Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Trahedya agad ang idinulot ng bagyong basyang
00:08na dalawang beses naglandfall bago humina at naging tropical depression.
00:13Bukod kasi sa kabi-kabilang pagbaka sa Visayas at Mindanao,
00:17nagdulot ang bagyo ng landslide na ikinasawi ng apat sa Cague Andeoro City.
00:22Isa sa mga nasawi, sanggol, na labing isang buwang gulang lang.
00:26Sa burol at libing na niya maisusuot ang gown na gagamitin sana niya sa kanyang unang kaarawan.
00:32Nakatutok si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:40Sa kasagsagan ng pananalasan ng bagyong basyang kagabi,
00:43abala ang mga rescuer na ito sa pagkuha sa labi ng mag-anak
00:48na natabunan ang lupa sa Zone 1, Sambulawan, Barangay Agusan, Cague Andeoro City.
00:54Balot ng foil, isa-isang binuhat ang apat na bangkay, mag-asawang edad 47 at 35.
01:06At kanilang mga pamangkin, isang sanggol na labing isang buwang gulang at batang edad labing dalawa.
01:14May dalawa pang naitalang nasubatan.
01:16Pagputok ng liwanag,
01:22kita ang pinsalang iniwan ng pagbuho.
01:26Sa kwartong ito kung saan natabunan ang mga nasawi habang nagpapahinga sa kasagsagan ng bagyo, tumambad ang makapal na putik.
01:36Sira-sira ang mga gamit ng mga biktima, pati mga damit na pilit isinalba ng kanilang mga naiwan.
01:43Kabilang na riyan ang isang pink na gown na isusuot sana ng pinakabatang biktima para sa kanyang unang kaarawan.
01:52Pero dahil sa trahedya, sa burol at libing na lang niya ito maisusuot.
01:58Sa ibang barangay sa lungsod, baha naman ang namirwisyo sa kasagsagan ng bagyo.
02:17May mga nerescue sa hanggang bewang na baha sa barangay Kugman.
02:21Nagmistulang ilog naman ang mga kalsada sa barangay Bugo.
02:26Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, James Paulo Yap, nakatutok 24 oras.
02:35Sa ibang bahagi ng northern Mindanao naman, winasak ng ragasan ng ilog ang isang bakal na tulay
02:42habang gumuho ang ilang struktura sa tabing ilog.
02:46Ang kamagin airport naman, binaha kaya pansamantalang isinara.
02:51Nakatutok si Salima Refran.
02:56Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong basyang kagabi sa Pugaan, Iligan City,
03:01tinignan ang kumukuha ng video ang level ng tubig sa ilog para sa kanilang siguridad.
03:05Medyo dilitado.
03:07Iwinasiwas ng malakas ragasan ng tubig ang steel bridge hanggang sa tuluyang gumuho.
03:16Mahigit isang taon pa lang mula ng matapos ang naturang tulay.
03:20Ayon sa may-ari ng video, tumaas pa ang tubig matapos ng ilang minuto, kaya lumipat na sila sa mas mataas sa lugar.
03:27Matinding pagbahari ng iniwan ang malakas sa pagulang naranasan sa barangay Mahayahay.
03:32Sa lakas ng ragasan ng tubig, inanod na ang mga sasakyan sa kalsada.
03:37May isang tuloy ang tinangay ng tubig.
03:40Maya-maya pa, inanod na rin ang dalawa pang sasakyan hanggang sa tumama ito sa barikada.
03:49Nakunan din sa parehong barangay ang pagtangay ng baha sa isang pulang pickup.
03:54Umabot hanggang bewang ang baha sa kalsada, kaya nagmistulang ilog kasunod ng walang pumpay na pagulan.
04:01Na-alarm rin ang mga residente sa First Riverside, Palau dahil sa nagngangalit na tubig sa ilog.
04:09Ang strukturang yan, mapapansin unti-unti nang nasisira dahil sa lakas ng tubig.
04:14Hanggang tuloy ang itong bumagsak.
04:23Isa-isa rin natumba at inanod ng baha ang iba pang strukturang malapit sa ilog.
04:28Agad naman itong nerespondeha ng mga otoridad.
04:33Dahil sa pagbaha, sa tulay namang ito sa Iligan City pa rin.
04:38Naglutanga ng samotsaring basura.
04:41Ang Tubod Bridge, hindi na nadaanan kanina madaling araw dahil sa taas ng tubig.
04:49Sa barangay Tipano'y ikinasah ang rescue operations para sa mga residenteng binaha.
04:54Nag-deploy rin ang rescue teams ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga barangay sa Iligan City na nalubog sa tubig.
05:04Tumulong din ang Philippine Coast Guard Lagindingan District na nag-deploy naman ng mga rubber boat.
05:09Lalo't mahirap na maabot ang ibang lugar kung saan mataas na ang baha.
05:13Mahigit sanlibong pamilya na ang nag-evacuate pasado alas 8 ng umaga kanina.
05:18Gapon po. Anang gabi eh?
05:20Oo. Gapon po niyo.
05:22O niya, naroon.
05:23Buntag na lang. Wala may katulong.
05:26Bumabot naman sa 21 maapektadong barangay.
05:29Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa mabababang lugar na lumikas.
05:35Sa tandag City Surigao del Sur, tila waterfall ang bumuhos na baha sa mababang bahagi ng barangay San Antonio.
05:42Ang mga bahay pinasok na ng tubig.
05:45Hala, grabe!
05:46Ayon kay U-Scooper Jeline Estrada, lumikas sa mga residente sa barangay Health Station at Covered Court.
05:53Inanunsyo naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines ang pansamantalang pagsasara ng runway 0725 ng Kamigin Airport.
06:02Dahil daw yan sa pagbahang dulot ng umapaw na sapa.
06:06Dalawang flight ng Cebu Pacific ang kinansila dahil diyan.
06:09Kala una'y humupa rin ang baha.
06:11Para sa GMA Integrated News, Sani Marafra, Nakatutok 24 Oras.
06:18Puspusan po ang paghahanda ng GMA Kapuso Foundation ngayon para magatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong basyang sa iligan.
06:27Inaasahan ng ilang kongresista na sa lunes ay isasama na sa pag-uusapan ng plenaryo ang dalawang impeachment complaint labang kay Vice President Sara Duterte ngayong hawak na ito ng opisina ng House Speaker.
06:41Ang mga pagdaraanan nito para umabot sa Senado kung sakali sa pagtutok ni Darlene Cai.
06:47Tatlong araw matapos maihain, sakalang na-transmit kahapon sa tanggapan ni Speaker Bo GD ang dalawang verified impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
07:00Ang una ay isinampa ng mga dating kongresista sa makabayan block at inendorso ng parehong block.
07:06Habang ang ikalawa ay isinampa ng ilang civil society and religious groups at inendorso ng ML party list at akbayan party list.
07:13Base sa impeachment rules, meron lang ang speaker na sampung session days para isama ang mga reklamo sa order of business ng plenaryo ng Kamara.
07:20Matapos nito, may tatlong session days ang plenaryo para i-transmit ang mga reklamo sa Justice Committee.
07:25Sabi ng Justice Committee member na si Terry Riton, inaasahan nilang sa lunes ay maisasama na sa order of business ang dalawang impeachment complaints laban sa Vice.
07:32Sabi naman ang committee chairperson na si Jerville Luistro, pwede pa rin humabol na maghain ng iba pang reklamo impeachment laban sa Vice.
07:39So long as wala pang narirefer sa Justice Committee, let us remember that the process of initiation is completed by the referral of the plenary of the impeachment complaint to the Justice Committee.
07:57Ang isa pang pwedeng mangyari ayon kay Riton ay ang fast track mode kung saan one third ng Kamara o 105 na mga kongresista ang mag-e-endorso ng articles of impeachment laban sa Vice bago direktang ipadala o i-transmit sa Senado.
08:10Pero sabi ni Luistro, dapat maingat sa paraang yan, lalo't idiniin na ng desisyong inilabas ng Korte Suprema ang pagsisiguro ng due process para sa Vice.
08:18Kasi dyan nagkaroon ng requirement ang ating Supreme Court in the first decision na dapat mabigyan ng notice ang respondent at dapat mabigyan ng pagkakataon ng respondent to file an answer to the impeachment complaint.
08:35That is in as far as the first decision is concerned. And then with respect to the recent resolution, evidence must be attached to the impeachment complaint and that the same must be sufficient to support the impeachment complaint.
08:50Kaya para kay Luistro, mas mabuting maglabas ang Committee on Rules ng bago, mas malinaw at mas detalyadong mga patakaran sa impeachment proceedings alinsunod sa resolusyon ng Supreme Court.
08:59Tiwala naman ng mga complainant na may sapat na basihan ng mga reklamo laban sa vice na halos kahalintulad ng mga inilatag ng ipa-impeach si Duterte noong 2025.
09:09Kabilang dyan ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, bribery at commission of high crimes.
09:15Dahil sa umano'y maling paggamit ng P612.5 million na confidential and intelligence funds ng Office of the Vice President at Department of Education,
09:24gayon din ang umano'y tangkang pagpapapatay ng bises sa Pangulo, First Lady at dating Speaker sakaling may mangyari sa kanya.
09:32Nauna nang itinanggini-VP Sarah ang mga aligasyon pero tuloy ang paghahanda ng depensa kung ma-impeach.
09:38Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
09:43Tinawag ng Pangulo na political move at walang basihan ng dalawang impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
09:51At idideklara ng insufficient insubstance ng House Committee on Justice.
09:57Nakatutok si Jonathan Andal.
10:01I'm glad that the impeachment complaints against me have been finished.
10:08Unang beses ito na nagkomento si Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa mga inihain impeachment complaint laban sa kanya.
10:15Kasunod yan ang pagdideklara ng House Committee on Justice sa mga reklamo bilang insufficient insubstance.
10:21I wasn't very worried because I saw the impeachment complaint and I knew that I would be alright in terms of the impeachment.
10:31Because here wala naman, there were no real grounds for the impeachment.
10:36It was a political move.
10:37We can get on with our work because these things are distractions from the things that we were doing.
10:42Dumistan siya naman ang Pangulo ng tanungin kaugnay sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
10:49I have no reaction. Hindi ko trabaho yan. Trabaho ng House.
10:53Babayaan mo sila magtrabaho. I'm sure they will handle it properly.
10:58Kaninang umaga, nasa Maynila ang Pangulo para sa groundbreaking ng itatayong pamantasan ng lungsod ng Maynila,
11:04College of Allied Health Services Building,
11:07sa lokasyon ng isang pasilidad ng Hospital ng Maynila.
11:10Pag binuksan na ito, aabot sa 5,000 medical students ang pwedeng mag-enroll kumpara sa dating 300 lang.
11:17On behalf of the people of Manila, we wish you good health.
11:24We wish you to be successful.
11:26And we will continue to support in our own little way.
11:29In-anunsyo rin ng Pangulo ang paglulunsad ng bagong science courses sa PLM,
11:34ang Medical Technologies at Radiologic Technologies.
11:38Ipinagmalaki rin ng Pangulo na naglaan ang pamahalaan ng 500 bilyong piso sa sektor ng kalusugan ngayong taon.
11:44Matid natin ang mga pagsubok na hinaharap ng ating mga kababayan.
11:50Kulang ang akses sa servisyong medikal.
11:53Kulang sa modernong teknolohiya at pasilidad sa mga ospital.
11:57Kulang mga healthcare center at healthcare worker sa ating mga bayan.
12:02Nananawagan ako sa ating mga kababayan.
12:05Samantalahin ninyo ang mga programang ito upang mapangalagaan ang inyong mga sarili.
12:11Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
12:15Mga kapuso, doble ingat sa mga binibiling mumurahing gadget at makagaling yan sa sinalakay na bodega sa Olongapo.
12:23Bistado ang operasyon ng limang chino roon kung saan inaayos ang mga reject at sira silang gadget galing China para pagmukhaing bago.
12:32Tunghayan sa aking eksklusibong pagtubo.
12:39Pangkaraniwang warehouse kung titignan ito mula sa labas.
12:42Pero ang bodegang ito na nasa loob ng Subic Bay, Freeport Zone sa Olongapo City,
12:47inbakam pala ng reject o pinaglumaan na gadgets mula China.
12:55Kasama ang mga taga-National Telecommunications Commission,
12:59nireit ng PNPCIDG ang warehouse na namonitor daw nilang nag-ooperate October 2025 pa.
13:05Bukod sa walang kaukulang mga permit,
13:08ito rin ang tindahan o pinanggagalingan ng mga ibinibentang substandard na gadgets kung saan saan.
13:14Nakakuha po tayo ng mga sarisaring laptop, refurbished laptop at assorted cellphone na nagkakahalaga ng P12,195,000.
13:27Ito ay galing sa China.
13:29Mabibili lang yung mga tablet na ito sa halagang P2,000.
13:34Mga refurbished laptops at mobile phones na ito sa halagang P2,000 hanggang P5,000.
13:42Ang nasa likod ng operasyon, puro dayuhan.
13:45May nahuli tayong limang Chinese national.
13:49Sila po yung mga nagmamayari, yung manager, supervisor, at isang Filipino.
13:59Kung saan, siya naman po sir, yung nag-a-ask translator ng mga Chinese na ito.
14:08Magka-coordinate din po kami sa Bureau of Immigration para alamin kung ito bang mga Chinese national na ito ay may mga kaukulang papeles.
14:19Ayon sa CIDG, isa-isang binubuo ang mga silang gadgets dito.
14:23Sinasalpakan at pinapalitan ng kung ano-anong pyesa kaya garantisado na kamura nga ang tatangkilik, hindi naman nakatitiyak sa kalidad.
14:31Wala silang permit galing sa NTC. Ibig sabihin, unang-una, hindi silang nagbabayad ng tax.
14:39Pangalawa, pag bumili tayo ng mga ganitong laptop at mga cellphone, wala itong warranty.
14:45So kung masisira, kahit nakamura nga tayo, hindi naman natin sigurado yung kalidad.
14:55Ang mga suspect na sinisikap pa naming makunan ng panig, kakasuhan ng paglabag sa Consumer Act of the Philippines,
15:01Unfair Competition Act at Ecological Solid Waste Management Act.
15:07Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil na Katutok, 24 Horas.
15:12Parang karaniwang panindalang kung ilako online ng kani-kanila mismong mga nanay ang dalawang sanggol na nasa git ng pulisya sa Bulacan at Pampanga.
15:22Kung paano nasa kote ang mga suspect sa pagtutok ni Von Aquino.
15:27Sa tapat ng isang simbahan sa Angeles, Pampanga, nasa git ng PNP Women and Children Protection Center at City Social Welfare and Development Office,
15:40ang isang two-day-old baby boy.
15:42Ayon sa PNPWCPC, tinangka siyang ibenta ng kanyang mismong ina gamit ang social media sa alagang 30,000 pesos.
15:50Ang alok, kunwaring kinagat ng pulis na nagpanggap na buyer at nang iaabot ng sanggol ay agad itong ni-rescue.
15:58Yun ang nakakalungkot kasi as it appears, para lang siyang commodity na ino-offer.
16:03So very crucial na pag nakapag-engage kami nito, dapat mabilisan kasi paano akong mapunta sa maling kamay itong mga batang ito.
16:13Katwira ng ina ng bata, hindi niya planado ang pagbubuntis at gagamitin daw sana ang pera
16:19para ipagamot ang isa pang anak na may karamdaman.
16:22Inaresto siya ng pulis siya.
16:25Sa isang fast food branch naman sa Baliwag, Bulacan, sinagit ng PNPWCPC at City Social Welfare Office
16:32ang isang tatlong buwang gulang na sanggol na babae.
16:35Ayon sa WCPC, tinangkaring ibenta ng kanyang ina ang sanggol sa halagang 130,000 pesos,
16:42gamit din ng social media.
16:45Bukod sa ina ay inaresto rin ang lola at tiyahin ng sanggol.
16:49Allegedly, ito yung pampiyansa doon sa tatay ng sanggol dahil nakakulong
16:55and then pampaggamot o pangpa-opera ng lolo ng sanggol.
17:00Kaya medyo malaki yung demand money nila.
17:02Wala pang dalawang buwan ang taong ito pero limang bata na ang nare-rescue sa pagbibenta online.
17:07Kapantay ng lahat ng nare-rescue sa buong taon ng 2024.
17:11Dahil lumano sa talamak na bentahan ng sanggol online,
17:14isinaman na ng PNP WCPC sa kanilang advokasya
17:18ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mga komunidad
17:21kaugnay sa tamang proseso ng pag-aampo ng bata.
17:24Ang mga inaresto, maharap sa mga kasong paglabag
17:27sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022,
17:31Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act
17:36at Cybercrime Prevention Act of 2012.
17:39Ang mga sanggol naman ay itin-earn over na sa National Authority for Child Care.
17:43Kami po ay masusing mag-iimbestiga,
17:47mangguhuli at magkakaso sa mga taong nagbibenta ng sanggol o ng bata
17:53na ginagawang kalakal ang mga ito.
17:55Tandaan po natin, ang bawat sanggol, buhay yan.
17:59Hindi po siya pareho ng isang bagay o isang hayop na pwedeng ibenta.
18:04Para sa GMA Integrated News, Von Aquino Nakatutok, 24 Oras.
18:09Ika-minute na, mga kapuso!
18:14At ang magkakatid ng latest sa showbiz happenings,
18:17ang mukha ng batis ng katotohanan sa Encantadja Chronicle Sangre,
18:21si Ashley Rivera.
18:23Ashley!
18:25Thank you, Sir Emil, and Happy Friday, mga kapuso!
18:30Giving 90s vibes ang birthday photoshoot ni sparkle star Michael Sager
18:34na soon ay mapapanood na sa Born to Shine.
18:38Ang cast ng upcoming kapuso series, may pa-birthday surprise pa sa aktor.
18:43Makitsika kay Nelson Canlas.
18:53Walang kaalam-alam si Michael Sager na isang surpresa pala
18:56ang naghihintay sa kanya sa pictorial ng kanilang upcoming GMA Afternoon Prime series
19:01na Born to Shine.
19:02During lunch break, nagsama-sama ang ibang cast members
19:06at marami pang iba para kantahan si Michael.
19:08Naka-huddle kasi sila, kala ko nagdadasal.
19:11Sabi ko, wala, may in-interrupt ba ako?
19:12Yung pala may pa-surprise sila.
19:14So in fairness, nagulot ako.
19:15I'm so happy lang.
19:16It was such a warm surprise.
19:19Dumating at nakigulo naman
19:21ang mga malalapit na kaibigan ni Michael na si Nathaya Astley,
19:25Kailin Alcantara at Mark Bautista.
19:27Sa IG, pinusuan ng netizens ang golden hour pictorial ni Michael
19:53na may classic 1950s vibe.
19:56Buhos ang mga pagbati, kabilang ang ex-PBB housemates niya.
20:01Pinili ito ng Sparkle Star as a way to express himself sa kanyang kaarawan.
20:06I'm an old soul eh.
20:07I mean, I love the old music and stuff like that.
20:10I chose a vintage car kasi parang gusto ko i-bring back yung old Hollywood vibes.
20:14I don't know, kahit na bata ako parang gusto ko yung times na yun.
20:18And feeling ko, it's just, it's close to me.
20:20And for my birthday, I wanted to show a bit of my personality.
20:22Nelson Canlas updated sa Showbiz Happening.
Comments

Recommended