Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, live na kuwa po yan sa People Power Monument sa Quezon City
00:05kung saan idinaraos ang binansagang Trillion Peso March 2.0 ng iba't ibang grupo.
00:12Nakatotok din tayo sa Recto kung saan binarekadahan ang mga kalsada patungong Menjola.
00:18Itinaon ang iba't ibang grupo ngayong Bonifacio Day,
00:21ang malawakang kilos protesta kontra katiwalian.
00:24Sa agit na ng unos ng korupsyon, tila magandang pahiwating naman mula sa langit ang nasaksihan.
00:29Yan ang double rainbow na nasilayan sa EDSA sa gitna ng Trillion Peso March.
00:40Maginahapon po, nagtipon-tipon sa People Power Monument ang mga taga-simbahan at iba't ibang grupo para sa iisang panawagan.
00:48Isiwala at ikulong ang mga kurakot.
00:51Pero bago ang programa sa People Power Monument, may mga ralisang nakagirian ang ilang polis.
00:56At nakatotok live si Marie Zumali.
00:59Marie!
01:04Pia, Ivan, matos naman sa matinding sikat ng araw.
01:07Di kaya ay ulanin ay hindi nagpatinag ang mga dumagsarito sa People Power Monument
01:12para isigaw ang kanilang panawagan para sa pananagutan dito sa Part 2 ng kanilang Trillion Peso March Movement
01:22against corruption and political dynasties ngayong araw.
01:26Sama-sama nag-march siya pasado las 8 kanina umaga ang grupo ng mga ralisang mula EDSA Shrine,
01:37pa People Power Monument.
01:40Sa rami ng lumahok dito sa Trillion Peso March, inokupan na nila ang EDSA Ortigas.
01:46Sa isang punto, nagkagirian ang ilang ralisang at mga polis sa bandang EDSA Ortigas
01:53dahil tumanggi ang mga polis na lawakan ang bahagi ng EDSA na dinaraanan nila.
01:59Maya-maya, pinagbigyan din ang mga ralisang.
02:03Naiwan sa EDSA Shrine ang ilang grupo ng mga senior citizens
02:07kung saan napakinggan din nila ang misa at programa sa People Power Monument
02:12dahil may nakaset-up na screen at speakers dito.
02:26Bit-bit ang kanilang mga tarpulin at mga placard dito sa People Power Monument White Plains
02:31nagtipon-tipon ang labor groups contingent mula sa EDSA Shrine.
02:35Gayun din ang iba pang civil society groups mula sa Temple Drive.
02:38Ang kanilang nagkakaisang sigaw, i-bulgar at ikulong ang lahat ng mga kurakot.
02:50At mga kapuso, ay siyempre sa programa sa People Power Monument
02:58ay gayun din ang iba pang mga...
03:00Sa People Power Monument White Plains, nagtipon-tipon nga ang labor groups contingent mula sa EDSA Shrine.
03:05Gayun din yung iba pang mga civil society groups mula sa Temple Drive.
03:09Bago ang programa, nagdaos muna ng Interfaith Prayer na sinundan ang Banal na Misa
03:13na pinangunahan ni na Cardinal Virgilio David, Bishop Elias Ayuban at Bishop Jose Colin Bagaforo.
03:21May kabuuan daw na 86 dioceses ang nakiisa sa Trillion Peso March.
03:26Sa programa, ay pinalabas din ang lawak ng pinsalang idinulo at mga pagbaha
03:29dahil sa mga maanumaliang flood control projects.
03:32Nagpahayag din sila ng unity message para papanagutin ang mga may sala.
03:37Nagpahayag din ang saluobin ng ilang mga artista.
03:40May mga nagtanghal, kabilang ang grupong Ben & Ben, si Mitch Valdez,
03:44Celeste Lagaspi at ilang pang mga banda.
03:46Narito rin ang ilang mga mababatas at opisyal ng gobyerno.
03:50Lahat nagkakaisang sigaw.
03:53I-bulgar at ikulong lahat ng mga kurakot at ibalik ang pera ng taong bayan.
03:58Sa ngayon kasi na iinip na tayo, puro mga dilis at sapsap lang na nahuhuli.
04:06Wala pa yung mga balyena at mga pating na malaki at bilin-bilin na yung nakaw mo lang sa ating kaban.
04:11Mahalagang makuha yung pera.
04:12Klaro yan sa taong bayan na hindi sapat.
04:16Yung may makulong, yun pala nga.
04:18Wala pa eh, di ba?
04:18So may makulong, mabalik yung pera, mabagay yung sistema.
04:21Pia Ivan, kabilang din sa mga panawagan ng mga nagprotesta rito sa People Power Monument,
04:33ay nakatuuan dun sa dalawang pinakamatatas na lider ng ating bansa.
04:37Anila, Pangulong Bongbong Marcos Panagutin, Vice Presidente Sarah Mitisin.
04:43At kabilang din sa kanilang panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos,
04:48ay certify as urgent ang anti-dynasty bill.
04:53At sa mga sandaling ito, Pia Ivan, ay nagpapatuloy yung programa.
04:58Sa mga sandaling ito, ay may umaawip at ilan na lamang na magsasalita pa
05:05at inaasahang matatapos ang programa ng alasais ngayong gabi.
05:10At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa People Power Monument
05:14kung saan ang mga tao hindi pa rin natitinag at tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pananatili
05:18kahit buong maghapon na silang naririto.
05:20Balik sa inyo dyan, Ivan at Pia.
05:23Maraming salamat, Mariz Umali.
05:27Nagtipong-tipong sa luneta sa Maynila ang maggalit sa korupsyon
05:30at nais mapanagot ang mga korakot.
05:32Pero may mga ralista na sirubukan pigilan ang mga otoridad dahil wala raw permit.
05:36Wala nang nagawa ang mga otoridad na dumagsa na ang mga ralista.
05:41Nakatutok si June Veneracion.
05:50Hindi pa man nagsisimula ang rally sa luneta.
05:54Nagkatensyon agad ang mga polis at mga ralista.
05:57Pinigilan kasi ng mga polis ang mga ralista
05:59sa pagbaba ng kanilang mga gamit mula sa sasakyan para sa kanilang programa.
06:03Wala raw kasing permit mula sa National Parks Development Committee
06:07kaya hindi pwedeng maglagay ng entablado.
06:09Pag-i-usapan tayo natin na huwag na nilang i-set up yung kanilang entablado
06:15at tumipad sila sa Freedom Park sa Liwasang Tulipasyon.
06:18Napakalawak nitong Rizal Park eh.
06:20Ano bang problema kung dito mag-tipon ang taong bayan?
06:25Nagawa naman natin ito ng mapayapa noong September 21.
06:29Bakit napakapraning naman nila ngayon?
06:32Ayun na! Ayun na!
06:33Pinagot na!
06:34Pero nang dumating na ang mas maraming ralista, wala rin nagawa ang mga polis.
06:42Dinaanan lang ng mga ralista ang barikada ng mga polis at Coast Guard personnel.
06:46Hila-hila nila ang FEG ni Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
06:53Sa programa, nananawagan ang iba't ibang personalidad na papanaguti ng mga kurakot sa gobyerno.
06:59May ilang din na kahit walang kinabibilangang organisasyon ay sumama rin sa protesta.
07:04Sobra na eh.
07:05Simbolic lang to of the people who are making lives difficult for the rest of the country.
07:10Na our Filipinos deserve better than that.
07:13May nagsama rin ang kanilang anak.
07:14Para po yan sa kanila, para sa future generation.
07:18Alam po natin sila yung makikinabang at wala naman pong edad na pinipili
07:23para maging bahagi ng paglaban natin para sa pagbabago.
07:26Sa crowd estimate ng NCR Police Office, umabot sa 3,000 ang mga sumama sa rally sa Luneta.
07:32Pero sabi ng mga rally organizer, masyado raw mababa ang tansya ng PNP.
07:39Para sa GMA Integrated News, June Van Arasyon na Katutok, 24 Oras.
07:45Mahigpit ang pagbabantay ng polisya sa bahagi ng Menjol at Recto sa Maynila
07:49kung saan nagkagulo sa protesta noong Setiembre.
07:51Pero para sa mga rallyista, overkill ang paghihigpit dahil wala naman daw silang balakmang gulog.
07:58Mula sa Maynila, nakatutok live si Rafi Tiba.
08:02Even hindi nga nakalapit sa Menjol itong mga rallyista matapos itong harangan
08:10ng mga anti-rayed polis ng barbed wire, ng concrete barriers at mga shipping containers.
08:16At kahit na wala na yung mga rallyista, ay nakabantay pa rin dito yung mga polis
08:19sakaling may bumalik pa rito.
08:25Wala nang nagawa ang mga rallyista kundi tumigil sa kanto ng CM Recto at San Sebastian Street.
08:30Limang talambakang barbed wire na kasi ang nakaharang bukod pa sa mga concrete barrier
08:34at mga anti-rayed polis.
08:36Nakahanda pa ang mga polis sakaling may mambato
08:38dahil isang net ang nakalapag sa kalsada na kanilang itataas
08:42kapag may mambato sa haning ng mga nagpaprotesta.
08:45Dahil hindi na makalusot ang mga rallyista,
08:47dito na sila nagprograma.
08:49Mula Luneta, bit-bit nila ang FGN na Pangulong Bongbong Marcos at VP Sara Duterte.
08:54Sinira nila ito bilang simbolo-umano ng kanilang pagkondina sa korupsyon
08:57at katiwalian sa pamahalaan sa pamumuno ng Pangulo at pangalawang Pangulo.
09:01Kami ang taong bayan!
09:03Kami ang taong bayan!
09:06Sukang-sukana sa korupsyon!
09:08Sukang-sukana sa korupsyon!
09:10Gate ng grupo, wala naman silang balak mga gulo.
09:13Kaya nakakapagtakaumanuan nila yung overkill na pagbubantay ng mga polis.
09:17Walang agenda na magkasik ng gulo.
09:22Ang gusto lang natin, makapagpahayag.
09:24Of course, problema natin, pag ganito yung sinasalugong sa atin,
09:29makakong pretensyon.
09:31Kasi kung magiging pakiramdam na tako,
09:34sinisikil yung kanilang karapatang magpahayag.
09:36Kalahating oras lang mula nang dumating,
09:38agad nag-disperse sa mga grupo.
09:40May mga marshal na nagtitiyak na walang matitira sa kanilang hanay.
09:44Dito kasi nagsimula ang kaguluhan noong September 21,
09:47matapos may mga naiwang ralista at nagkipagirian sa mga polis.
09:51Ito raw ang nais iwasan ng pamahalaan kaya naging mahigpit ang kanilang pagbabantay.
09:55Ayon kay DILG Secretary John Vic Rimulla,
09:57na personal na nagmasik sa protesta,
09:59mabuti ng handa, lalo pat may mga impormasyon silang may manggugulo sa kilos protesta.
10:04Meron bang info na may manggugulo?
10:06Meron. Lagi naman may raw info na ganyan.
10:08Pero hindi mo naman hanggang nandiyan-dyan ako may mangyayari talaga.
10:12Buti na ang over-prepared kasi under-prepared.
10:15Ang siguridad ng bansa kasi binabantayan natin dito.
10:20Hindi naman isang tao, hindi naman isang building, pero buong bansa ito.
10:25Basta payagan natin na anarchy ang manaig dito.
10:29Mahigit isang oras matapos umalis ng mga meritanteng grupo,
10:31dumating naman ang isa pang grupo na nananawagan na bumaba sa pwesto si Pangulong Bongbong Marcos.
10:37May mga bit-bit na plakard na may katagang maisog ang grupo
10:39na naharang din sa kanto ng San Sebastian Street at CM Recto.
10:43Umalis na pero bumalik si DILG Secretary Rimulla para tingnan ang mga nagkikilos protesta.
10:48May mga human rights observer din mula sa isang international NGO at mula sa CHR na nagmasib sa protesta.
10:59Sa kabuuan, tatlong batch ng mga protesters yung nagtungo dito sa CM Recto
11:03at nagpilit na makarating dito sa may makasahisayang Mendiola,
11:08isang lugar na sumisimbolo sa kasahisayan ng protesta sa bansa.
11:12Yan ang latest mula dito sa CM Recto malapit sa Mendiola.
11:14Ivan?
11:15Maraming salamat, Rafi Tima.
11:45Ang hakbang lang mula rito ay nag-organisa naman ang hiwalay na kilos protesta
11:49ang ilang grupo na marami sa kanila ay mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
11:54at Vice President Sara Duterte.
11:56Nananawagan sila ng pagbibitiw ng Pangulo.
11:58Marcos Resign.
12:02Marcos Resign.
12:03Kay Pangulong Bongbong Marcos nakatuon ang galit ng mga raliyistang ito na nagtipon kaninang alas dos ng hapon.
12:10Ikulog sa Selda 13.
12:13Naniniwala silang may kinalaman ng Pangulo sa mga ninakaw na pondo ng bayan.
12:18Narito ang mga miyembro ng PDP Laban, Marcos Resign Movement, Marcos Alizjan Network,
12:22at Bangon sa Bayan and People's Movement.
12:24Mga taga-suporta rin ni na dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
12:29Ito po ay isang malinaw na panawagan.
12:32Wala nang patutunguhan ng gobyerno ni Marcos.
12:35Pabagsak na ito at lugmok ng buong bansa.
12:38Ayaw daw nilang mag-rally sa People Power Monument kung nasaan ang Trillion Peso March.
12:42Nauna na kasing sinabi ng organizers ng Trillion Peso March na hindi sila nananawagan ng pagpapababa sa pweso ng Pangulo.
12:48Pero sa bahagi ng EDSA kung nasaan sila, pinaaalis sila ng mga polis dahil wala silang permit.
12:53Kanina may treto bareste, pero sabi namin kung aristoin nyo kami, makukulong ito lahat.
12:59Sa huli, pinayagan din silang magdaos ng programa sa tapat na isang mo sa EDSA Ortigas hanggang alas 5 ng hapon.
13:07Sa liwasang Bonifacio sa Maynila, nagtipo ng Save the Philippines Coalition at Association of Genuine Labor Organizations,
13:13pati ilang tagasuporta ni dating Pangulong Duterte na ang sigaw ay Marcos You Are Fired at Marcos Resign.
13:20Pia, mapayapan na rin nag-disperse yung mga nag-rally kanina sa EDSA Ortigas bago pa mag-alas 4 ng hapon.
13:41Hindi na sila dumiretso pumunta dito sa EDSA Shrine pati na sa People Power Mall.
13:46Yan ang latest mula rito sa EDSA Shrine. Balik sa'yo Pia.
13:48Pia, Pia, Pia, Pia, Pia.
13:50Maraming salamat, Darlene Kai.
13:53Sinita po ng mga polis sa Maynila ang mga nag-rally na may takip sa mukha.
13:57At may dinakip din silang tatlong lalaki na nagpakilalang independent media.
14:02Nakatutok si Jonathan Andal.
14:06At nakamaskara kayo, alam nyo naman bawal lang dito sa Maynila.
14:10Sinita ng mga polis ang grupong ito sa Calao Avenue sa Maynila dahil nakabalak lava o takip sa mukha.
14:16Bawal yan, sabi ng mga polis.
14:22May bagong ordinansa sa Manila na nagbabawal sa pagsusot ng balak lava o mga takip sa muka
14:27habang nasa pampublikong lugar para iwas krimen.
14:31Nasita rin ang suot nilang helmet at bulletproof vest na may nakasulat na press.
14:36Dinala sa Ermita Police Station ang tatlong lalaki na nagpakilalang independent media
14:40at miyembro ng grupong Kilusang September 21 o KS21.
14:45Depensa nila, hindi nila alam ang bagong ordinansa sa Manila at wala silang masamang balak.
14:50May suspicion mata po sila na dahil porke may gear po kami, na protective gear,
14:55baka may binabalak daw po kaming masama.
14:57Nagjo-journalism lang po lang ang mga tatlong kaibigan ko po.
15:00Tapos yun nga po, ayaw po rin nilang maniwala, gusto daw po talaga nila i-verify.
15:05Ang reasoning lang namin, yun nga, protection lang.
15:07Kasi last time, ang daming kaguluhan sa ang daming na injury.
15:10Sa Luneta, may mga grupo rin sinita dahil may takip ang muka pero hindi naman sila dinampot.
15:25Kaya tanong ng tatlong dinampot, bakit sila dinala sa presinto
15:29gayong tinanggal naman nila kaagad ang balak lava ng masita?
15:32Gusto natin malaman kung talagang totoong member sila ng press.
15:36According din naman doon sa mga kaibigan nating media,
15:39bihira tayo makakita ng mga ganun na nakasuot.
15:41Lalo na sila, tatlo pa sila, tapos lahat nakakover yung muka nila.
15:45In conclusion, nasupress lang po yung freedom of speech namin as media.
15:49Pinakawala ng tatlo matapos ang nasa dalawang oras na investigasyon at medical examination.
15:54Sabi ng MPD, hindi lang mga nakamotorsiklo,
15:57kundi lahat, sakop ng ordinansa sa Maynila na nagbabawal sa balak lava
16:01o anumang takip sa muka sa pampublikong lugar kabilang ang kalsada.
16:05Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
16:11Agang sa mga probinsya, masidhirin ang panawagang managot ang mga kurakot.
16:16At mula sa Dalaw City, Nakatutok Live, si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
16:21Jandy.
16:22Yes, Ivan, umalingaw-ngaw ang sigaw ng hinaing ng iba't-ibang grupo dito sa Davao City laban sa katiwalian.
16:34Maputik na damit ang suot ng ilang rallyista sa Davao City
16:38para ipakita ang anilay kalunos-lunos na kalagayan ng mga biktima ng kalamidad
16:43dahil sa palpak at kinurakot na flood control project.
16:46Nakatali sila sa isang itim na lubid na hawak ng dalawang nakamaskarang may muka
16:52ni na President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte
16:56na pawang nais nilang patalsikin sa pwesto.
16:58Ang mga may dalang placard, iisa ang sigaw, panagutin ang mga kurak.
17:02Inikot ng mga rallyista ang Freedom Park bilang bahagi ng pakikiisa sa malawakang kilos protesta ngayong araw.
17:07Nagkaroon din ng protesta sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
17:12Sa Iloilo, puti at pula ang suot ng mga rallyista bilang pakikiisa sa protesta at pagunita sa Bonifacio Day.
17:19Sa Bacolod, umabot sa 12,000 ang nakiisa sa protesta kung saan nagkaroon din ng performances.
17:26Alas 4.05 ng hapon, mapayapang nagwakas ang kilos protesta dito sa Davao City.
17:33Balik sa iyo, Ivan.
17:33Maraming salamat, John D. Esteban ng GMA Regional TV.
17:40Umapilang malakanyang sa mga kinauupulang ahensya na huwag magpatumpik-tumpik sa pagsasampan ng mga kaso kagnay sa mga anomalya sa mga flood control project.
17:52Kasunod po yan, ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos, kamakailan na marami sa mga sangkot ang inaasahan niyang makukulong na bago magpasko.
18:01Ayon kay Undersecretary Claire Castro, mula sa Malacanang, ay nakamonitor si Pangulong Bongbong Marcos sa mga kilos protesta ngayon na nananawagan na mapanagot ang mga piwali.
18:12Nakikinigaan niya ang Pangulo maging sapuna ng iba na mabagal ang usad ng investigasyon sa mga anomalya.
18:17Pero ang sabi ng Malacanang at ng Department of Justice, hindi pwedeng madaliin ang investigasyon.
18:24Dapat mabilis ang pag-aksyon.
18:28Kung kaya naman agad isampahan ng kaso at nandyan ang ebidensya, huwag na magpatumpik-tumpik sa panang kaso.
18:34May call sa lahat ng ahensya na involved dito, kumilos kayong lahat.
18:39Kami man din po ay naiinip din, pero hindi po natin pwedeng madaliin ang isang bagay dahil lamang po sa gusto nating ma-appease ang publiko.
18:49Kung ang habol po natin ay kasong matitibay, natatagal at tapatayu sa husgado.
18:54Kung ang habol po natin ay kasong matitibay, natatagal at tapatayu sa mga magpatumpik-tumpik-tumpik-tumpik-tumpik-tumpik-tumpik-tumpik-tumpik.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended