00:00Bagong taon na pero nakatinga pa rin sa mahigit 140 container
00:05ang maraming balikbayan box na ilang taon ang hindi natatanggap ng mga pinadalhan.
00:11Nakikipagtulungan na ang Bureau of Customs sa NBI
00:14para mapanagot ang mga kumpanyang mag-abandonan nito.
00:18Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Nalipasan na naman ng isang pasko ang libu-libong balikbayan box
00:26na inabandonan ng labing isang deconsolidator.
00:30Laman sila ng mahigit 140 container mula abroad, marami galing Middle East.
00:37Magkakaiba ang sukat, bigat at hugis na mga balikbayan boxes na ito.
00:41Pero iisa, ang hangad na mga tatanggap nito
00:44ang makuha na ang pinakaasam na balikbayan boxes sa lalong madaling panahon.
00:49Kaya naman target ng Bureau of Customs na maipamahagi na ito sa loob ng 60 araw.
00:54Hopefully within 60 days.
00:56Kaya lang, hindi rin natin sigurado pa yung bilis ng ating mga forwarders.
01:02Hindi na pasko, baka mapadali pa.
01:04Ang importante, maire-release na natin within the next few days yung additional 70 containers.
01:11Ayon sa Bureau of Customs, nirevoke na ang registration ng mga sangkot na kumpanya.
01:17Nakikipagtulungan na rin ang customs sa National Bureau of Investigation no NBI
01:20para makasuhan ang mga dapat managot sa mga napabayaang balikbayan box.
01:25Tinakasan rin ang mga deconsolidators ang mahigit 40 milyong pisong duties at buwis.
01:31Ang gusto natin dito, large-scale estafa.
01:34Dahil malaking pera yan, maraming nagsama-sama upang makuha lang yung bayad ng ating mga kababayan
01:42at hindi naman nila talaga dadalin.
01:44Kita nyo naman, abandon nga yan.
01:45Yung kanilang mga obligasyon, di nila ginawa.
01:48Nagsimula na ang case build-up ng NBI laban sa mga deconsolidator.
01:53Nakapagsubmit na po sila ng affidavits as soon as possible
01:56dahil ang paghihirap po ng ating mga kababayan ay nasagad na sa pag-iintay.
02:02Binigyan naman ng 30,000 pesos mula sa Presidential Action Fund
02:06ang mga nagpadala ng balikbayan box na hindi nakarating sa pinadalhan.
02:11Para hindi mabiktima,
02:12kinakailangang ibigay natin sa ating mga OFWs abroad,
02:16yung binabanggit kang gina ni Commissioner,
02:17ng mga lehitimong consolidators at mga lehitimong deconsolidators dito.
02:23Kaya po magkakaroon investigasyon para tanggalin natin sa sistema
02:26yung gumagawa ng masama.
02:29Para sa GMA Integrated News,
02:31Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
Comments