00:00Magpapatupad pa rin ng blended learning at shifting classes ang ilang paaralang may malaking populasyon
00:05habang umaasa naman ang mga nasa senior high school na mas magiging epektibo ang bagong senior high school curriculum.
00:11May detalya si Bel Custodio.
00:16Senior high school na si Bianang ngayong balikskwela.
00:19Inaasahan niya na magiging epektibo ang pagtuturo sa bagong senior high school curriculum.
00:23And I'm expecting po sana smooth and successful yung magiging subject plans, new curriculums and new plans po ng advisors namin para sa amin.
00:32Excited na rin si Wendy ngayong pagsisimula na bagong school year.
00:36Natulog po ko na maagad kagabi, tapos nag-ready po ko ng mga gamit ko kagabi.
00:43Tapos gumising po ko ng umaga para makapasok po na maagad.
00:46Pina-expect ko po na may makilala po akong bagong mga kaibigan at mag-explore po po sa mga bagong skills na.
00:55All systems go na ang Batasan Hills National High School sa Quezon City ngayong balikskwela.
01:0115,000 enrollees ang papasok ngayong school year sa nasabing paaralan na isa sa pinakamalaking populasyon sa Metro Manila.
01:08Ipinatutupad pa rin ang blended learning system at shifting classes upang makontrol ang dami na mag-aaral at matiyak na matutukan ang mga isudyante.
01:17Tatlong araw on-site ang mga junior high school students, habang dalawang araw naman online.
01:22Inihanda na namin yung mga pangangailangan lalo na sa aming blended modality.
01:29So nag-establish na kami ng mga learning hub, naglagay na rin kami ng LMS, at tinataas pa namin yung aming internet capacity.
01:41Namahagi naman ng laptop ang Department of Education at LGU para sa mga isudyante at mga guro sa Batasan Hills National High School.
01:48Nakatakda rin mamahagi ang Quezon City Government na headset na may noise reduction para sa online classes.
01:54Ayon sa principal ang paaralan, sapat ang bilang ng mga guro.
01:57Tinanggal na rin ang administrative tasks sa mga teachers, alinsunod sa Depth Order No. 6, na layuning mabawasan ng 57% ang paperwork sa mga teachers.
02:08Mula nung inilabas yung Depth Order na wala ng administrative tasks, so wala pong teacher na mayroong administrative tasks na hawak.
02:17So naka full-time talaga sila sa teaching.
02:20Samantala, positivo naman ang naging reaksyon ni ACT Teachers Party List Representative Franz Castro sa aksyon ng pamahalaan na pag-hire ng bagong mga guro.
02:30More or less 60,000 ang mga teachers. So it's good na mayroong 20,000 mga teachers.
02:39I am this year sana nationwide at pagkuna nila ng pagkulang sa mga provinsya.
02:46Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:50Tapalakasin ang sektor ng edukasyon at pataasin ang manpower sa mga pampublikong paaralan.
02:56Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.