00:01Pagbobotohan na sa plenary o sa kamara kung uusad pa o hindi na ang dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:09Patay na ang impeachment proceedings sa House Committee on Justice matapos pagtibay ng Komite na insufficient in substance ang mga ito.
00:16May unang balita si Jonathan Andal.
00:21Those who are in favor of the motion, please raise your right hand.
00:2630 siyam na kongresistang miyembro ng House Committee on Justice ang bumoto pabor sa committee report na nagsasabing insufficient in substance ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:38Nanindigan ng Justice Committee na hindi sufficient in substance ang De Jesus at Masa et al. complaint ay pinagtibay na din na i-dismiss itong dalawang impeachment complaint na ito laban.
00:56Sa ating Pangulo.
00:58Apat naman ang tumutol sa committee report.
01:01Well, I voted no because I think there is a misapplication of Section 5, Rule 3.
01:05The committee effectively conducted a minute trial.
01:09Denial of due process.
01:11Serious allegations were dismissed without hearing.
01:13This is textbook grave abuse of discretion.
01:17And I think there's a sufficient grounds to raise it under Rule 65 before the Supreme Court.
01:27Sabi pa ng ilan sa kanila, kulang ang report.
01:30Hindi raw kasi isinama ang aligasyong nag-deliver umano ng 8 bilyong piso si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo para kay Pangulong Bongbong Marcos na patunay raw na guilty ang Pangulo sa betrayal of public trust.
01:43It is cited in the complaint that Yusek Bernardo delivered 8 billion pesos in kickbacks for the President.
01:55Hindi po sinabing to the President but for the President.
01:59Bagay na kinontra ni Cagayan, the oral representative Rufus Rodriguez.
02:03There is nothing in the statements of Yusek Bernardo which directly links the President to any of the allegations.
02:13Isang resolusyon ang ipinasan na sa Committee on Rules para mapagbotohan sa plenario ang pagbasura sa impeachment complaint.
02:19Sa ilalim ng House Rules on Impeachment, kailangan lamang ng botong one-third ng Kamara o 105 na boto para tanggihan at balikta rin ang committee report.
02:27Kapag nangyari ito, tuloy ang impeachment at kailangan gumawa agad ng House Committee on Justice ng Articles of Impeachment.
02:34Pero kung bigo ang mga nagsusulong ng impeachment na makakuha ng 105 na boto, patay na talaga ang impeachment complaint.
02:41Kailangan ng maghintay ng isang taon bago muling makapag-initiate ng impeachment complaint laban sa Pangulo, alinsunod sa one-year bar rule sa Saligang Batas.
02:49That initiation is completed when you refer it to the Justice Committee.
02:55So kung kailan na-refer ito sa Justice Committee, maglalaps ito January 26 of 2027.
03:05Which means, January 27 of 2027, wala nang existing na one-year prohibition period.
03:14Umaasa po ang Pangulo na kahit na po ang sinasabing impeachment ay isang political tool,
03:20umaasa po siya na ang mga member po ng House of Representatives ay maaayon lamang kung anong ebidensya na naipakita at naging discussion sa Committee on Justice.
03:31At ang Pangulo po mismo, sa sarili niya, kumpiyansa siya na wala po siyang ginawang anumang impeachable offense.
03:38Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
03:41Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:45Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments