00:00Hindi na lang sa Japan masisilayan ang makulay na Sakura Tree o Cherry Blossom
00:05dahil sa Baguio City, makikita na ito sa nag-iisang 5-star mountain hotel sa Pilipinas.
00:11Ayon sa pamunuan ng Baguio Country Club,
00:14namukadkad ang Sakura Trees matapos ang 7 taong pag-aalaga rito.
00:19Akma kasi ito sa malamig na klima sa lungsod na kadalasang panahon ng pamukadkad ng bulaklak.
00:25Ibinigay ang mga Sakura Trees sa hotel ng Japanese Nationals na sina Shinji Okumora,
00:31Shinjiru Chunashima at Paz Suzuki noong June 2018 at May 2019.
00:37Pero hindi lang sa Baguio may Sakura Park dahil nauna nang binuksan noong 2016
00:43ang authentic Sakura Park sa Pauai Atok, Benguet.
00:47Itinatag ito para sa komemorasyon ng 40-year sisterhood ng Benguet Province at Koshi Prefecture sa Japan.
00:55Isa ang bayan ng Atok na sikat na pinupuntahan ng mga turista kung saan matatagpuan ang Northern Blossom Flower Farm
01:02at nararanasan ang malamig na temperatura na nagdudulot ng andap o frost.
Comments