00:00Inaabangan na ng Pinoy tennis fans ang pagsabak ni tennis ace Alex Ayala sa Philippine Women's Open.
00:07May paalala naman po ang Women's Tennis Association sa proper decorum ng mga manunood
00:12matapos punahin ang pag-cheer ng ilang Pinoy sa laro ni Ayala sa Australia.
00:18Nakatutok si JP Siriano.
00:23Bukas magaharap-harap ang pinakamagagaling na tennis player sa buong mundo.
00:28Sa WTA 125 Philippine Women's Open na gaganapin sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court.
00:36Inaabangan ang pag-smatch ni Pinoy tennis ace at world number 49 Alex Ayala.
00:41Sa qualifying singles draw, unang makakaharap ni Alex ang Russian na si Alina Shareva
00:47na nakaharap na niya sa International Tennis Federation match sa Spain noong 2020.
00:53I have met her. She's a very nice person.
00:57I think I'm a great player. So I'm just gonna go and I've done everything to prepare to the best of my ability.
01:04So I'm gonna go and do my best.
01:06Isa sa mga inaabangan din ang pagiging bubbly ni Alex na nakikipagsabayan nga din sa social media.
01:13You know, step by step pa lang.
01:15Pinoy-coded nga raw ang tennis tuwing sasabak siya.
01:18Anong masasabi ko, Pinay naman talaga ako.
01:21So I mean, I think it's only normal. Like a lot of people ask me, saan nanggagaling yun? But I mean, I'm Pinay.
01:27Bago ang Philippine Women's Open, sumabak noong nakaraang linggo si Iala sa Australian Open.
01:34Doon ay pinuna ng ilang tennis fans ang pag-cheer ng mga Pinoy sa tennis stadium sa Melbourne
01:39na umabot sa puntong hindi na raw makafokus ang kalabang si Alicia Parks ng USA.
01:45Ang organizers ng Philippine Women's Open naglabas ng tennis etiquette guidelines mula sa WTA o Women's Tennis Association.
01:54Paalala nila sa mga manonood, dapat manatiling tahimik para makafokus ang mga malalaro.
02:00Pumalakpak lang kung out of play na o hindi na pwedeng tamaan ng bola.
02:05Patayin o is silent mode ang mga cellphone.
02:07Kung magpipicture walang flash at tunog at itaon lang ang pagtayo o paglakad kapag naka-changeover o break ang laro.
02:16Huwag mag-usap o kahit bumulong lang para di maistorbo ang mga malalaro.
02:21Huwag humiyaw o mag-cheer kung nagkamali ang kalaban.
02:26At huwag gumamit ng selfie stick.
02:29Para sa GMA Integrated News, JP Soriano. Nakatutok 24 oras.