00:00Inataasahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya ng pamahalaan na magsumite ng progress report tuwing ikadalawang linggo ng bawat buwan.
00:09Yan ang paraan ng Pangulo upang matiyak ang transparency sa mga programa ng gobyerno.
00:14Si Kenneth Pasiente sa detalye.
00:18Huwag ninyong subukang magbigay ng maling report.
00:23Yan ang ibinabang babala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya ng gobyerno.
00:28Matapos niyang atasan ng mga ito na magsumite ng progress report kada dalawang linggo.
00:34Ayon sa palasyo, paraan ito ng presidente para matiyak na nagagawa ng tama ng mga ahensya ang mandatong ibinigay sa kanila
00:41at upang matiyak ang transparency at pananagutan sa pagpapatupad ng mga prioridad na programa.
00:48Hakbang din ito na maiwasan ang nangyari paratikular sa mga flood control projects na nai-report na tapos na ang mga proyekto ngunit guni-guni lamang pala.
00:57Kailangan hindi lang basta move forward kung hindi dapat na mas maging maayos ang pag-re-report ng bawat ahensya na may mga proyekto.
01:06Yan ang gusto po ng Pangulo.
01:07Ang sinabi niya, kapag kaanod ko roon ang report, ayaw niya po na dahil lang sa magkakaroon ng monitoring every two weeks,
01:17ay maliin ang report o papugiin ang report. So ayaw po ng Pangulo na maling report.
01:21Tutukuyin pa raw sa ngayon kung sino ang maaatasang sumuri para sa mga ipapasang report at tiyak na mananagot kung dadayain ang isusunite.
01:30Una, depende mo yan. Ito ba ay in good faith? Ito ba ay negligence? Ito ba ay sinadya?
01:37So definitely pag sinadya ito, may kaakibat na paruso ito. Maalis silang matanggal sa kanilang pwesto.
01:43Kung negligent naman, ganun din po ang mangyayari.
01:46Dahil bilang isang public servant, walang puwang na tayo ay maging negligent.
01:52Hanggat maaari, pagbutihin ang trabaho para sa bayan.
01:56Sinagot din ng Malacanang ampuna ng ilang senador kung bakit karamihan sa mga membro ng Gabinete ng Pangulo ay nasa acting capacity pa rin
02:04at sinabi na magsusunite na ng mga pangalan sa Commission on Appointments.
02:09Tinitingnan na rin ngayon ng Pangulo ang mga dokumento ni DENR Acting Secretary Rafael Lotilia.
02:15Natanong po natin ng Pangulo, wala na pong rigodon at mga pangalan po ay isusunite sa Commission on Appointments.
02:24That's when it's possible.
02:26Ang nasabi po ay nagkaroon na po ng pangatlo na pag-bypass sa kanyang appointment.
02:34So tinitingnan po yung records ngayon ng Pangulo at ng PMS at tingnan po natin kung ano po ang magiging update tungkol dito.
02:41Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments