00:00Health, history and fun. Yan naman po ang dapat abangan sa kauna-unahang Sparkle Run.
00:09Sa May 30 na yan at ayan ay takbo with your favorite Kapusu stars.
00:14Tampok sa ruta ang iba't-ibang iconic at historical landmarks sa Maynila.
00:19Bukod sa wellness na hatid ng pagtakbo, layon din ang event na makapagturo ng kasaysayan.
00:24Pumilma sa Memorandum of Agreement para riyan si na GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez, Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo,
00:38Ron Rio President and CEO Coach Rio de la Cruz at Manila City Mayor Isco Moreno.
00:44Gusto natin kasi ipromote rin ang health and wellness dito sa Sparkle and marami talaga tayong artists and influencers na into fitness.
00:59And excited kami to show sa mga tao na we have to take care of our health and I'm very happy na kapartner natin dito ang City of Manila.
01:07Samantala, sa paghina ng Bagyong Basyang, inalis na na pag-asa ang wind signal number 2 sa ilang bahagi ng bansa.
01:17Base sa 11am bulletin, nakataas ngayon ang wind signal number 1 sa southern portion ng Occidental Mindoro at ng Oriental Mindoro.
01:25Buong Romblon, northern portion ng Palawan, kasama ang mga isla ng Kuyo, Cagayansilio at Kalamihan at southern portion ng Masbate.
01:34Signal number 1 din sa southern portion ng Eastern Samar at ng Samar, Leyte.
01:40Southern Leyte at malaking bahagi ng Western at Central Visayas pati sa Negros Island region.
01:47Pati na rin po sa malaking bahagi ng Mindanao mula Agusan Provinces hanggang Zamwanga Peninsula.
01:53Namataan po ngayon ng pag-asa ang Bagyong Basyang sa coastal waters ng Andabuhol.
01:58Taglay pa rin po nito ang lakas ng hangin na abot sa 55 kilometers per hour.
02:04At naka-alerto nga po ngayon ang mga kapuso natin sa Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Basyang.
02:11Kapag mabuti na po ang panahon at nagahanap kayo naman ng travel destination,
02:16aba, ipush na ang getaway sa Basay Samar.
02:20Ito po ang patikim ng biyahe ni Drew.
02:22May pabosong kasabihan, basta waray, hindi uurong sa away.
02:38Eh di, titestingin natin yan.
02:40Pero hindi sasundukan.
02:48Sabihin na natin, first time kung magbalot.
02:50Ano, out of 10, 10 being the highest, ano pa yung score niyo sa akin?
02:54Ano pa lang, 5 pa lang.
02:55Dito pa lang po sa entrance ng cave.
03:00So makikita niyo po, litsyong ulo ng baboy.
03:03Litsyong ulo ng baboy.
03:06Kailangan niyo ang isang mong paa.
03:08Ito, dito.
03:09Andito?
03:10Umuuan lang talaga ako, pero hindi ko pa rin talaga maintindihan.
03:14Enjoy ang bawat pasyal dahil sa mababait na kasamang lokal.
03:18Uy, kakaibang nga ito, no?
03:24Very hearty.
03:26Pati ang sarap.
03:28Pagandahan ang sagot, Bjeros.
03:34Kapag ipinangalan ng isang lugar sa salitang maganda,
03:38sa tingin niyo, bakit kaya?
03:40Paano ba ito?
03:41Hindi mo ma-explain.
03:43Ang sagot, walang mali.
03:46Pero kung ano ang pinaka-top answer sa mga yan,
03:48yun ang dapat niyong abangan.
03:59Kamusayin naman natin ang sitwasyon sa Cebu
04:01na naghahanda na rin po sa posibleng epekto ng Bagyong Basyang.
04:05At may ulat on the spot si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
04:09Nico?
04:13Connie, nasa ilalim pa rin ng Storm Signal No. 1
04:16Itong buong Cebu Province,
04:18kabilang na itong kinatatayuan natin sa Southern Cebu sa bayan ng Santander.
04:23Stranded ngayon sa pantala ng Southern Cebu,
04:26ang maraming mga pasahero at rolling cargos.
04:28Papuntang Dipolog City at Napitan City,
04:31ang biyahe ng ilang mga barko dito.
04:33Magdadalawang gabi na nang hindi nakabiyahe ang mga barko,
04:36bunsod ng pagpapasa ilalim ng Cebu sa tropical cyclone wind signal.
04:41Sa mainit port sa bayan ng Oslob,
04:43nagpalipas ng oras ang mga driver at pahinante dahil hindi sila makabiyahe.
04:48Kung karamihan sa mga truck ay wala ng laman at mga banyera na lang ang naiwan,
04:53may isang truck na may kargang dressed chicken,
04:56ang sinigurong operational,
04:58ang refrigerated van para hindi masira ang laman ito.
05:02Dito naman sa Liloan Port sa bayan ng Santander,
05:05maraming sasakyan at pasahero rin ang stranded sa ngayon.
05:07Ang biyahe dito, papuntang Negros Oriental.
05:11Samantala sa bayan naman ng Bolhoon,
05:14ginamit ng MDRMO personnel ang kanilang public address system
05:18para maipaabot ang weather advisory at abiso sa mga residente
05:22hinggil sa banta ng Bagyong Basyang.
05:25Mula kagabi, nararanasan sa malaking bahagi ng Cebu ang pagulan.
05:30May ilang lugar na magdamagan ang ulan.
05:33Sa barangay Sangat, sa bayan ng San Fernando naman,
05:35may bahagi ng highway na binaha pero nadadaanan naman ng sasakyan.
05:41Connie, balik dito sa Liloan Port sa bayan ng Santander.
05:45Kahit may bagyo, patuloy ang pagdating ng mga pasahero
05:48na papunta sa nang bayan ng Sibulan at Dumaguete City sa Negros Oriental,
05:53itong isla na tanaw sa aking likuran.
05:56Pero wala pa rin biyahe dahil nakataas pa rin ang cyclone signal
05:59dito sa Cebu maging sa Negros Island region.
06:03Patuloy rin sa ngayon ang pag-uulan pero hindi naman ganoon kalakas.
06:08Connie?
06:08Maraming salamat, Nico Sereno.
06:10Ito ang GMA Regional TV News.
06:15Sugatan ng pitong estudyante matapos na mahulog sa bangin
06:20ang sinasakyan nilang tricycle sa Bulusan, Sorsogon.
06:24Base sa imbesigasyon, nawala ng freno ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima
06:28sa pababang bahagi ng kalsada sa barangay Tinampo.
06:32Nawala ng kontrol ang driver kaya dumiretso ang tricycle at nahulog sa bangin.
06:37Papunta sana sa kanilang paaralan ang mga biktima.
06:39Sugatan din sa insidente ang driver.
06:42Isinugod sila sa ospital.
06:44Walang pahayagang pamilya ng mga sugatang estudyante.
06:50Dead on the spot sa pamamaril ang isang babaeng negasyante sa Ipil Zamboanga, Sibugay.
06:57Base sa imbesigasyon, pagpasok ng biktima sa loob ng kanyang bahay,
07:01sinundan siya at binaril ng salarin na nakahelmet.
07:04Tama sa ulo ang ikinamatay ng biktima.
07:07Tumakas ang salarin sakay ng motosiklo.
07:10Hindi raw naalerto ang dalawang anak ng biktima na kasabay niyang umuwi
07:14dahil inakala nilang empleyado ng ina ang sospek na sumunod sa loob ng bahay.
07:20Hinahanap pa ang namaril at inaalam ang motibo niya sa krimen.
07:24Kinukuha pa ang pahayag ng pamilya ng biktima.
07:29Samantala, sugatan ang isang babae sa Maynila matapos mabaril sa paa.
07:33Hinala ng isang kapitbahay, ang nagpaputok ng baril ay ang mismong kuya ng biktima
07:39na mahilig na mamaril ng daga.
07:42Balitang hatid ni Jomer Apresto.
07:47Tumatakbo ang tatlong lalaking yan habang buhat-buhat ng isa sa kanila
07:51ang isang babae sa barangay 867 sa Pandakan, Maynila, mag-aalas 6.30 kagabi.
07:56Ang babae isusugod sa ospital matapos mabaril sa kanyang kaliwang paa ayon sa barangay.
08:02Inakala pa raw noong una, naligaw na balang tumama sa biktima.
08:06Pero sa pangatlong balik ng mga pulis, dalawang baril umano ang narecover sa bahay mismo ng biktima.
08:13Isang airsoft at isang caliber .45.
08:16Sa kuha ng CCTV, may kita pa ang isang pulis habang may bit-bit na plastic kung saan nakalagay ang mga baril.
08:22Ayon sa barangay, tinitignan nila kung kamag-anak ng babae ang nakabaril sa kanya.
08:26Ayon naman sa isang residente, kuya mismo ng biktima ang aksidente na nakabaril sa kanya.
08:43Mamaril daw talaga ng daga yun. So gabi-gabi ata, bago na nangyayari.
08:49Pagka-uwi na daw ng bahay, so parang tayo nga, mamaril daw yata ang daga.
08:55Tapos eh, hindi sinasaya dyan na tama niya ata yung kapatid.
09:00Base naman sa salaysay ng babae sa mga pulis, katatapos lang niyang maglaban noon at kumakain na siya ng hapunan
09:06nang bigla siyang makarinig ng putok ng baril.
09:09Bigla raw siyang natumba doon niya na napansin na dumudugo na ang kanyang paa.
09:13Patuloy ang embesikasyon ng Pandakan Police Station.
09:16Inaalam din nila kung lisensyado ba ang baril na ginamit ng lalaki.
09:19Sa oras na mapatunay na iligal, posibleng maharap sa patong-patong na reklamo ang lalaki.
09:25Sinubukan namin makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima,
09:28pero tumanggi na silang sumagot sa tanong kung sino ang nakabaril sa kanya.
09:32Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:38Sumuko sa National Bureau of Investigation si Albuera Leyte Mayor Kirwin Espinosa at dalawang iba pa.
09:45Ito'y matapos maglabas ng arrest warrant ang Cebu City Regional Trial Court laban sa kanila para sa kasong murder.
09:52May dalawa pang kapwa akusado ang tatlong sumuko sa NBI.
09:56Non-bailable o hindi pa pwede magpiyansa ang mga akusado.
10:00Sinisikap ng GMA Integrated News na kuna ng pahiyag ang kampo ni Espinosa at ang dalawang iba pa.
10:11Talaboso ang isang lalaki sa Quezon City dahil sa pagwawala.
10:16Nahulihan pa siya ng sumpak.
10:18Ang paliwanag niya sa Balitang Hatid ni James Agustin.
10:21Inaresto ng pulisya ang 28-anyo sa lalaki na inereklamo ng pagwawala at nahulihan pa ng sumpak sa barangay Gulod na Valiches, Quezon City.
10:32Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente na nakakita sa sospek habang may hawak na sumpak.
10:38Bukod po sa nakainom siya, kinagagalit niya po is yung pinagbibintang na po siyang magdanakaw, nagagalit daw po siya na ganun.
10:47May kaaway po siya eh na nagwawala po siya.
10:51Nakukuha sa lalaki ang sumpak na kargado ng bala.
10:54Ipapap-verify ka rin po natin sa IBIS din po kung nagamit rin po yung firearms na yun at konektado rin po sa ibang krimen.
11:05Nakakulung ang sospek sa Novaliches Police Station na aminado sa nagawang krimen.
11:10Pinagbibintahan po ang lakang magnanakaw eh.
11:12Tapos?
11:14Nagwala po ako.
11:16Yung ba rin? Sa'yo ba nakuha?
11:20Opo.
11:21Saan galing yun?
11:23Pinagawa ko lang po yun.
11:24Ikapitong beses nang naaresto ng sospek na dating nakulong dahil sa mga kasong pagnanakaw, carnapping at iligal ng pagsusugal.
11:32Ngayon sinampahan naman siya ng reklamong alarming scandal at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
11:38James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:44Sa mga motorista, bawal po ang tampered na plaka ha.
11:48Hinamag po ng mga tagasaik ang motorsiklong yan sa bahagi ng EDSA Busway sa Quezon City.
11:54Na-discovery kasing tampered ang plaka nito.
11:58May itim na tape ang bahagi ng letrang C para pagmukahing zero.
12:03Ayon sa sa saik, paraan daw yan para makatakas sa mga kamera ng end cap.
12:08Depensa naman ng natikitang rider, hindi niya alam na tampered ang kanyang plaka dahil may humiram daw sa kanyang motor.
12:16Bukod sa kanya, natikitan din ang driver ng isang government vehicle sa bawal na pagdaan nito sa busway.
12:21Paliwanag ng driver, nagmamadali siya dahil kailangan ng magbanyo.
12:28Samantala, may fur baby po sa angon o rizal na kung umasta e parang totoong bata.
12:33Ayon o, pagbalik ko sa bahay ni na-use Cooper Erica Quasay, iyak ng alagang si Trudis ang sumalubong sa kanila.
12:50Naiwan kasi ito at hindi na isama sa gala.
12:52To the rescue naman si Furlola na binuhat ang asong longing for lambing.
12:58Lagi naman daw isinasama sa pag-alis ang alaga.
13:01Pero ng araw na yun, malayo ang destination.
13:04Kaya iniwan si Trudis para hindi ma-stress.
Comments