Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
15 senador, pumirma sa isang resolusyon para kondenahin ang aksyon ng Chinese embassy sa Pilipinas laban sa ilang opisyal ng gobyerno | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, pumalag ang ilang senador sa naging pahayag ng Embahada ng China sa Pilipinas
00:05labag sa umano'y maling paggamit ng freedom of speech sa bansa.
00:09Pero may ilang senador, iba naman ang hirit sa issue.
00:12Ang sentro ng balita mula kay Luis Erispe.
00:18Naninindigan si Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. na ipaglalaban ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
00:24Inihihag ito ng Malacanang matapos ang diplomatic protest na inihain ng China laban sa Pilipinas.
00:32Ang binapatikos ng China, ang smear campaign o ang mga mapanghamon, mali at walang batayan umanong pahayag ni PCG Spokesperson Comm. J. Tariela.
00:42Ang Pangulo po, siya po ang nagsabi na hindi po niya isusurrender even an inch of our territory.
00:49Paliwanag ng Malacanang, mismong si Pangulong Marcos ang nagutos na isulong ang interes ng Pilipinas at protektahan ang soberanya ng bansa.
00:57Ano man po ang ginagawa ng ating mga ahensya upang ipaglaban ang interes ng ating bansa,
01:04yan po ang nais ng Pangulo at yan din po ang utos ng Pangulo.
01:07Ba't mananatili pa rin po na diplomasya ang kailangan?
01:11Suportado rin ng presidente ang mga opisyal ng gobyerno na inaataki ngayon ang Embahada ng China.
01:17Kapag po ang mga ahensya ng gobyerno, ang mga heads po ng ahensya ay tama at naaayon sa batas ang ginagawa
01:25at naaayon sa ating advokasya na ipaglaban ang karapatan at interes ng bansa,
01:32yan po ay sinusuportahan ng Pangulo.
01:34Pero ang Senado gusto ng imbestigahan ang ginagawang diplomatic protest ng China,
01:40lalo na ang paggamit ng social media sa pagbatikos sa mga opisyal ng gobyerno ng bansa.
01:45Hindi kasi dapat atakihin ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas sa sarili nitong bansa.
01:52Mesmong si Sen. Riza Holtiveros nga umano,
01:55nakaranas na paulanan ng batikos ng Embahada ng China sa kanilang opisyal na social media page.
02:02Sa totoo lang, mas marami pa akong media landing sa page ng Chinese Embassy kaysa sa mainstream media.
02:10Mapapatanong ka na lang talaga, official page ba ito ng isang embahada o ng isang troll farm?
02:20Nananawagan ako ng agarang investigason sa disinformation network na yan dito sa Pilipinas.
02:28Kapag mga sundalo at opisyal natin ang ginugulo, usapin na ito ng national security.
02:36Si Sen. Erwin Tulfo naman, hindi napigilang manggigil sa embahada, hinamon pa na lumayas na sa Pilipinas.
02:45If you do not like how democracy works in this country, then you are free to leave the Philippines.
02:57Get the out.
03:00Mr. President, kung hindi nila gusto kung paano gumagana ang demokrasya sa ating bansa, malinaw po ang sagot.
03:09Layas.
03:10Pero si Sen. Rodante Marculeta at Sen. Robin Padilla, pumihirit na baka naman kasi si Tariela talaga ang problema.
03:18Baka kasi puro buga ng impormasyon sa publiko at gumagawa pa umano ng memes laban sa presidente ng China na si Xi Jinping.
03:26Pag sa salita ni spokesperson Tariela, imbes na po siguro papaliit ang ating problema, baka lalong lumalaki.
03:36Hindi rin naman po tama na ang isang opisyal natin sa gobyerno na isang uniformado pa, ay gagawa ng katatawanan o karikatsyur ng presidente ng China.
03:50Pero may sagot din naman dito si Sen. Hontiveros.
03:53Ang problema talaga ay sa kondukta ng Chinese government sa kasalukuyang dynamics.
04:01Ang tawag ko po dyan, Mr. President, sa ugali ng Chinese government, gaslighting.
04:07Sila na nga ang gumagawa ng mali.
04:10Mamasamain pa nila kapag pinuna ng ating panig ng ating gobyerno, tayo pa ang may kasalanan.
04:17Pumirma ng resolusyon ng labing limang senador para ikondina ang aksyon ng Chinese embassy.
04:23Kasama dito ang liderato ng Senado, paratikula na si Sen. President Vicente Soto III,
04:28Sen. President Pro Tempan Filo Lacson, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at iba pang majority members.
04:35Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended