00:00Dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong basyang, umabot na sa higit,
00:05isang libong pamilya ang naitalang naapektuhan ng bagyo sa Iligan City.
00:10At dahil dito, puspusan ang pagtulong ng mga otoridad para sa mga apektadong residente.
00:16Ang sentro ng balita mula kay Sharif Timhar ng Radio Pilipinas.
00:22Ganito pa ang lagay ng tubod bridge sa Iligan City kahapon,
00:26habang ramdam na ang hagupit ng bagyong basyang.
00:29Pagkagat ng dilim, biglang rumagasa ang tubig mula sa Iligan River.
00:34Kaya halos namunin na ito ng malakas na alon dahil sa tuloy-tuloy na pagulan.
00:38Pagputok ng liwanag, ito na ang sitwasyon ng tulay.
00:41Halos matabunan na ng mga nabuhal na pulo.
00:44Kaya ang mga residente at mga motorista, pahirapan sa pagtawid sa tubod bridge.
00:50Sa barangay Mahayahay naman, inanod ng baha ang mga sasakyan na yan.
00:54Habang ang bahay na yan malapit sa tabing ilog sa barangay Palao,
00:58halos tangayin na ng tubig.
01:00Sa sentro ng Iligan, kapansin-pansin ang biglaang pag-apaw ng baha kaninang madaling araw.
01:06Kaya marami sa mga residente ang napilitang lumikasa para sa kanilang kaligtasan.
01:11Sa pinakahuling tala ng City Social Welfare and Development Office,
01:14aabot na sa 1,200 pamilya o mahigit 4,670 individual ang naapektuhan ng bagyong basyang.
01:23Patuloy naman ang rescue at relief operations ng mga autoridad upang matulungan ang mga apektadong residente dito sa lungsod.
01:30Mula rito sa Iligan City para sa Integrated State Media.
01:35Sheriff Tim Har, ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments