00:00Hati ang opinion ng mga mababatas ng talakay ng Anti-Political Dynasty Bill.
00:05Gayunman, tiwala ang COMELEC at ang committee may hawak nito sa Kamara na maipapasa ito bago ang 2028 Presidential Elections.
00:13Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:17Matapos ang halos 40 taon mula ng ratipikahan ng 1987 Constitution,
00:23sa unang pagkakataon, seryosong tinalakay ng Committee on Suffrage and Electoral Reform sa Kongreso ang Anti-Dynasty Bill.
00:31Mahigit dalawang pong House Bill o panukalang batas ang hinain ng mga kongresista.
00:36It has been close to 40 years since our Constitution was ratified with a provision intended to guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties.
00:49Ngunit kulang po ito ng isang enabling law.
00:53At ito na po ang nais nating ipasa sa 20th Congress.
00:58Sa ilalim na Article 2, Section 26 ng 1987 Constitution,
01:03nakasaad ang pagbabawal sa political dynasties as may be defined by law o ayon sa maaaring ipakahulugan ng batas.
01:11Pero hanggang ngayon, wala pang batas na nagtatakda ng depenisyon ng political dynasty.
01:16Bagay na nais na raw may sakatuparan ngayon.
01:19Today, for the first time in a serious and deliberate way, the House of Representatives takes a decisive step toward giving life to that promise.
01:29This hearing is convened not to attack families, not to single out individuals, and not to rewrite political history.
01:37We are here because the Constitution commands us to act, and because the Filipino people expect us to act.
01:46Mainit tiyak ang magiging debati dyan.
01:48Lalot ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism,
01:51212 sa 254 district representatives ay mula pamilya ng mga politiko.
01:58Sa datos naman ng GMA Integrated News Research,
02:01tatlong po sa mahigit 60 partilist representatives ang may kaanak na halal sa pwesto.
02:08Dalawamput-dalawa naman sa dalawamput-apat na incumbent senators ang may kaanak din na halal sa pwesto.
02:14Ngayon pa lang, hati na ang opinion ng mga mambabatas kung nakabubuti ba o nakakasama sa bansa ang political dynasties.
02:23Ang Kongreso sa mahabang panahon ay naging instrumento upang panatilihin ang status ko na ito sa halip na buwagin.
02:33Ang politika sa Pilipinas ay dominado ng mga elitistang angka na ginagawang negosyo
02:40at pribadong pag-aari ang posisyon sa gobyerno.
02:45Ang kapangyarihan pang politika ay ginagamit upang palawakin ang kanilang impluensya
02:50at protektahan ang kanilang mga interes sa ekonomiya at lupa.
02:56Ang political dynasties by itself is not an evil thing.
03:00We cannot address the political failures of our system simply by having an anti-political dynasty bill or law.
03:10Ang mas hindi katanggap-tanggap ay nagkakaroon tayo ng mag-asawa, magkasunod ng posisyon.
03:20Pasensya na po kung may masasaktan.
03:23Tingin ko po ito yung ayaw ng taong bayan pag nawawala ang checks and balance.
03:28Malinaw ang posisyon ng Commission on Elections na mahalaga raw mais sa batas ang anti-political dynasty bill.
03:35Pero may mga maaari raw maging problema sa implementasyon nito.
03:39Kayaan man mahalaga raw na maging maikli, malawak at malinaw ang depenisyon nito.
03:45Sa Japong napakahirap, i-define, sabihin, ano bang ibig sabihin ng political dynasty?
03:52Sino ba ang magba-violate ng political dynasty?
03:55Pangalwang tanong, pag ba naglagay tayo ng political dynasty,
03:59ay ating po bang nililimit ang kapangyarihan ng mamamaya na mamili ng gusto nila?
04:03Sa kabila na mga maaari maging hamon tulad ng pagtatakda ng kung hanggang ilang degree of relationship
04:10maaaring hindi tumakbong isang kakandidato, rule sa substitution at pag-cancela o pag-disqualify ng kandidato,
04:17naniniwala ang Comelec at ang Kumite na maipapasa ito bago ang 2028 presidential elections.
04:24Konting panahon na lang po yung natitira natin bago ang 2028 elections.
04:28So ibig sabihin, hindi naman sa minamadali namin ng kongreso, kung sa dyang kailangan po natin maipasa,
04:34ay di sana po bago mag-file ng candidacy by 2027 na andyan na yung anti-political dynasty.
04:40Nakikita ko, may may chance naman na pumasa ito within the year.
04:44Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
04:49NAMASTE
Comments