00:00Pinalagan ng mga tagapag-asa island ang pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta
00:04na i-give up o bitawa na lang ang Kalayaan Island Group
00:09kung saan sila kabilang para anya mas madali.
00:12Ayon sa mga eksperto, maling sabihin na exclusive economic zone lang ang batayan
00:18para sabihin teritoryo ito ng Pilipinas.
00:21Matagal naan nila itong inukupa at bahagi ng bansa batay na rin sa mga batas.
00:26Nakatutok si Joseph Moro.
00:31Sa pagdinig ng Commission on Appointments noong Merkoles,
00:34controversial ang naging pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta na tila isinusulong
00:38ang pamimigay sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea
00:42dahil niwala raw ito sa economic zone ng Pilipinas.
00:45Ano ba talaga ipagpapatayan natin dito?
00:49We will offer our lives including the lives of our children and to die for it
00:53for something that is not even within our EEC?
00:56Ang gawin natin po para madali, i-give up natin yung KIG.
01:01Hindi ito pinalampas si Sen. Panfilo Lacson.
01:05So atin yung Kalayaan Island Group.
01:08And Pag-asa Island is a barangay of the Kalayaan Island Group Municipality
01:13o Palawan, province of Palawan.
01:17This is the only inhabited barangay in the Kalayaan Island Group and it is ours.
01:22Ang Kalayaan Island Group ay binubuo ng pitong isla at dalawang bahura na sakop ng lalawigan ng Palawan.
01:30Ang land area nito mahigit 88 hectares kaya ito ang pinakamalaking munisipalidad sa bansa.
01:36Sa Pag-asa Island may nakatirang halos apat na rang residente at nakatatag dito ang isang barangay.
01:41Ang buhay ng mga tagapag-asa hindi nalalayo sa buhay ng maraming Pilipino na nakatira malapit sa dagat.
01:49Pero sila araw-gabi nakaharap sa banta hatid ng mga barko ng China na abot tanaw lamang nila.
01:55Kaya hindi nagustuhan ng mga tagapag-asa Island ang sinabi ni Marco Leta.
01:59We were offended. We take offense for what he has said kasi parang anong silbe nung bayan namin.
02:09Anong silbe nung mga magigiting mga bayan namin na kumbaga they have already given up yung greener pastures elsewhere in the country just to stay there being their kids.
02:22Isang resolusyon ang isusulong sa sangguniang pambayan sa Kalayaan sa Palawan sa susunod na linggo para ipatanggal sa record ng Senado ang mga sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta.
02:34Paglilinaw ng mga eksperto, hindi naman easy ang batayan kung bakit teritoryo ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Island.
02:41Yung sinasabi nila na parang ang pinapalabas nila ay kiniklaim natin ang Kalayaan Island Group dahil parte siya ng Exclusive Economic Zone.
02:49Mali po yun. Kaya atin yan ay matagal na natin na-occupy yan at Trinato bilang parte ng ating bansa.
02:57Membro ng Congress si Mark Coleta yung pinasa yan.
03:00Dapat alam niya, the West Philippine Sea refers to our maritime zones.
03:05Ang maritime zones natin, 200 nautical miles from our archipelagic basin plus the territory of our islands outside the 200 nautical miles.
03:15Klaro yun. Ibasahin niya lang yung batas.
03:19Maraming batas na raw, domestic at international, ang nagpatunay na teritoryo ng Pilipinas ng Kalayaan Group of Island.
03:26Ang Presidential Decree 1596 na nilagdaan ni dating Pangulong Marcos Sr. na nagdeklara sa Kalayaan Island Group bilang teritoryo ng Pilipinas.
03:35Kinilala rin ang United Nations Convention on the Laws of the Sea o UNCLOS, ang pagsaklaw ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.
03:42At ito ang basihan ng Republic Act 9522 o ang Archipelagic Baseline Law of the Philippines kung saan bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Kalayaan.
03:51Nariyan rin ang Republic Act 12064 o ang Philippine Maritime Zones Act na nagtakda ng maritime zones sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas.
04:00At pinatibay pa rao ng 2016 Arbitral Award sa Pilipinas laban sa China.
04:05Kinilala na nga at lahat. Tapos sasabihin mo, ipapamigay mo? I mean, anong klaseng kahibangan yan?
04:13Batikos paan ni-retired Supreme Court Justice Antonio Carpio kay Marcoleta.
04:17You're following the Chinese position. Dapat mag-register ka as a foreign agent.
04:23Okay.
04:24Kasi you are echoing the position of China.
04:28Patuloy namin hinihinga ng tugon si Sen. Marcoleta. Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
04:36Kaugnay ng ibinalita namin kanina na pagbatikos kay Sen. Rodante Marcoleta dahil sa tila pagsusulong niya na ipamigay ang Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea,
04:47i-diniin niya ngayon na hindi niya sinabi na ipamigay ang Kalayaan Island Group.
04:53Sabi ng Senador, sadyaan niyang pinaikli ang konteksto ng kanyang sinabi sa pagdinig ng Commission on Appointments.
05:00Ayon kay Marcoleta, sinabi niya na para maisama sa International Hydrographics Organization o IHO ang West Philippine Sea,
05:08ay kailangang magdeposito ng mapa sa United Nations para ipaalam sa buong mundo na inaangkin natin ang bahagi ng high seas kabilang ang Kalayaan Island Group.
05:19Ayon sa kanya, sinabi niyang hindi yan pwede dahil paglabag ito sa unclose, maliba na lang kung isusuko ang Kalayaan Island Group para maresolva ang issue.
Comments