Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na po mababago ang rekomendasyon sa nag-leak ng Senate Blue Ribbon Committee Draft Report
00:05na kasuhan sina Sen. Joel Villanueva at Jingoy Estrada kagunay sa Flood Control Scandal.
00:12Ayon po yan kay Committee Chair Sen. Panfilo Lacson.
00:15Tatalakayin bukas ng majority Senators ang draft report na kailan po makakuha ng labing isang pirma bago ma-sponsor sa plenaryo.
00:24Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:26Magpupulong muli ang majority Senators bukas para linawin ang mga agam-agam sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee
00:36ukol sa Flood Control Anomalies.
00:39I hope so. Sana ma-resolve na namin yung lahat ng kanila mga concerns, ma-address,
00:45pagkatapos makongklud na namin kung makakagather ba ng 11 o hindi.
00:50Para na sa ganun, we can move on. Matatawag ulit ako ng pagdinig
00:54at tapusin na namin yung, i-close na namin yung inquiry tungkol sa flood control projects
01:01at gagawa na ako ng final committee report.
01:03Remember, merong hindi maisasama dun eh.
01:05Kasi hindi na saklaw yung pang-pitong hearing eh.
01:08Mababago pa po yung version na lumabas.
01:12Ano ho? Kasi may nag-leak na po eh.
01:15Pero hindi doon sa sustansya.
01:16Yung ang napag-usapan namin, at least noong Merkulis,
01:21eh yung paggamit ng appropriate language
01:25doon sa mga ibang paragraphs na napansin nila
01:29na pwede pa i-improve.
01:32Sa nag-leak na draft report,
01:34inirekomenda ng komite ang pagsasampa ng reklamo
01:37laban sa ilang senador, kongresista at iwa pang opisyal ng gobyerno.
01:41Sabi ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Ping Lakson,
01:44hindi na mababago ang rekomendasyong kasuhan
01:47sina Sen. Joel Villanueva at Jingoy Estrada
01:50na tumanggap umano ng kickbacks mula sa flood control projects.
02:11Ang mga ebidensya, nang galing din sa pagdinig ng Blue Ribbon eh.
02:14So kapag iniba namin yun at hindi namin na-recommenda
02:17for the filing of appropriate charges
02:20through a preliminary investigation,
02:23parang napaka-awkward naman dahil nangyayari na nga eh.
02:26Nasa ibang kategorya naman, Anya,
02:28ang iba pang kasalukuyan at mga dating senador
02:31na nabanggit sa mga pagdinig ng komite.
02:33While nabanggit yung pangalan nila,
02:35walang kalaman-laman,
02:36kundi yung pagkabanggit lang ng pangalan
02:38na umano, nagbigay yung si Yusek Bernardo
02:42sa staff ni, dating staff ni Sen. Binay,
02:46nagbigay doon sa dating staff ni Sen. Grace po.
02:49Ganon din yung kay Sen. Villar eh.
02:50Nasabi lang na nagdala ng pera sa ganon.
02:53Pero wala yung pinagbabasiyang ibang ebidensya.
02:58Kaya ang, actually, wala nga kami masabing recommendation doon
03:02except na binanggit yung kanila mga pangalan.
03:04Inirekomenda rin, Anya, ang kasuhan
03:06si dating House Speaker Martin Romualdez.
03:08Hindi po siya off the hook pa.
03:10Hindi, malayo.
03:12Kasama siya doon sa, I think, sa second category.
03:15Parang magka-lump sila ni Sen. President,
03:19dating Sen. President Escudero.
03:20While nabanggit yung mga pangalan nila,
03:23walang directamente na tinanggap nila yung pera.
03:26Sa ngayon, walang nakikita ang Blue Ribbon
03:28na aabot kay Pangulong Bongbong Marcos
03:30ang flood control kickbacks.
03:31Wala kayo mamakita kasi ang presidente nag-a-approve talaga ng gaay
03:36pag napunta sa kanya.
03:37Saka hindi naman siya yung nag-prepare ng General Appropriations Bill.
03:42Anyway, sabi ko, work in progress.
03:44I-review namin ulit.
03:45Pag-uusapan namin sa lunes
03:47kung ano yung nararapat na pagtrato
03:52kung ano man yung possible culpability
03:55ni Pangulong Bongbong.
03:56Sabi ni Laxon,
03:58na-highlight sa nag-leak na report ang mga reklamo
04:00pero ang importante aniya na laman ng report
04:03ay ang proposed legislations.
04:05Kailangan makakuha ng labing isang pirma
04:07ang committee report ng Blue Ribbon
04:09bago ito ma-sponsoran sa plenaryo.
04:11Para sa GMA Integrated News,
04:13Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
Comments

Recommended