00:00Pinasisiguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may patutupad ng tama ang zero balance billing ng gobyerno.
00:07Yan ang binigyang diin sa isang pagpupulong sa pagitan ng Executive Secretary, DOH at PhilHealth.
00:13Ang detali sa ulat ni Clazel Pardelia.
00:17Dumayo pa ang magsasaka na si Rolando sa Quezon City mula sa La Union para maipagamot ang kanyang misis na may sakit sa puso.
00:26Nag-aalala na nga sa kalusugan ng kanyang asawa. Problemado pa siya sa laki ng posibleng gastosin sa operasyon.
00:35Yung nga o, wala kaming pagpukunan. Wala naman doon sa amin na nag-opera pero mahal doon sa Lorma.
00:41Ako.
00:42Nag-it-isang milyon daw ang magastos namin.
00:44Laking pasalamat po sa Diyos ha kung talagang wala kaming babayaran.
00:49Talagang yung sakit niya, sakit ng mayamas.
00:52Sa pagpupulong na Executive Secretary Ralph Recto sa Department of Health at PhilHealth,
00:59pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maipatutupad ng tama at mararamdaman ang Zero Balance Billing.
01:07Programa ito ng pamahalaan na pumapasan sa lahat ng bayari ng mga pasyente sa higit 80 DOH accredited hospital na nakakonfine sa basic accommodation.
01:19Palalawigin na rin ito sa ilang ospital na pinatatakbo ng ilang lokal na pamahalaan.
01:26Hinimok ni Recto ang DOH at PhilHealth na palawakin ang mga benepisyong ibinibigay sa middle-income families
01:34na malaki ang iniaambag na kontribusyon at buhis na nagpapagana sa mga programa ng pamahalaan.
01:40Ngayong taon, nasa P448 billion ang inilaang pondo para sa sektor ng kalusugan.
01:48Layon itong maibsan ang gastusin na mga Pilipinong nagkakasakit.
01:53Samantala, siniguro ng PhilHealth na libre pa rin makukuha ang 21 mga pangunahing gamot sa mga yakap accredited primary care facilities sa buong bansa.
02:03Kabilang ang mga gamot sa impeksyon at apresyon, hika at iba pang sakit.
02:10Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments