Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Minora na nga, binato pa ng helmet ang isang rider ng motor taxi na tumanggi sa gusto ng pasahero
00:06na mag-U-turn siya para mapabilis ang pagpunta sa drop-off.
00:10Ang pasahero hindi pa rin nagbayad ng pamasahe.
00:14Saksi, si Jamie Santos.
00:19Kumakalat sa social media ang isang video na kuha ng isang motorcycle taxi noong February 2.
00:24Nangyari raw, 5.56 ng umaga, bahagi ng ETSA Corner Ayala Avenue sa Makati City.
00:31Sa video, maririnig na nagtatalo ang pasahero at rider ng motorsiklo.
00:37Gusto ng pasahero na mag-U-turn ang rider.
00:44Gusto raw ng pasahero na mapabilis ang pagpunta sa kanyang drop-off area.
00:54Nasa ETSA na po kami, pakaliwa sa Ayala.
01:00Yun po, gusto niya po akong pa-U-turn sa illegal U-turn.
01:04May signage naman pong no U-turn, eh, pinagpipilitan niya po.
01:09Tumanggi ang rider na si Mark Henry Paglinawan.
01:12Dahil bawal ang U-turn sa naturang lugar at maari siyang mapatawan ng multa o maaksidente.
01:17Siyempre, baka po maanay, matikitan po ako.
01:30Pag nag-U-turn po, sinunod ko sa kanya, matikitan ako.
01:33Tapos baka mabanggaan ako, siyempre, masisi pa po sa akin.
01:39Kaya nag-iingat lang din kayo.
01:40Ako po, nag-iingat lang po.
01:42Dahil hindi silunod, ang pasehero, pasigaw na kinausap ang rider.
01:53Minumura pa.
01:56Makikita rin na tila aambahan pa ito ng pananakit.
01:59At pagdating sa babaan...
02:00Dahil sa insidente, aminado ang rider na naapektuhan siya at nahirapang ipagpatuloy ang pamamasada.
02:25Na-trauma ako. Hindi po ako makapag-focus mag-drive. May sumunod po ng mga pasayero. Mga tatlong pasayero.
02:34Sa pahayag ng Move It, kinilala nila ang kanilang rider partner sa paninindigan sa pagsunod sa batas trapiko.
02:41At tiniyak na makakatanggap ito ng karampatang pagkilala.
02:46Iniimbestigahan na ng kumpanya ang insidente.
02:48Payo nila sa publiko kung makakaranas ng kaparehong sitwasyon, makipag-ugnayan agad sa kanilang official channels.
02:56O gamitin ang report and issue feature sa app upang makapagbigay sila ng agarang tulong at aksyon.
03:03Ilang motorcycle rider na aming nakausap, nakaranas na rin daw ng ganitong insidente.
03:09Hindi ko susundin yun kasi kawawa ka yung mga riders, mam.
03:12Disgrasya, tapos ta, huli pa kami ng enforcer.
03:16Tulang pa yung namin, mam. Kita.
03:17Pag dumaan ba ako ng bus lane, babayaran mo ba?
03:20Pag natikitang ba ako, babayaran mo.
03:21Doon nagsisimula yung pagtatalo nila.
03:24Para sa GMA Integrated News, ako, si Jamie Santos, ang inyong saksi.
03:32Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:35Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended