00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Matapos magkaroon ng karamdaman itong nakaraang linggo,
00:06naging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba't ibang aktividad ngayong araw.
00:11Kapilang narito ang pakipagpulong sa Economy and Development Council
00:15at ang paglangda sa kauna-unahang National Digital Connectivity Plan.
00:20Iniutos din ang Pangulo ang pagtulong sa mga biktima ng lumubog na barko sa Basilan.
00:26Yan ang ulit ni Clayzel Pardilla.
00:30Balik-trabaho na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos magkasakit na karaang linggo.
00:36Maganda po ang kalagayan ng ating Pangulo dahil siya po ay kasalukuyang nasa meeting
00:41at marami po silang pinag-uusapan patungkol po doon.
00:46Pinangunahan ng Presidente ang ikapitong pagpupulong ng Economy and Development Council sa Malacanang.
00:53Dinalakay ang pagtupad ng Philippine Development Plan at pag-abante sa digital connectivity.
00:58Nilagdaan ang Presidente ang kauna-unahang National Digital Connectivity Plan.
01:04Ayon sa Malacanang, layo nitong isulong ang digitally connected na Pilipinas.
01:10Itutulak nito ang mas malawak, mabilis, abot kaya, ligtas at maasahang internet.
01:17Gagawin yan sa pamamagitan ng pagpapatatag sa mga regulatory framework na magbubukas sa maraming kumpanya at maghihikayat ng kompetisyon.
01:27Tututukan ang infrastructure investment katuwang ang public-private partnership.
01:32Itatayo sa mga pinakabalalayo at liblib na lugar at gagawing climate resilient o matibay daanan man ang sakuna.
01:39Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Social Welfare and Development na tulungan ang mga biktima ng lumubog na barko sa Basilan.
01:50Nasa tatlong daan ang sakay ng pasahero ng ferry, dalawang daan na ang nasagip, habang labinwalo naman ang namatay.
01:57Ang DSWD po ay inutusan na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong ang ating mga kababayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing insiden.
02:08Mari yung kinundina ni Pangulong Marcos ang nangyaring karasan sa Sharif Aguac Maguindanao del Sur.
02:15Nitong linggo, inambush ang sasakyang lula ni Aguac Mayor Ahmad ang patuan.
02:20Dalawa sa kanyang escort ang nasugatan, habang patay naman ang tatlong sospek matapos ang isinagawang manhat operation.
02:28Kinukundina po ng Pangulo ang nangyaring yan.
02:30At dahil sa kanya pong pag-uutos at direktiba, agad-agad din pong kumilos ang DILG, pati po ang PNP.
02:38Mananatili po na palalawigin ng DILG at ng pamahalang ito, ang Peace and Order.
02:44Kaleiza Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments