Skip to playerSkip to main content
Aired (February 1, 2026): SUMASAYAW NA PARANG TAO AT ASO… ISA PALANG ROBOT?! AT LALAKI MULA SURIGAO DEL SUR, KUNG KUMILOS, ALA-TRANSFORMER?

Paalala: Maging disente sa pagkomento.

Nag-a-apply raw para maging bagong “man’s bestfriend!” sa isang museum sa Cabuyao, Laguna, hindi aso, hindi tao pero mga gumagalaw at sumasayaw na parang tao at aso na… robots?!

Samantala, lalaki mula Barobo, Surigao del Sur, feeling…robot?! Napapaikot niya ang kanyang leeg, natutupi ang kanyang ilong at na-e-expand ang kanyang rib cage o tadyang!

Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa museum na ito sa Cabuyau, Laguna, may nag-a-apply rao para maging bagong man's best friend.
00:11Hindi aso, hindi tao, pero mga gumagalaw at sumasayaw na parang tao at aso na robots.
00:22Ang main attraction, ang humanoid na si Y-Bots.
00:31Sila yung mukhang tao, gumagalaw na parang tao.
00:34Ang mga nagagawa niya is mag-hi, clap, flying kiss, and then makakapag-dance rin siya.
00:47Marunong din daw siyang mag-kung fu!
00:52Pero ano itong sumbong na nakarating sa amin?
00:56Na si Y-Bots, suplado.
01:04Pero kung may hilig daw talaga si Y-Bots, ito ay ang sumayaw!
01:10Sample nga dyan!
01:18Angas-angas ako kasi narareplikita nila yung galaw po ng mga tao.
01:22Magaling talaga yun eh!
01:28Si Y-Bots, meron din mga robot dog.
01:31Si Nag-Go 2 at Light 3.
01:34Si Light 3, siya yung mga cute and cuddly.
01:37Si Goto, aspi na tawag ko dyan.
01:41Gaya ng totoong mga aso, si Nag-Go 2 at Light 3 may alam din daw na tricks.
01:47Si Dog Robot nakaka-stretch, tumatalon, naga-high, naga-heart-shaped, cute yung mga poses niya.
01:57Very happy po ako kasi kahit robot lang po siya, nakakapagbigay po siya ng happiness na mga bata.
02:03Gaya ni Bantay, kaya rin daw nilang protektahan ang ating mga bahay.
02:09Meron silang vision mapping technology.
02:11May camera sila.
02:12Then you can see it from your phone.
02:14Pwede po ito gamitin for surveillance, security, or inspection task.
02:18Pwede rin po ito gamitin sa warehouse or sa delivery.
02:21Kaya po niyan mag-net na 6.5k na drag.
02:24Sina Y-Bot, Go 2 at Light 3 made in China raw talaga.
02:30Hanggang sa dinala sila sa Pilipinas, nito lang nakaraang taon para maging attraction sa Museum Y.
02:37Na-excite po at natuwa kasi po, manami pong nagawa yung mga iba't ibang teknolohiya na pwede pong makatulong po sa atin.
02:45Kung may mga robot na parang tao o aso.
02:49I am a human robot.
02:51Meron ding tao na feeling robot.
02:57Kilalanin siya.
03:01Meron na raw robot na kayang gayahin ang kilos ng tao.
03:07Pero sa Surigao del Sur, may lalaki naman na kayang gayahin ang galawan ng robot.
03:15Aakalain mong miyembro siya ng mga robot sa Transformers.
03:21I am a human robot.
03:26Nariyang inaangat at pinapagalaw niya ang kanyang shoulder blades o mga buto sa likod ng kanyang balikat na parabang may mga piyesa ito ng makina.
03:35Napapaikot rin niya ang kanyang leeg at nae-expand ang kanyang ribcage o tadyang.
03:44Parang totoong robot.
03:46Wow, parang AI generated. Ang galit.
03:49Parang yung sa pelikula, Terminated.
03:51Tagarito siya sa Barobos Surigao del Sur.
03:57Ang 26 anyos na si Mike na binansagan ngayong si Optimus Bai.
04:06Yung balikat ko po gumagalaw.
04:10Yung ilong ko, nababali.
04:12Tapos yung ribs ko at sa kamay, kaya ko mabali.
04:21Bata pa lang daw si Mike, batak na siya sa pagbabanat ng buto.
04:25Nga 3 years old pa lang ako. Wala na yung baba ko.
04:28Kailangan na magkayod ako kasi sino pang mag-alaga ng mama ko.
04:33Kaya bumatak yung katawan ko dahil sa kasinga, public tayo.
04:37Kahit mabigat, buhati na lang natin kasi pira na yun eh.
04:40Hanggang sa nadiskubre na lang daw niya na hindi lang pagbubuhat ang kaya niyang gawin.
04:46Nababali-bali at nagagalaw-galaw rin pala niya ang kanyang mga buto-buto.
04:52Nung namalayan ko po itong buto ko na gumagalaw, 8 years old po.
04:56Ang una kong napagalaw ay kaliwa kong braso.
04:58Tapos nagpractice na din ako sa kabilang braso ko din.
05:02At dahil hindi naman daw siya nasasaktan,
05:05binanat na rin ni Mike ang iba pang bahagi ng kanyang katawan.
05:1022 years old na po ako nalaman yung ribs ko na gumagalaw.
05:13Namang ako sa sarili ko na bakit ganito yung mga buto ko.
05:16Baka ni mahali i-uglawin ko.
05:19Ano baka ng langgambang, mag-gawas ang...
05:22Wala man po kayo pakpak.
05:25Baka nga, part yun sa paglihi ni mama.
05:27Yung sa pusa at sa waboy at sa puntot ng kabayo.
05:31Tapos tunggoy.
05:32Kasi marami pong mga hayo sa kabataan ko pa.
05:35Hanggang naisipan na raw ni Mike na magpakitang gilas online.
05:43Na-amaze po kami kasi po, wala pong nakakagawa ng ganong bagay po.
05:51Namamangha po ako kasi iba yung ginagalaw niya.
05:55Parang robot.
05:56Kahit tila bihas sana si Mike sa pagbali-bali ng kanyang buto,
06:01hindi raw nawawala ang agam-agam sa kanyang dibdib
06:05na baka may problema pala ang kanyang katawan.
06:08Hindi pa po ako na hospital.
06:10Kung sakaling mabigyan ako ng opportunity na malaman ko yung anong kondisyon sa katawan ko.
06:17Kaya, di nalas siya ng aming team sa isang orthopedic surgeon.
06:21Yung right side mo na kamay, pwede mo bang subukan iangat?
06:24Tapos ilagay mo sa likod ng ulo mo, yung kamay mo?
06:27Tapos yung siko mo, i-flex mo na ganito?
06:30Hindi sumasakit yung likod mo at saka yung dito mo?
06:33Hindi po, sir.
06:33Si Mike, posible raw merong EDS o Ehlers-Danlos Syndrome.
06:40Rare na kondisyon na nakaka-apekto sa connective tissue ng katawan.
06:45So ito ay isang genetic disorder.
06:48Nung pinanganak siya, meron na ito sa genes niya itong sakit na ito.
06:52Ang mga may EDS, maliban sa sobrang flexible ang katawan,
06:56madali rin daw ma-sprain, ma-dislocate o sumakit ang joints o kasukasuan,
07:02malalambot at madali rin daw magkapasa ang kanilang mga balat
07:06at ang kanilang mga sugat, mabagal gumaling.
07:10Pihiran ang itong sakit na ito.
07:11Itong kondisyon na ito, mga 1 in 100,000.
07:16Wala pang lunas sa EDS ngayon.
07:19Gayunman, maaari raw itong madaan sa therapy.
07:21Pwede itong mag-cause ng early death nila kung nagkakaroon silang internal bleeding.
07:27Iba din, maninipisin yung covering ng mga internal organs,
07:30kagaya ng dian, yung intestines nila, yung puso.
07:34Pwede din doon mag-cause ng spontaneous rupture
07:36or napupunit bigla yung dian nila kahit walang aksidente na nangyayari.
07:41Pero yung sayo, Mike, is mild na kong masakit kasi normal lang yung skin
07:45at saka hindi ka mabilis na susugatan at saka mabilis lang gumagaling yung mga sugat mo.
07:50Paalala ko lang sa mga viewers ni Mike,
07:52huwag gayahin yung ginagawa ni Mike
07:54kasi pwede kasi yun mag-cause ng early ng mga problem or arthritis sa shoulder.
07:59Bigay ito sa Panginoon, Ma'am.
08:02Gumagalaw yung mga buto ko, pero hindi masakit.
08:05Hindi lahat ng kahawig ng robot makina.
08:10Minsan tao rin na may pusong humihigit sa bakal.
08:16I am a human robot.
Comments

Recommended