Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
PBBM, tiniyak ang patuloy na reporma sa education sector; suporta sa mga guro, muling binigyang-diin | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinangunahan ni pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang sabay-sabay na panunumpa ng higit 2,100 na mga bagong promote na guro at school principals mula sa National Capital Region ngayong araw.
00:13Si Gabby Lega sa Sentro ng Balita.
00:18Kagalakan ang nararamdaman ni Teacher Ami na matapos ang 25 taon mula sa pagiging Teacher 1 na promote siya noong nakaraang taon bilang Teacher 3.
00:28Noong nakaraang taon lamang na sinubukan niya mag-apply para muling magpare-classify ng posisyon.
00:34Try lang ko ako magpasa ng mga forms, ng mga requirements and na-approve ko ako ng Teacher 6.
00:41Isa lamang si Teacher Ami sa 2,100 mga public school teachers at school leaders mula sa National Capital Region ang nanumpa ngayong araw sa kanilang mga bagong pwesto.
00:51Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang outtaking ng mga bagong promote na guro saan pinangonahan ni Education Secretary Sunny Angara ang seremonya.
01:02Naroon din si Namakati City Mayor Nancy Binay at iba pang matataas na opisyal ng Department of Education.
01:09Ang mga guro ay nanumpa para sa kanilang posisyon bilang mga Teacher 3 hanggang 7, Master Teacher 2 hanggang 5 at Principal 2 hanggang 4.
01:18Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang matinding sakripisyo na ginagawa ng mga guro para sa bansa.
01:25Hindi lamang anya sa loob ng silid-aralan natatapos ang kanilang mga ginagawang tungkulin.
01:30Kung minsan, pag-uwi ninyo sa gabi, imbis na magpahinga, nakatutok pa kayo sa paggawa ng lesson plan, pag-check ng mga papel at saka mga assignment.
01:41Kayo rin ang tumatayong pangalawang magulang para sa ating mga estudyante at gumagabay sa ating mga kabataan.
01:50At kapag kailangan ng bayan, kayo ang nagbabantay si presinto pa tuwing eleksyon at pag nagpupunta sa bawat bahay para sa mga census activities.
02:01And for that, this nation is grateful to you all.
02:07Naniniwala rin ang Pangulo na ang laban para sa pagkakaroon ng mas magandang pamamahala ay nagsisimula sa magandang edukasyon.
02:22Anya, hindi lamang mararemedyohan ng mga batas at mga pulisiya ang paglutas sa mga problema ng bansa.
02:28Bagkos ito ay mga ngailangan ng disiplina, katapatan at pagmamalasakit.
02:33Sa bawat batang natuto ng tama at mali, sa bawat kaalaman na naibabahagi dito, nagsisimula ang pagbabago.
02:43At kayo, ang ating mga guru, ang humuhubog nito.
02:48While the family is our first school, the classroom is where the values are put into practice in a larger context.
02:56Ngayon taon, aabot sa 1.34 trillion pesos ang budget ng DepEd o katumbas ng 4% ng gross domestic product o GDP ng bansa.
03:07Mas mataas kumpara sa iba pang mga bansa na nagnanais ring pagandahin ang kanilang education system.
03:13Tiniyak ng administrasyon na ang service recognition incentive para sa mga guru at non-teaching staff noong nakarang taon ay maibibigay.
03:21Kung saan naglaan ang pamahalan ng karagdagang 7 bilyong piso, narilis na rin ang 10,000 piso na teaching allowance para sa school year 2025-2026.
03:32Inalabas na rin ang guidelines para sa pag-rilis ng 7,000 pisong medical allowance noong 2025.
03:39Patuloy rin ang paglikha ng mga bagong teaching positions at pagbawa sa paperwork ng mga guru upang mapagtuunan nila ang pagtuturo.
03:46Nais ng administrasyon na wala na rin guro ang magre-retiro na Teacher 1.
03:51Palalawakin rin ng administrasyon ang career path ng mga guru sa pamamagitan ng strategic reclassification sa pamamagitan ng paglikha pa ng high-level positions.
04:01Sa kabuuan, haabot sa 2,186 ng mga guru at principal ang napromote sa pamamagitan ng natural vacancies.
04:09Habang 729 naman ang napromote sa pamamagitan ng expanded career progression o ECP reclassification.
04:17Isinagawa ang promosyon ng mga guru sa pamamagitan ng fast track process na pinagsama ang appointments mula sa natural vacancies at position reclassification sa ilalim ng expanded career progression o ECP framework.
04:31Pag napromote sila, kinikilala yung skills nila in teaching tapos siyempre gaganaan din yung tao pag magturo, pag napromote siya.
04:40So kitang-kita, lahat natin ngayon pa lang ang sasayaran ng ating mga teachers.
04:44Tiniyak rin ng kagawaran na mapopromote pa rin ang mga gurong na walang masters o doctorate degree.
04:50Siniguro rin ng DepEd na hindi na magkakaroon ng kakulangan ng mga guru sa mga pampublikong paaralan sa susunod na taon.
04:57Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended