Skip to playerSkip to main content
Galing sa Pilipinas ang dalawang mag-amang suspek sa pamamaril sa Bondi beach sa Australia kung saan 'di bababa sa 16 ang nasawi. Kabilang sa mga inaalam ngayon ng mga awtoridad ay kung may koneksyon sila sa mga teroristang grupo sa Pilipinas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Galing sa Pilipinas ang dalawang magamang suspect sa Paumaril sa Bonsai Beach sa Australia,
00:05kung saan hindi bababa sa 16 nasawi.
00:09Kabilang sa mga inaalam ngayon ng mga otoridad ay kung may koneksyon sila sa mga teroristang grupo sa Pilipinas.
00:15Nakatutok si JP Soriano.
00:20Ang masayang tugtugan, tawanan at kainan sa pagdaliwang ng Jewish Festival na Hanukkah
00:26sa Bondi Beach na Sydney, Australia itong linggo.
00:30Binulabog ng sunod-sunod na putok na tumaga ng sampung minuto.
00:47Labing lima ang nasawi at apat na po ang sagatan kabilang ang dalawang polis.
00:54Nasa pagitan ng mga edad sampu hanggang walumputpito ang mga biktima.
01:00Dalawang lalaki ang nasa likod ng pamamaril.
01:11Ang isa, naka-enkwentro at napatay ng mga polis.
01:15Kinilala siyang si Sajid Akram.
01:18Habang ang isa na dinambahan ng isang residente para maagaw ang kanyang baril,
01:23ay kinilala namang anak niyang si Navid Akram.
01:26Itinakbo si Navid sa ospital.
01:28Gayun din ang umagaw ng baril na si Ahmed Al-Amed na tinamaan ng balas sa braso at kamay.
01:34An attack on Jewish Australians is an attack on every Australian.
01:39And every Australian tonight will be, like me, devastated on this attack on our way of life.
01:49There is no place for this hate, violence and terrorism in our nation.
01:54Let me be clear, we will eradicate it.
01:58Labing-anim na araw bago ang pag-atake ito ng mag-amang Akram, ay nasa Pilipinas pala sila.
02:05Ayon sa Bureau of Immigration, halos isang buwan sila rito noong Nobyembre.
02:09Dumating noong November 1, nang galing po sila sa Sydney, Australia.
02:14Umalis din po sila noong November 28 on a connecting flight from Davao to Manila to Sydney.
02:22Hindi pa malinaw kung ano ang ginawa sa bansa ng mag-amang Akram,
02:26kung may kinausap pa sila o kung may iba pa silang pinuntahan maliban sa Davao.
02:31Pero kabilang sa iniimbestigahan na ng Australian authorities,
02:35ay kung nakipagkita sila sa mga Islamist extremist habang nasa Pilipinas.
02:40Kaugnay niyan, ay nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa iba't ibang ahensya ng Pilipinas.
02:45Ang tiyak sa ngayon, ayon sa immigration, ay wala silang record ng pagiging Pilipino o Philippine passport.
02:52Siya po ay gumamit ng Indian passport but had a residence visa in Australia.
02:58Meanwhile po yung kanyang anak, Navid Akram, was already born in Australia at isa na po ang Australian national.
03:05Nakikipag-ugnayan na rin ang National Security Council sa pulisya, Sandatahang Lakas at Bureau of Immigration
03:12para alamin kung may mga iligal ba silang ginawa habang nasa Pilipinas.
03:17Sabi sa kanilang pahayag na binasa ng palasyo.
03:20The National Security Council is aware of the reports that the individuals involved in the Bondi Beach shooting in Australia
03:28had previously traveled to the Philippines and these are currently under validation.
03:34At this time, there is no confirmed information indicating that their visit pose a security threat
03:41and this is not considered a serious or immediate concern.
03:45Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended