- 4 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Karumal-dumal ang sinapit ng isang babaeng natagpuang patay, nakabalot sa plastic at nakasilid sa drum.
00:08Itinapon ang labi sa isang bangin sa antipolarizal at natagpuan ng mga bata.
00:13Patuloy pa rin ang investigasyon sa insidente at nakatutok live si Chino Gaston.
00:18Chino.
00:22Mel, Emil, Vicky, isang bangkay ng babaeng natagpuan kahapon ng mga nangangalakal ng basura
00:28sa ilalim ng isang bangin sa kilit ng Marcos Highway sa barangay San Jose, Antipolo City.
00:38Nakabalot sa plastic at nakasilid sa isang plastic drum ang mga labi na ito
00:42sa ilalim ng bangin nang makita ng ilang kabataan sa lugar dakong alauna ng hapon.
00:46Agad pinagbigay alam sa mga otoridad ang insidente at agarang naiiahaw ng mga labi gamit ang lubid.
00:52Nakita po silang drum. Akala po nila yun i-kalakal.
00:56At nung pagbukas po nila, tumambad po sa kanila ang paa.
01:01Kaya immediately pumunta sila sa pinakamalapit na polis.
01:06Pagkatapos nun, nakareceive kami ng report nga na nagsasabing may nakita silang paa na nakalagay sa drum.
01:15Sa taya ng PNP Scene of the Crime Operatives, hindi lalagpas ng 30 anyos ang edad ng biktimang nakasuot ng maong short at puting t-shirt hanggang bewang ang buhok.
01:25At may tatu na gagamba malapit sa tiyan at ahas sa kaliwang hita na may mga letra na kung babasahin ay NOIMI.
01:32Noimi, natunto ng GMA Integrated News ang pamilya ng biktima na kinilalang si Rana Ayesa Baluyot.
01:39Ayon sa kanyang kapatid, madaling araw ng Januari 20, huling nakita ang biktima sa barangay Kupang, Antipolo City.
01:45At may sumundu raw sa kanya na isang babae at lalaking nakamotor.
01:49Hindi malinaw kung ano ang gaugnayan ng biktima sa dalawa.
01:52Mula raw noon ay hindi na nila nakontak si Rana Ayesa.
01:56Patuloy din ang investigasyon sa sanhin ng kanyang pagkamatay.
02:13Hunyo ng taong 2023, tinapon din sa Bangin, di kalayuan mula sa lugar,
02:17ang mga tinaddad na parte ng isang babae na pinatay umano ng kanyang live-in partner.
02:26Vicky, sabi naman ang Antipolo Police, priority ngayon nila na mahanap ang mga salarins agreement para agad silang mapanagot.
02:34Vicky.
02:35Maraming salamat sa iyo, Chino Gaston.
02:38Samatala, nasa Cote sa Quezon City ang isang buntis na nagtangkang ibenta ang kanyang isang taong gulang na anak.
02:46Nasa Gipdin sa Batangas ang isa pang sanggol na ibinebenta umano online.
02:52Nakatutok si June Veneracion.
02:53Paglabas ng isang operatiba sa sasakyan,
03:00nagtakbuhan na ang kanyang makasamahan mula sa PNP Women and Children Protection Center o WCPC.
03:07Agad na kinuha ang isang sanggol.
03:10Entrapment operation nito sa Batangas City noong January 21,
03:14kung saan narescue ang tatlong buwang sanggol na ibinebenta umano online ng kanyang sariling ina sa halagang 75,000 pesos.
03:21Arestado ang ina nakakauwi lang sa Pilipinas kasama ang kanyang sanggol na ipinanganak sa Vietnam.
03:26Nung tinanong namin bakit binibenta, according to her, para makabalik siya sa Vietnam at magtrabaho ulit.
03:34Isang araw bago nito, narescue naman sa Quezon City ang isang taong gulang na sanggol.
03:39Huli rin ang kanyang buntis na ina na nagtangkaraw i-benta ang anak na pinresyuhan niya ng 25,000.
03:48According sa kanya, pito ang naging anak niya.
03:52Itong binenta niya pang pito, tas buntis siya ngayon ng 3 months ulit.
03:57Hindi daw siya sinusuportahan ng kanyang asawa.
03:59Nakakulong ngayon sa isang selda sa Camp Cramee ang mga arestadong ina.
04:02Pusible silang makulong ng habang buhay dahil sa maglabag sa mga batas gaya ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
04:17Ngayong buwan pa lang ng Enero, tatlong baby na ang nare-rescue ng WCPC mula sa online bentahan.
04:23Naa-alarma ang police unit dahil noong 2024, lima lang ang nasagip at walo noong nakarang taon.
04:30Walong online site na ang kanilang napatakedown.
04:33Sampu pa ang kanilang tinututukan.
04:35Hindi rin kami napapagod na suyo rin sila.
04:38Para sa GMA Integrated News, June Benarasyon Nakatutok, 24 Horas.
04:44Tete Stigo mano si dating Congressman Zaldico laban kay Pangulong Bongbong Marcos
04:50kung umusad ang ikatlong impeachment complaint.
04:54Pinag-aaralan namang sampahan ng reklamo ang Secretary General ng Kamara
04:59dahil sa hindi pagtanggap sa dalawang impeachment complaint.
05:03Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
05:05May pasabog daw na testigo ang grupong naghahain ng ikatlong impeachment complaint
05:13laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
05:15Saldico is willing to testify on our behalf doon sa graph and corruption issue
05:21at sa lahat na naralaman niyang bigay ng pera maging yung pag-aayos ng budget in the program allocation.
05:29Hindi tinanggap kahapon ng Office of the Secretary General ang ikatlong impeachment complaint,
05:35pati ang ikalawang reklamo na inihain ang grupong bayan at mga kaalyado nito
05:39dahil nasa abroad si House Secretary General Celoy Garafil para tumanggap ng award.
05:45Nang malaman daw ito ni Co, lalo raw sumidhi ang kagustuhan nitong tumestigo.
05:50Si Co ang nagsabing si Pangulong Marcos umano ang nagutos ng budget insertions
05:55na nagkakahalaga ng 100 milyon pesos sa 2025 budget.
06:00Pero tumanggi ang grupong i-detalye kung paano sila nagkaroon ng komunikasyon kay Co.
06:05Nung malaman ni Saldigo na mag-a-file ng impeachment complaint at lalo tumalaman niya na
06:11pinlock, he is willing to testify to enhance the impeachment complaint to yung file.
06:18Ang sabi niya, noon nga sa Senate ay gusto na niya sa Blue Ribbon Committee, hindi siya pinayagan.
06:25Inaasahan niya, inaasahan namin na dito sa impeachment complaint ay papayagan siya mag-testify.
06:30Masusi na rin daw nilang pinag-aaralan ang pagsasampa ng reklamo laban kay Garafil.
06:36Nagkakaisa kami, and this is a warning to the office of the Secretary General, that we will file a case against the office.
06:45May constitutional violation si Secretary General Garafil.
06:51Kaya whether we left a copy or did not, we already tendered the submission of our complaint.
07:00Now the ball is in the hands of Garafil. And we will file charges against her.
07:05Sa ngayon, iisang impeachment complaint pa lang laban sa Pangulo, ang opisyal na natanggap ng Office of the Secretary General at nai-transmit na sa Office of the Speaker.
07:16Ito ang unang reklamong inihain ni Atty. Andre De Jesus.
07:19The De Jesus' impeachment complaint is a scam. It does not only involve the Secretary General's office, it involves the leadership of the House and the President himself.
07:32Sinisikap namin makuna ng pahayagang House Secretary General at si House Speaker Faustino D. III.
07:39Nasabi naman ni De Jesus noon na hindi niya inihain ang reklamo para protektahan ang Pangulo at meron daw siyang mga ebidensya.
07:46Sagot naman ni Palace Press Officer, Undersecretary Claire Castro.
07:51Kailangang patunayan ni Defensor ang kanyang aligasyon laban kay De Jesus na umaming minsan ang nag-abogado para sa PDP laban Duterte faction.
08:01Tinawag naman ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice
08:07na constitutional sabotage ang paggamit anya ng mga teknikalidad sa impeachment process.
08:14Kinagamit daw ang isang mahinang reklamo para mapigilan ang pag-ahain ng iba pang reklamong malakas at mas pinaghandaan.
08:22Naniniwala naman ang isang tag-a-House Committee on Justice na dapat ay tanggapin ng Kamara ang lahat ng ihahaing impeachment complaint.
08:30I think we should accept any and all impeachment complaints para at least hindi masabi ng taong bayan na sa filing pa lang pinaprotektahan na yung Presidente.
08:41Ngayong hawak na ng Office of the Speaker ang unang impeachment complaint, pagbalik ng sesyon sa lunes,
08:48merong 10 session days ang speaker para maisama ito sa order of business.
08:52Pagkatapos, may tatlong session days para ma-refer ang reklamo sa House Committee on Justice.
08:59Nakahanda naman daw ang House Committee on Justice kahit pa magkasabay nilang hawakan ng impeachment proceedings laban sa Pangulo
09:07at kung sakasakali laban kay Vice President Sara Duterte.
09:12I have a lot of faith and confidence to the 38 members of the Justice Committee
09:18for as long as we will be adopting the necessary strategies.
09:23I believe that we can confidently discharge our function in addressing two impeachment complaints.
09:31One against the President, although I do not want to speculate but you mentioned it, one against the Vice President.
09:39Kaya naman, magagaling yung mga members ng Justice Committee.
09:42Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok, 24 oras.
09:50Idiniin ni Presidential Sun at House Majority Leader, Sandro Marcos,
09:56na di niya haharangin ang anumang impeachment complaint laban sa kanyang amang si Pangulong Bongbong Marcos.
10:02Congress is constitutionally bound to hear these cases for anyone, for any impeachable officer,
10:11whether that is the President or not.
10:15So sa mga nagsasabi na ipakakaharangin niya yung impeachment or whatever, I cannot do that.
10:22Then Malacanang has stated that he's confident na wala naman siyang hinawang mali.
10:26And I share the same sentiments, so I will not be stopping or blocking any impeachment.
10:32Bilang House Majority Leader,
10:35ang nakababatang Marcos na may hawak ng House Committee on Rules
10:39ang kukumpas sa pag-usad ng reklamo sa House Committee on Justice.
10:45Iniurong sa Pebrero ang pagbasa ng sakdal kay dating Sen. Bong Revilla at kanyang mga kapwa-akusado
10:59sa Pandi Ghost Project para sa kasong Malversation at Graff.
11:03Iyan ay habang nire-resolba ang mga nakabimbing mosyon ng mga akusado.
11:08Nakatutok si Maki Pulido.
11:09Di tulad noong mga nakaraan, nakadilaw na t-shirt na si dating Sen. Bong Revilla
11:17nang humarap ngayon sa paglilitis ng kasong Malversation sa Sandigan Bayan.
11:22Uniform na mga persons deprived of liberty na nasa kustudiya ng BJMP.
11:28Nakaposas din siya at mga kapwa-akusado na tinanggal lang pagpasok nila sa sala ng Sandigan Bayan 3rd Division.
11:34Arraignment o babasahan sana ng sakdal, sinarevilla at aning pang-akusadong dating taga DPWH Bulacan 1st District
11:42para sa kaso na kaugnay ng di umano yung P92M Ghost Flood Control Project sa Pandi Bulacan.
11:49Pero dahil may mga nakabimbing mosyon ang mga akusado, ipinagpaliban muna ito ng Korte.
11:55Nireset ang pagbasa ng sakdal sa February 9.
11:58Binigyan ng prosekusyon hanggang January 28 na magkomento at pagkatapos noon ay re-resolvahin na ng mga mahistrado ang mga mosyon.
12:07Tumutol ang prosekusyon sa pagpapaliban ng arraignment dahil maantala lang umano ang paglilitis.
12:13Delaying tactic lang umano ng depensa ang mga mosyon.
12:16Pero sabi ng abogado ni Revilla, mahalaga para sa kanilang depensa ang mga mosyong ito.
12:21It's important because the objective is to wash the warrant and to dismiss the case.
12:25Ilan sa mga inihaing mosyon ni Revilla, motion to quash information o ibasura ang kaso dahil hindi raw nasunod ang due process.
12:34Motion for reinvestigation o ibalik sa ombudsman para muling maimbestigahan.
12:39At motion to be detained at the PNP custodial facility.
12:43Naghain din ang mosyon ng akusadong si Emelita Quat na makulong siya sa Bulacan Police Provincial Office.
12:49May mosyon din ang abogado ni Juanito Mendoza na pag-isahin na lamang sa isang dibisyon ang kasong graft at malversation.
12:56Pinatawag at pinaharap muli ng mga mahistrado ang mga jail warden ng Quezon City Jail Male at Female Dormitory
13:02para muling kumustahin ang kaligtasan ng mga akusado.
13:06Pagtitiyak naman muli nila, maayos at maluwag sa Quezon City Jail.
13:10Pagkatapos ng pagdinig sa 3rd Division, hindi muna binalik si Revillea sa Quezon City Jail
13:16dahil may kasunod na nakatakdang arraignment sa 4th Division na dumidinig naman ng kasong graft.
13:22Sa mga akusado, tanging si Emelita Quat, engineer ng DPWH Bulacan, ang nagpasok ng plea na not guilty.
13:29Dahil naghain din ang abogado ni Revillea para ibasura ang kaso at muli itong investigahan ng ombudsman,
13:36nireset din ang pagbasa ng sakdal sa February 9.
13:39Hindi na pumasok sa loob ng korte ang ibang mga taga-DPWH Bulacan
13:43na sina Bryce Hernandez, JP De Leon Mendoza, RJ Dumasig at Juanito Mendoza.
13:50Nagtaka nga si 4th Division Chair Michael Musngi kung bakit naghain pa ng mga musyon ng depensa
13:55dahil tatagal daw ang paglilipis.
13:57It's the right of the accused to invoke speedy trial but as far as we're concerned,
14:02we are exhausting all possibilities. We will take our chances there.
14:05Para sa GMA Integrated News, makipulido na katuto, 24 oras.
14:10At dahil na nga nag-aalala umano para sa kanyang seguridad si dating Sen. Bong Revilla,
14:17ininspeksyon ng mga maestrado ng Sandigan Bayan, ang piitan niya at ng mga kapwa-akusado.
14:23Mula sa New Quezon City Jail, nakatutok live si Maris Umadi.
14:27Maris.
14:28Vicky, para nga mapawi ang pangamba para sa seguridad ni na dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr.
14:37at ng mga kapwa niya akusado sa kontrobersyal na flood control project scam,
14:42mismong mga hukum na ng Sandigan Bayan,
14:44ang nag-inspeksyon dito sa Quezon City Jail Male Dormitory dito sa Payatas
14:48at gayon din sa female dormitory sa Camp Karingal
14:51para malaman ang kondisyon ng mga persons deprived of liberty
14:54at kung may basihan ba ang mosyon ni Revilla na mailipat na siya sa PNP custodial Facility.
15:04Pag-aalas 12 ng tanghali, nandumating dito sa Quezon City Jail Male Dormitory
15:09ang tatlong hukum ng Sandigan Bayan para inspeksyonin ng mga selda ang pinagpiitan,
15:14kinadating Sen. Bong Revilla at apat na kapwa-akusado na dating opisyal ng DPWH Bulacan.
15:19Kasama ng Jail Warden at iba pang opisyal ng pasilidad
15:22ay sinilip nila kung may basihan ang security concerns ni Revilla
15:26para magpalipat sa PNP custodial Facility.
15:29Wala naman po kami nakikita ang basihan.
15:31We assure them that this is a secured facility bago, modern facility at mas makatao nga.
15:37Nakalatag din a nila ang mas mahigpit na siguridad
15:39kabila ang limitadong galaw ng mga nakakulong at control gates sa bawat palapag,
15:44pati sapat na siguridad.
15:45We have approximately 200 employees per shift or jail personnel per shift
15:51na nakatutok per cell blocks.
15:55We have additional employees or personnel na dedicated for escort duties
16:01kapag sila ay lalabas ng kulungan.
16:03We have response team, we have coordination with the Quezon City Police District
16:07sa perimeter security.
16:08Mayroon din a nilang 24-7 CCTV camera sa buong jail facility
16:13na susuportahan pa ng parating na body worn camera para sa mga bantay.
16:17Inalam din kung congested o masikip dito tulad sa Lumang Quezon City Jail.
16:22Definitely wala pong congestion dyan under the rated capacity pa ho.
16:26It's rated for more than 5,000.
16:29We have 3,600 ka ngayon.
16:31Sinuri rin pati ibang pasilidad sa dalawang oras na inspeksyon.
16:34Katulad ng infirmary para tingnan kung may sapat na kakayanan sa pangkalusugan,
16:42training rooms, livelihood area, mga inner dormitories at mga selda
16:47ng general population natin and then mga facilities for telehearing,
16:52online hearing, ma-check din nila, kitchen at mga office and records office.
16:58Tumanggi magbigay ng pahayag ang mga hukom ng lumabas sa pasilidad
17:01bago mag-alas dos ng hapon.
17:03Generally positive naman ang feedback regarding sa situation ng jail natin,
17:09itsura ng jail at yung security measures na inilagay natin.
17:13Bago niyan ay tiniyak na sa pagdinig na secured si Revilla na mag-isa sa selda
17:17at nakahiwalay sa selda kung saan magkakasama ang apat niyang kapwa akusado.
17:21Because of their statements implicating the former senator,
17:26ayaw po nilang parang complicated kung magsasama-sama po sa selda.
17:31Basa sa desisyon ng Sandigan Bayan, ibinalik si Revilla at mga kapwa akusado
17:36sa New Quezon City Jail Male Dormitory.
17:39In-inspeksyon din ang mga mahistrado ang female dormitory sa Camp Karingal
17:42kung saan naman nakapiit ang mga babaeng kapwa akusado ni Revilla.
17:46Nakita naman din po na handa rin naman ang facility,
17:49zero congestion din po kasi yung female dormitory na.
17:52Vicky, pagkatapos ng pitong araw na mandatory quarantine,
18:00ay lilipat na sa general population si Revilla at yung apat na iba pa niyang mga kapwa akusado.
18:06Pero ayon sa BJMP, posibleng hindi na talaga isama yung apat kay Revilla.
18:10Wala namang schedule ng dalaw ngayong araw dahil ngayon nakaschedule
18:14ang disinfection activities dito sa male dormitory.
18:17Vicky?
18:18Maraming salamat sa iyo, Mariz Umali.
18:22Tinutugis na mga otoridad ang isang Pasay SK chairman,
18:26isang kagawad at pito pa nilang kasama na nang hijack at ng hold-up
18:31sa sasakyan na isang vlogger na nagbebenta ng ginto.
18:35Nahuli na ang isa nilang kasama sa pagtangay ng 6 na milyong pisong halaga
18:41ng alahas at pera.
18:43Nakatutok si Homer o si Jomer, apresto.
18:47Exclusive!
18:51Pasado alas 10 ng gabi nitong miyerkules nang huminto ang dalawang SUV na yan
18:55sa Tejeron Street, barangay 792 sa Santa Ana, Maynila.
18:59May kita sa CCTV ang pagbaba sa puting SUV ng driver
19:02at ng isang lalaki habang may bitbit na mahabang bagay na nakabalot ng tela.
19:07Lumipas ng ilang minuto, hindi pa rin bumabalik ang dalawa
19:11hanggang sa mag-traffic na sa kahabaan ng lugar.
19:13Dito na dumating ang mga taga-barangay na nagtaka kung bakit iniwan lang ng dalawa
19:17na nakahamba lang ang sasakyan.
19:19Isang mag-asawa raw ang nakakita na sumakay pala sa itim na SUV sa unahan
19:24ang driver at pasahero ng puting SUV.
19:27Kumanan dito sa May Francisco, dere-diretso na.
19:31Bali na kita natin may parang cable tie na pula.
19:35Doon sa may lapag.
19:36Tapos yung dalawang chinelas doon sa may driver's seat.
19:42Maya-maya, may kita sa video ang pagdating ng napakaraming polis
19:46mula sa Manila Police District at Pasay City Police Station.
19:49Sinusundan pala ng mga tauhan ng Pasay Police sa puting SUV
19:53na hinayjak ng dalawang armadong lalaki sa barangay 190 Pasay City.
19:58Lula nito noong una ang apat na biktima
20:00kabilang ang isang 24 anyos na content creator at seller ng ginto.
20:04Yung sasakyan po ng mga biktima po natin,
20:08biglang hinarang ng mga suspects.
20:11Then yung driver at saka yung pasahero dito sa harap nakatakas.
20:17So dalawa na lang yung natitira dito sa likod.
20:19So yun ang kinumando ngayon ng mga suspect natin.
20:23Agad naman na nakahingi ng tulong sa mga otoridad
20:25ang dalawang nakatakas na biktima
20:27kaya nagsagawa ng dragnet operation ng mga otoridad.
20:30Sa aktory na mayroong GPS ang sasakyan ng mga biktima
20:32at na-trace na nagpaikot-ikot ang SUV
20:35hanggang sa nakarating sila sa Santa Ana, Maynila.
20:38Maswerte rawat sa puntong ito,
20:40nakakita ng pagkakataon ng dalawa pang biktima
20:42para makatakas sa kamay ng mga armadong lalaki.
20:45Nung ililipat na sila sa ibang sasakyan,
20:49ano, tama-tama na ano nila sa ano,
20:52na-check nila na hindi nakalak.
20:53So doon na sila nagpulasan.
20:55Itong mga biktima natin,
20:56ito talaga yung kanilang negosyo,
20:59yung mag-trade in ng mga gold.
21:01Pero natangay na mga salarinang
21:03na sa 6 na milyong pisong halaga
21:05ng alahas at pera.
21:06Makalipas lang ang ilang oras,
21:11natuntun ang polisya sa isang resort
21:13sa barangay Pansol sa Calamba, Laguna,
21:15ang pinagtataguan ng mga sospek.
21:17Nahuli rito ang 22 anyos na lalaki
21:20na sinasabing driver ng itim na SUV
21:22kung saan nabawi ang ilang alahas at pera.
21:25Isang granada rin ang nakuha sa kanya.
21:27Pero wala na noong mga oras na yun
21:29ang ibang kasabuat ng lalaki.
21:30Sa CCTV ng resort,
21:33may kitang kanyang mga kasama
21:34habang kumakain at pinagpapartehan daw
21:36ang kanilang nakuha sa mga biktima.
21:38Sabi ng polisya,
21:39tukoy na nila ang pagkakakilala ng 6
21:42mula sa 10 sospek.
21:43Dalawa dito ay SK Chairman
21:45at kagawad pa ng isang barangay sa Pasay
21:48na kapwa nagtaguna.
21:50Lumalabas sa investigasyon
21:51na ilan sa mga sospek
21:52ay kakilala mismo na mga biktima.
21:55Napagalaman din na ito na
21:56ang ikalimang beses na nagawa
21:58ng mga sospek ang kaparehong krimen
21:59sa iba't ibang lalawigan.
22:01Sino ba naman namin hinga
22:02ng pahayagang sospek pero...
22:04Nakorta na lang po ako magpapaliwanag, sir.
22:07Maharapan na huling sospek
22:08at mga kasabuat nito
22:09sa patong-patong na reklamo
22:11kabilang ang robbery,
22:13comprehensive law on farms and ammunition
22:14at illegal possession of explosives.
22:17Para sa GMA Integrated News,
22:20Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
Comments