00:00Pinagpapaliwanag ng LTO ang rider na sangkot sa away kalsada sa Retiro, Quezon City.
00:05Ayon po sa mga polis, nag-ugat ang away sa gitgitan.
00:09Saksi si Jamie Santos.
00:15Sa viral video sa social media, makikitang nagkainitan ang driver ng isang pickup
00:20at mga sakay ng motorsiklo sa Retiro o NS Amoranto Avenue sa Quezon City.
00:25Maya-maya, pinalo ng nakasakay sa motor ang pickup dahilan para bumaba ang pasahero nito.
00:32Nauwi na ito sa suntukan.
00:34Batay sa imbestigasyon ng Laloma Police Station, nagkaalitan ang dalawang panig
00:39habang bumabiyahe sa lugar bandang 849 ng gabi noong Sabado, March 7.
00:44Nag-ugat po yung away nila dahil sa gitgitan, sa trafico.
00:50Dinala sa ospital ang mga sugatan para sa medical examination bago nagtungo sa presinto para sa imbestigasyon.
00:57Pero sa huli, kapwa tumanggi ang dalawang panig na magsampan ng reklamo laban sa isa't isa.
01:03Kami naman mga mga polis, in-assist po namin sila.
01:06At kaso lang, ang pagdating po dito sa istasyon,
01:11nagkasundo po yung dalawang panig na huwag na magsampan ng kaso sa isa't isa.
01:18Naglabas naman ng show cause order ang Land Transportation Office laban sa rehistradong may-ari ng driver ng motorsiklo.
01:26Inaatasan silang humarap sa pagdingig ng Intelligence and Investigation Division ng LTO
01:31at magsumite ng sinumpaang salaysay para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng reckless driving at obstruction of traffic.
01:40Ipapaliwanag din nila kung bakit hindi dapat bawiin ang lisensya ng driver.
01:44Habang patuloy ang imbestigasyon, pansamantalang isususpindi ng siyam na pung araw ang lisensya ng driver
01:51at inalagay sa alarm status ang sangkot na sasakyan.
01:54Kung hindi raw haharap sa itinagdang pagdinig ang mga sangkot,
01:58pagbabatayan na lamang ng ahensya ang mga ebedensyang hawak nito sa pagresolba ng kaso.
02:03Paalala naman ang mga otoridad para makaiwas sa gulo sa kalsada.
02:07Unang-una is to stay calm, maging mahinahon po tayo.
02:12Keep your distance pag may mga nag-uudyok na makipag-away.
02:20Pangatlo, do not respond.
02:22Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:29Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments