Skip to playerSkip to main content
Transportation Secretary Giovanni Lopez said they have grounded all 24 passenger ships of the Aleson Shipping Line, owner of the M/V Trisha Kerstin 3 that capsized in Basilan.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na muna pinapabiyahe ang lahat ng passenger ship ng kumpanyang may-ari ng lumubog na MV Trisha Kirsten 3.
00:07Sampu ang nawawala pa rin sa trahedya pero wala sa listahan ang ilang hinahanap na sakay rin daw ng lumubog na barko.
00:14At mula sa Zamboanga City, saksilay si Jonathan Andal.
00:19Jonathan?
00:22Pia, nakarating na dito sa Zamboanga City ngayong gabi yung Remotely Operated Vehicle, ROV,
00:27pati po yung ilang technical divers na sisisid po bukas sa dagat ng Basilan kung saan po lumubog yung RORO.
00:34Sa ngayon, Pia, pareho pa rin ang numero. 316 ang narescue, 18 ang patay at 10 pa ang nawawala.
00:49Sinubukan pang sagipin pero hindi na nagawang masalba ng Philippine Coast Guard ang buhay ng batang ito
00:55na isa sa mga sakay nung lumubog na MV Trisha Kirsten 3.
00:59Ayon, may tatlo silang nahila o.
01:04Ilang saglit lang, dumating ang isa pang bangkang lulan ang mga nahanap na pasahero sa pag-asang masasagip pa ang ilan sa kanila.
01:11Ayon sa Philippine Coast Guard, labing walo ang nasawi sa trahedya.
01:15At may sampu pang hinahanap.
01:17Ang kaanak na ibang nawawala pa, umaasang makikita rin ang kanilang mahal sa buhay.
01:22Ang kadete na si Dave Kyle Ponsalang na naka-duty nung mangyari ang trahedya,
01:27nakapagpadala pa ng mensahe sa group chat ng kanilang pamilya bago lumubog ang barko.
01:31Fully booked daw ang barko.
01:33Bandang alas 12.56 ng ating gabi,
01:36nag-message na si Ponsalang na humihingi ng tulong dahil itong maggilid na raw ang barko.
01:40Ako po yung nanawagan sa lahat na nakakita doon.
01:45Sana ko si Dave Kyle Ponsalang, ipagliligyan niyo po ng informasyon dito sa account ko.
01:52O mismo sana po yung DGP Ponsalang, sana matulungan niyo ako.
01:57Parang awal yun.
02:00Parang awal yun.
02:02Anak ko yun.
02:02Buhay na ka, anak ko na sa landa yun.
02:05Si Hermeline, magdadalawang araw nang hinahanap ang anak niyang si Dina.
02:09Ito po siya, kung sino man po yung nakapulot sa kanya.
02:12Kasi hanggang ngayon, messing pa rin po siya.
02:14Pero alam namin na ano po siya, na buhay pa rin po hanggang ngayon.
02:20Kasamaan niya ni Dina ang kanyang kuya, asawa nito at anak nilang sanggol.
02:24Apat sila.
02:25So yung tatlo po, narescue na.
02:27Pero patay na yung anak ng, ay yung apo ko.
02:30Siyan na lang po yung nawawala.
02:32Kung buhay man o patay, dapat talaga tanggapin natin kung ano man nakaano sa kanya.
02:39Pitong kaanak na sakay rin daw ng Roro ang hinahanap sa Coast Guard Station ni Mudar.
02:43Asawa ko po, si Aridja Girol.
02:46Pati auntie ko po, si Balma Girol.
02:49Pati asawa niya, si Girol Girol.
02:53Pati si Alma.
02:54Pati si Junhar.
02:57Pati si Rondon Girol.
02:59Pati ikapito po, yung batang na maliit, dalawang taon.
03:02Sa ibang barko daw, dapat sasakay ang mga kaanak kung di pinalipat sa MB Tricia Kirsten 3.
03:08Sabi ng bayo ko confirm, sumakay sila sa Tricia.
03:10Tinignan po namin sa les, nang missing, wala po sila doon.
03:14So ang tanong ko po, kung nasaan ang pamilya ko.
03:16Nandun naman po sa manifest po ang pangalan ng mga pamilya ko.
03:19Kinumpirma naman ang Philippine Army na nawawala rin ang pasaherong sundalong si Sgt. Wendel Sabuyas.
03:25Kwento ng kapwa nitong sundalong nakaligtas.
03:27Papunta sana sila kahapon sa hulo, kunsan sila na destino.
03:31Ginising siya ng kasama namin, sir.
03:33Tapos, hindi ko na, kwan kung nagising siya o hindi, sir.
03:37Hindi na namin mahanap si Sgt. Wendel Sabuyas, sir.
03:41Pero ayon sa Philippine Coast Guard, batay sa kanilang official record,
03:45posibleng wala ng pasaherong nawawala.
03:48Ang sampung missing sa listahan nila ay ang walong tripulante ng barko,
03:52ang kanilang kapitan at ang tauha ng Philippine Coast Guard na naging sea marshal sa biyahe.
03:57We are basing doon sa aming manifest na binigay sa amin.
04:00Ngayon, if ever po na meron talagang ibang missing,
04:04that would be part ng magiging result ng investigation natin.
04:07Ibig sabihin, meron talagang hindi nakasulat sa manifesto.
04:09Sa ngayon po, ayaw po namin mag-speculate.
04:12Welcome any information from the family.
04:15Expectation din po ng lahat.
04:17Ang aming mga marino, yung kapitan ng barko dapat ang pinakahuling tatalon, pinakahuling aalis.
04:26Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez,
04:29hindi mo napapayagang bumiyahe ang lahat ng 24 passenger ships ng Allison Shipping Line,
04:35ang may-ari ng lumubog na roro hanggat hindi sila nakakapasa sa inspeksyon ng marina at PCG.
04:40Kung may makitang paglabag, sususpindihin o tatanggalan ang permitang kumpanya.
04:45They are now grounded.
04:47And marina and Philippine Coast Guard, they have 10 days to conduct a maritime safety audit and risk compliance and also inspection.
04:57Kung lalabas po sa investigasyon na meron pong pagkukulang ang gobyerno,
05:04makakaasa po kayo na yayarihin, sisibakin, we will file the appropriate cases against our fellow workers.
05:14Ganon din po sa panig ng ship owner.
05:20Dagdag ni Lopez, mayroong 32 maritime incidents na ang Allison Shipping mula 2019, noong 2023.
05:27Halos tatlong po ang nasawi nang masunog ang barko nitong MV Lady Mary Joy 3 sa bahagi ng Balok-Balok Island sa Basilan din.
05:35So I'm asking marina, what did we do for the last how many years?
05:41Nasaan ang mga report? Ano ba yung pagkukulang namin?
05:45Ayon sa mayor ng Zamboanga City na isang dating kapitan ng barko at asawa ng isa sa mga may-ari ng Allison Shipping Lines,
05:52ang paglubog ng MV3 sa Kirsten 3 ay posibleng dahil sa napigtas na lashing o yung bakal na tali na kumukontrol sa galaw ng karga ng roro.
06:00Siguro yung lashing material, sinikinayanan, baka mabigat yung truck, baka over capacity.
06:06So hindi nila namataan yun, pumotok yung rolling materials.
06:10Nung gumano ng barko, nung nag-rolling siya, e sumaba yung truck, tumagilit.
06:15Kaya nung tumagilit yung truck, nagkaroon siya ng angle of law and dere-derecho na lumubog yung barko.
06:22That will be part of the investigation.
06:24Nagkita niyo rin po yung gano'ng angle of law ngayon.
06:26We are not discounting any possibility. We focus on the search and rescue. Mas mahalaga sa ngayon ang buhay ng tao.
06:35Isa rin daw sa inaimbisigahan ng Coast Guard ay ang squall o biglaang paglakas ng hangin na madalas ay may kasabay na pagbugso ng ulan.
06:42Itong area na po ito, itong sa may bukal-bukal at saka sa may Pilas Island, usually may squall po dito.
06:49Parang sa basko po, ito po yung biglaan na paglakas po ng hangin. We are also checking on that.
06:54Sa aerial inspection ng Philippine Coast Guard na aking sinamahan, nakita namin ang Balok-Balok Island kung saan malapit ang lumubog na roro.
07:01Pero hindi ito natanaw.
07:03Hindi po namin nakita yung mismong roro dahil total isang perch talaga nakalubog.
07:09Wala rin po tayong nakita ang palutang na debris.
07:11Ang nakita lang po namin dito ay yung tagas ng diesel.
07:16Mula dun sa barso, yung barko po kasi may karga 25,000 na litro ng diesel.
07:22Sabi ng Coast Guard, naghanda na sila ng oil spill boom at oil dispersan.
07:26Pero sa ngayon, hindi naman daw dapat ikabahala ang tumagas sa dagat na manipis na langis.
07:31Oil sheen, yung napakanipis, yung parang nagpatak ka ng mantika sa tubig.
07:37Sa ngayon, wala pa po tayong dapat ikabahala.
07:40Normally, yung oil nasa surface lang.
07:43Bukod sa paglubog ng barko sa Basilan,
07:46naging sunod-sunod din ang mga insidente yung kinasangkutan ng mga sasakyang pandagat.
07:50Dahil dito, kaya ipinagutos ng DOTR ang malalimang investigasyon.
07:55Sampung araw ang ibinigay ng DOTR sa Marina at Philippine Coast Guard
07:58para magsagawa ng Comprehensive Safety Audit at Inspection.
08:02We're not just addressing the issue of Allison, this particular incident,
08:08but we're also addressing the issue of enforcement, regulation, and policy.
08:13Maglalabas kami in the next few days ng department order, circular,
08:19to make sure that incident like this will never happen again.
08:23Or we minimize it in the sense sa talagang, kung talagang act of God siya or whatever.
08:28Re-repasuhin din ang mismong polisiya ng pagsusuri at pagsigurong seaworthy ang mga barko.
08:34Ayon sa Marina, isa sa mga posibleng isulong na amenda sa polisiya
08:38ang mas masusing risk assessment sa kada barko sa halip na kada kumpanya.
08:43We should be able to determine the risk level ng isang barko.
08:48I risk, moderate or lower risk.
08:53Pia, nakatinga ngayon dito sa pantalan ng Zamboanga,
09:00yung ilang barko ng Allison Shipping Lines.
09:02Dala po yung biyahe po ng Basilan at Hulong,
09:05kasi nga grounded yung mga passenger ships nila.
09:07Ang problema, ang sabi ng mga nakusap natin yung Port Police,
09:09may mga pasayro na po na hindi nakabiyahe kanina,
09:12dun sa kanilang destination,
09:13tapos yung iba naman dun sa Basilan,
09:15napagastos pa kasi,
09:16imbes na barko, pump boat yung sinakyan nila.
09:18Kasi nga po, yung mga barko ng shipping lines
09:22na dapat sasalo dun sa mga pektadong pasayro,
09:25e mabilis na na-fully boom.
09:26Yan muna ang latest mula nito sa Zamboanga City
09:28para sa GMA Integrated News.
09:30Ako po si Jonathan Andal,
09:31ang inyong saksi.
Comments

Recommended