00:00Naihain na sa Secretary General ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:07Ayon sa mambabatas na nag-endorso ng reklamo, na-refer na rin yan agad sa tanggapan ng House Speaker.
00:14Nakatutok si Darlene Kai.
00:19Official ng tinanggap ng Office of the Secretary General ng Kamara ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:26Private complainant ang Grupong Bayan o Bagong Alliance ng Makabayan na in-endorso ng mga kongresista ng Makabayan Block.
00:32Sinapit na namin at nandyan na si Secjen Garafil at nireceive na ng kanyang opisina personal na inabot namin ang complaint sa kanya.
00:47So wala nang duda rito, no? Filed and received by the Office of the Secretary General.
00:53At ang malinaw na nakasaad sa rules ay the Secretary General shall immediately refer to the Speaker.
01:04So yun ang inaasahan natin ngayon, natanggap niya na.
01:08Hindi tinanggap ng Office of the Secretary General noong nakaraang linggo ang nasabing reklamo
01:12dahil wala raw authorized na tumanggap nito dahil nasa ibang bansa noon si House Secretary General Celoy Garafil.
01:19Sabi ni Tinio, matapos tanggapin ang kanilang reklamo, agad naman daw itong inirefer ng Office of the Secretary General sa tanggapan ni House Speaker Bojie D.
01:28Base kasi sa Rules of Procedure and Impeachment Proceedings ng Kamara,
01:31kailangang immediate o agad-agad ang pag-refer sa Speaker ng isang impeachment complaint.
01:36Pagkatapos nito ay kailangang isama ng Speaker ang verified impeachment complaint sa order of business sa loob ng sampung session days
01:43at saka ire-refer sa Comerion Justice sa loob ng tatlong session days.
01:48Dahil nagbalik na ang session ng Kamara, tumatakbo na rin ang pagbibilang ng mga araw para mangyari ang mga yan.
01:53We insist that the second impeachment complaint must be included in the order of business
01:59at hindi magamit na may first impeachment complaint na para ma-activate na yung one-year bar
02:05and hindi makonsider yung second impeachment complaint.
02:07Hindi kadidismayaraw ng grupo kung hindi ma-isama ang inihain nilang impeachment complaint
02:11dahil meron daw doon mga argumentong wala sa naunang impeachment complaint na inihain ng abogadong si Andre De Jesus.
02:18Obviously, magiging malinaw na maniobra yun.
02:23Kung mag-iitsa puwera sila ng aming complaint o iba pang complaint na maari pang dumating.
02:31So, malinaw na paborito sa presidente pagkaganon.
02:38Lalo pa at sinasabi na yung naunang complaint ay somehow or other associated din daw sa Malacanang.
02:44So, talagang magdududa ka at malinaw na paglapastangan ito sa constitutional process ng impeachment at pagpapanagot sa presidente.
02:57Kaya dapat hindi mangyari yun.
03:01Nauna ng itinanggi ni De Jesus at ng Malacanang na sinadyang pagsasampa ng umano'y malabnaw na impeachment complaint.
03:07Bukod sa grupong bayan, nagtangkarin at nabigo ang ilang dating opisyal ng gobyerno na maghain ng impeachment laban sa Pangulo
03:14dahil wala nga si Secretary General Garafil noong nakaraang linggo.
03:18Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ni Garafil.
03:22Nauna ng sinabi ng Malacanang na handa ang Pangulo sa mga reklamo at malakas ang loob niyang wala siyang nilabag na anumang batas.
03:29Ang presidential son naman na si House Majority Leader Sandro Marcos hindi raw sasali sa anumang diskusyon o debate kaugnay sa impeachment complaints na kinakaharap ng kanyang ama.
03:40Ito ay para raw pangalagaan ng integridad ng Kamara.
03:43Para sa GMA Integrated News, Darlene Kain nakatutok 24 oras.
03:48Samantala, kani-kanina lamang ay formal nang na-refer sa House Committee on Justice ang dalawang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.
Comments