Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
Artikulo Onse, suportado ang direktiba ni PBBM na bumuo ng independent panel vs. korapsyon sa pamahalaan | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumambad ang P476M na halagaan ng hinihinalang shabu sa inspection ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Tondo, sa Maynila.
00:09Samantala, ikinabahala ng ilang ahensyo ng gobyerno at transport safety advocates ang pagtaas ng bilang ng motorcycle-related fatalities sa bansa.
00:18Yan at iba pa sa Express Balita ni Gav Villegas.
00:21Supportado ng kilusang artikulo 11 o mas kilala bilang citizen-soir against corruption ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:31na bumuon ng isang independent commission na siyang magsisilbing matibay na bantay laban sa korupsyon sa pamahalaan.
00:36Ayon sa grupo, naniniwala silang ang pagkakaroon ng isang malaya at makapangyariang komisyon ay mahalagang hakbang upang maibalik ang tiwala ng taong bayan.
00:44Ngunit kanilaan niyang isinusulong na paong mga eksperto, may mataas na integridad at walang bahid ng interes sa politika o negosyo ang mamumuno dito.
00:54Nanawagan ng ilang ahensya ng gobyerno at transport safety advocates ng reforma kaugnay sa pagtaas ng bilang ng mga motorcycle-related fatalities sa bansa.
01:01Ayon sa Philippine National Police Highway Patrol Group at Metro Manila Development Authority, umakyat sa 36% noong 2023 ang bilang ng mga motorcycle-related road crashes mula 29% noong 2017.
01:14Mungkahi ng ilang eksperto, hindi sapat ang mga training para sa mga drivers. Kailangan din ayusin ang sistema ng kalsada na siyang ugat ng problema.
01:22Mas dadalas na ang pagbisita ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga care facility na nakarehistro sa Social Welfare and Development Agencies ng ahensya.
01:33Ayon kay DSWD spokesperson, Irene Dumlao, layon nito na di na maulit ang nangyari sa Subic Bay Children's Home Incorporated kusaan inabuso ang mga bata.
01:43Binigyan din ng Malacanang na dapat maging independent ang susunod na magiging ombudsman, lalo na't isang independent body ito.
01:50Yan ang sagot ng palasyo sa naging pahayag ni Sen. Aimee Marcos na ipipilit umano na maging susunod na ombudsman si Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia para maipakulong umano si Vice President Sara Duterte.
02:03Mas binigyan din pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng healthcare workers sa bansa matapos aprobahan ng Department of Budget and Management ang dagdag na pondo para sa kanilang health emergency allowance.
02:16Karagdagan 6.7 billion pesos na pondo para sa naturang benepisyo ng mga kwalipikadong health and non-healthcare worker ang inaprobahan ng DBM.
02:25Alinsunod ang hakbang na ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na bayaran na ang balanse ng health emergency benefits and allowances claims mula 2021 hanggang 2023.
02:34Maging informal income earners, pwede na mag-register sa pag-ibig fund at makapaghulog na 200 pesos lang kada buwan.
02:43Ayon kay pag-ibig fund Chief Executive Officer Marlene Acosta, kapag may 12 months contribution na, pupwede na mag-apply ng housing loan sa pag-ibig.
02:52Naharang ng Bureau of Customs ang tangkampaglusot ng 476 million pesos na halagaan ang hinihinalang shabu sa isang warehouse sa Tondo, Maynila.
03:00Sa isinagawang inspeksyon, tumambad ang 70 vacuum seal transparent plastic packs na hinihinalang shabu na tumimbang ng humigit kumulang 70 kilo.
03:10Nakasilid umano ang kontrabando sa mga balikbayan boxes at sinabing nang galing sa California, USA.
03:15Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended