Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Gusto raw makipagpulong ni Rep. Leandro Leviste kay Sen. Ping Lacson
00:05kaugnay sa mga hawak niyang files na galing umano kay umaong dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
00:11Si Lacson naman isiniwalat na may mga taga-gabinete na humirit ng allocables sa 2025 budget.
00:18Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:23Isiniwalat kahapon ni Sen. Pro Tempore Ping Lacson
00:26na hindi bababa sa limang cabinet secretary at ilang undersecretary
00:31ay may bilyong-bilyong pisong allocables at non-allocables sa 2025 budget
00:35base sa dokumentong hawak niya.
00:38Sabi ni Lacson, galing ito sa abugado ni yumaong dating DPWH USEC Catalina Cabral
00:44at mga dokumento mulaan niya mismo sa DPWH.
00:48Kabilang daw rito ang isang ES na may 8.3 billion pesos
00:52at si dating DPWH Sekretary Manny Bonoan na may 30.5 billion para sa 2025 lamang.
00:59Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Bonoan kaugnay nito.
01:03Sabi ni Lacson, ang allocable ay patungkol sa mga mambabatas na nanghihingi ng proyekto.
01:08Kaya tanong ni Lacson, bakit nagkaroon nito ang mga cabinet secretary?
01:13Base rin daw sa pahayag ni dating DPWH USEC Roberto Bernardo,
01:17bukod kay Bonoan ay naghatid din siya ng kickback sa isa pang miyembro ng gabinete.
01:22Dagdag ni Lacson, meron ding bilyong-bilyong pisong halagan ng allocable
01:26para sa House leadership at sa ilang party list group.
01:29Maaari raw ipa-authenticate ang mga dokumentong ito
01:32sa Department of Budget and Management o sa DPWH mismo.
01:36Pagkatapos, pwede rin anayang ipatawag ng Senate Blue Ribbon Committee
01:40ang mga cabinet secretary.
01:42Nang tanungin si Batangas First District Representative Leandro Leviste
01:45kung may mga cabinet official sa listahang hawak niya,
01:49sagot niya, may mga acronym siyang nakita.
01:52Ang isang acronym po na kasali doon ay S.A.P.
01:57Hindi ko po masasabi sino si S.A.P.
02:01Pero nandun po sa 8 billion pesos of projects si S.A.P.
02:07Hindi lang po yung listahang ito ang nakalap ko.
02:12Mayroon din po kung iba pang mga listahan ng mga insertions.
02:17At ayon din po sa ibang mga nakalap kong mga ebidensya,
02:23lunglabas din po doon ang acronym S.A.P.
02:28Kanina nag-post si Leviste ng kanyang email sa DPWH noong October 1
02:33nang mag-request siya ng DPWH budget kada legislative district.
02:38Pati ang sagot sa kanya ng DPWH noon namang October 20.
02:42Kalakip ng email ng DPWH ang ilang dokumento.
02:45Kabilang ang isang lihaw na may pirma mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon.
02:50Sabi ni Leviste, binigyan niya ng ilang araw ang DPWH
02:54para i-authenticate ang mga dokumentong in-upload niya sa Facebook.
02:57Never ni Secvins sinabi na hindi tunay ang aking mga dokumento.
03:02Ang sinabi lang niya, hindi pa niya napatunayan.
03:05Hindi pa na-authenticate ako.
03:07Kasi baka nasa abroad siya.
03:09Sinabi sa akin ni Secvins noong September na isa sa publiko niya ito.
03:14Sinusubukan namin kunan ng pahayag si Dizon,
03:17kaugnay sa mga bagong pahayag ni Leviste.
03:19Pero nauna na niyang sinabi na wala siyang ino-authenticate na anumang dokumento.
03:23Hindi rin daw malino kay Dizon kung ano ang mga nakuhang dokumento ni Leviste.
03:28Sabi pa ng kongresista, maraming pumigil sa kanya na mag-privilege speech ukol sa Cabrel Files.
03:34At sila rin daw marahil ang pumipigil ngayon kay Dizon na ilabas ito.
03:53Malaman kung saan nagastos yung 3.5 trillion pesos sa DPWH.
03:59At ang kakalungkot din na imbes na ilabas, mukhang pinagtatakpag pa.
04:05Kaya sana si DPWH noong po at si Secvins ni Zizon ang maglabas nito.
04:12At hindi na lang hanapan sa akin.
04:15Gayun din ang ilan umano na ipinadaraan pa sa kanyang inang si Sen. Loren Lagarda upang huwag ilabas ang listahan.
04:22Sinusubukan pa naming makunan na pahayag ang Senadora.
04:25Sinagot din ni Leviste ang aligasyon ni Dizon na sa apilitan niyang kinuha ang mga dokumento kay Cabral.
04:31Bakit after five days lang niya sinabi yan?
04:33Actually, November ko pa sinasabi meron akong files from Yusek Cabral. Wala siyang sinabi na ganung kwento.
04:39Sabi ni Palace Press Officer Yusek Lair Castro, dapat imbestigahan kung paano nakuha ang Cabral Files.
04:46Lumalabas kung sa staff nang galing, mukhang hindi galing kay Yusek Cabral.
04:53Kasi sa staff eh, kung katotohanan lang di naman ang gusto natin, agad-agad mo nang ipakita.
05:00Yusek Claire Castro will make a fool of herself because everything that I'm saying can be verified even by publicly available data.
05:05Kaya ang sinasabi niyo po ay tama, ang dapat mangyari dito ay hindi natin pagtakpan ang mga proyekto na pinapropose ng mga mababatas.
05:15Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzales, Nakatutok, 24 Oras.
05:22Nilinaw ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin na wala siya anumang hiniling, inendorso o inaprubahang DPWH Project o Budget Allocation.
05:31Walang binanggit na pangalan si Sen. Ping Lakson pero binanggit niyang may initials na ES sa listahan.
05:39Ikinagalit, ni Bersamin ang anyay insinuation o paratang na siya ang tinutukoy na ES sa Cabral Files.
05:48Itinanggi rin niya na may inutusan siya na gamitin ang kanyang pangalan para sa anumang layunin.
05:53Busisingin daw sana ng mabuti ang Cabral Files.
05:57May lantad, ang sinumang nasa likod ng anyay manipulasyon ng budget.
06:03Handa raw makipagtulungan si Bersamin sa anumang imbistigasyon kaagnoy nito.
06:07Sabi naman ni Palas Press Officer Undersecretary Claire Castro,
06:11kahit parang may sangkot ng mga cabinet members,
06:13ipagpapatuloy lang ang pag-iimbestiga para matuntun.
06:17Ang totoo anyang may sala.
06:18At kung sinumanan niya ang may sapat na ebidensya,
06:22maritong itong magsumite sa ICI o magsampan ng kaso.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended