Skip to playerSkip to main content
May ginto na agad ang Pilipinas sa pagsisimula pa lang ng 2025 SEA Games! Pero sa gitna ng kompetisyon, pinauwi ng Cambodia ang lahat ng atleta nito. Kasunod ‘yan ng tensyon sa border ng Cambodia at Thailand.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May ginto na agad ang Pilipinas sa pagsisimula pa lang ng 2025 SEA Games.
00:06Pero sa gitna ng kompetisyon, pinauwi ng Cambodia ang lahat ng atletang ito.
00:11Kasunod yan ang tensyon sa border ng Cambodia at Thailand.
00:15Nakatutok live si Jonathan Adam.
00:18Jonathan.
00:20Vicky, Sawadi Cup, mula po rito sa Bangkok, Thailand.
00:23Sa mga oras po na ito ay nakakawalong medalya na ang Team Pilipinas dito sa 2025 Southeast Asian Games.
00:31Anim na bronze, isang silver at isang ginto.
00:40Napatakbo sa saya ang 23-anyos na si Justin Coby Macario kasama ang kanyang coaches
00:45nang masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 2025 SEA Games.
00:50Nagulat din po ako kanina na ako po yung unang gold ng Pilipinas po.
00:54And sobrang saya po.
00:55Naging confident naman po kasa pinakita kong routine and yun po.
00:59Parang minanifest ko na akin na po yung ginto.
01:02Suabe ang bawat galaw at sipa ni Macario sa freestyle Pumsei ng Taekwondo.
01:08Kaya nakakuha siya ng final score na 8.200.
01:12Pangatlong SEA Games na ito ni Macario.
01:14First time rin niyang sumalis sa individual category dahil lagi siya sa team event ng Taekwondo.
01:19Hindi ako sanay. Sobrang iba po kasi sa court may makikita ko mga kasama mo.
01:25Ganun, kanina, mag-isa mo lang.
01:28Parang, sige, hindi lang para sa akin ito.
01:31Para sa country, sa lahat ng mga sumupuorta po sa amin.
01:37Yan po yung mindset ko.
01:38Ang ganda nung character niya at nung pagkakagawa niya.
01:43Nung naa-amaze ako habang mga galaw siya.
01:45Parang ibang-iba siya niya.
01:47Dahil yun tong medalya, sigurado na ang incentive ni Macario na 300,000 pesos.
01:53Sigurado yan. Meron pang dagdag yan.
01:56Meron pang dagdag.
01:58Galing sa answer?
01:59POC.
02:01Hopefully.
02:02Parang malakan yan.
02:03Ang unang silver medal naman ng Pilipinas galing din sa Taekwondo.
02:07Ang trio nila Reyes, Alcayro at Corton ng men's recognized Pumsei.
02:13Unang bronze medal naman si John Derek Farr sa men's mountain bike downhill event.
02:19Sa oras na 2 minutes at 43 seconds, halos 6 na segundo lang ang lamang sa kanya.
02:24Nang Malaysia na naka-silver at Thailand na naka-gold.
02:27Nag-improve po kahit pa paano.
02:29Kasi nababa ko po yung time ko.
02:31So, yesterday ng 2.48 pas ngayon 2.43.
02:34So, malaking achievement din po siya para sa akin.
02:37And I would say na heart-earned medal po talaga yung nakuha ko.
02:41Taas noong pumarada kagabi ang mga atletang Pilipino.
02:44Sa pagbubukas ng 2025 SEA Games sa Bangkok,
02:46iwinagayway ang bandera ng Pilipinas ni na rising tennis star Alex Ayala
02:51at Brian Bagunas ng Alas Pilipinas.
02:54Suot ng nasa dalawang daang atleta at sports officials.
02:57Ang modernong barong na gawa sa abaka, piña, water hyacinth, kawayan at saging
03:03na obra ng Filipino designer na si Avel Bakudio.
03:05Surreal, but nakatulong din na nandun si Kuya Brian.
03:10I think it was just good vibes to be with the whole delegation.
03:14And I'm so blessed and it's an experience of a lifetime.
03:18Ang ganda-ganda ng parada, ang ganda-ganda ng suot.
03:20I'm sure mataas ang moral.
03:22So, sumula na ang laban.
03:23Kasama sa pumarada kagabi ang mga atletan ng Cambodia.
03:27Ang kapansin-pansin lang dito sa parada,
03:29yung delegasyon po ng Cambodia,
03:31yung pinaka-kaunti, ayan o, kung makikita po ninyo.
03:33Meron po kasing sigalot ngayon sa pagitan ng Thailand at ng Cambodia.
03:39At yung Cambodia, pinul-out nila yung kalahati ng kanilang mga atleta
03:44dito sa SEA Games na ginaganap sa Thailand.
03:47Pero kaninang umaga, lahat na ng atleta ng Cambodia ang pinul-out nila.
03:52Sa sulat na ipinadala ng hepe ng National Olympic Committee ng Cambodia,
03:55sinabi niya sa Southeast Asian Games Federation na
03:58iuuwi na nila ang lahat ng kanilang atleta
04:01dahil sa seryosong pagkabahala at sa hiling na rin ang pamilya ng mga atleta.
04:05Sa panig naman ng Pilipinas,
04:06sabi ng chairman ng Philippine Sports Commission,
04:08walang dapat ikabahala ang mga atleta nating kalahok sa SEA Games.
04:12I don't think we should be scared,
04:16and I don't think we should think about it.
04:18Ang isipin natin kung paano makakuha ng medalya,
04:21paano mag-enjoy dito sa Southeast Asian Games.
04:23Ilain sa highlights ng opening ceremony,
04:26ang drone show.
04:31Yes, Vicky, batay sa latest tally ng SEA Games,
04:37pang-pito ngayon ang Pilipinas sa ranking.
04:41Yung muna ang latest mula rito sa Bangkok, Thailand.
04:43Ako po si Jonathan Andal ng GMA Integrated News at ng POC Media.
04:48Nakatutok 24 oras.
04:51Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended