggang sa lunes,
33:15sama-sama po tayong
33:16magiging
33:17saksi!
33:23Mga kapuso,
33:24maging una
33:25sa saksi.
33:26Mag-subscribe
33:26sa GMA Integrated News
33:28sa YouTube
33:28para sa
33:29ibat-ibang balita.
Comments

Recommended