00:03Bago ngayong gabi, bangkay nang natagpuan sa ilog ang isang babae sa Marikina na mahigit isang araw nang nawawala.
00:10May spot report si Jamie Santos.
00:15Marahang hinugot at dinala sa pampang ang bangkay na natagpuan lungulutang sa Marikina River kaninang hapon.
00:21Bago mag-alauna ng hapon, napansin ni Jason ang bangkay sa ilalim ng floating bridge.
00:37Ang bangkay, katawan pala ng babaeng mahigit isang araw nang hinahanap na mga kapitbahay ni Jason.
00:43Ipinadala ni Jason ang litrato ng bangkay at nakumpirmang ito nga ang nawawala nilang kaanak.
00:49Ayon sa kagawad ng barangay Santa Elena, lumapit sa kanila kagabi ang mga kaanak para humingi ng tulong.
00:54Halos 36 na oras na umanong nawawala ang babae bago natagpuan ang bangkay nito.
01:00Nagtatanong-tanong po sila kasi po meron daw po sila nawawalang kamag-anak.
01:06Eh ngayon po, wala namang po reported sa mga barabarangay.
01:09Sa CCTV footage, nagkuha pasado alas dos na madaling araw kahapon, nakita pa ang babae naglalakad bago siya lumapit sa
01:16gilid ng ilog.
01:17Lalakad-lakad siya, nalaglag siya.
01:19Tumangging magpaunlak ng panayam sa Jemay News ang mga kaanak ng biktima patuloy na iniimbestigahan ang insidente.
01:26Jamie Santos, Jemay News.