00:00Tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang kahandaan at kapabilidad para protektahan mula sa anumang banta ang Malampaya East 1,
00:07kung saan nadiskubre ang bagong Natural Gas Reservoir ng bansa.
00:12Si Patrick Deeso sa Sandro ng Balita.
00:16Sagana sa likas na yaman ang West Philippine Sea.
00:20At isa na sa patunay rito ang pagkakadiskubre ng karagdagang natural gas sa Malampaya East 1 na pinaniniwala ang aabot ng 98 billion cubic feet.
00:31Higit 80 kilometro ang distansya nito mula sa ilagang kanlura na bahagi ng Palawan.
00:37Gaya ng pagbabantay sa iba't ibang parte ng West Philippine Sea sa gitna ng mga insidente ng agresibong aksyon,
00:43Tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang kapabilidad para proteksyonan ang Malampaya East 1.
00:50Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad,
00:56subok na ito ng higit sa dekada ng pagbabantay ng Joint Task Force Malampaya sa ilalim ng AFP Western Command.
01:04Dagdag ni Philippine Navy Spokesperson Captain Marisa Martinez,
01:07Ang mga aset na nasa pangalagan ng Westcom ay may kapabilidad para sa naval, surface, air at special operations.
01:16Binigandiin ng Malacanang ang ginhawang mayahatid ng matagumpay na drilling exploration sa Malampaya East 1,
01:23limang kilometro ang layo mula sa kasalukuyang Malampaya Gas Field na inanunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:31Punto ng Palasyo, ang 98 billion cubic feet of natural gas sa Malampaya East 1 ay kayang magsupply ng kuryente sa milyon-milyong kabahayan at gusali sa loob ng isang taon.
01:44Makatutulong din ang bagong gas reserve upang mabawasan ang pag-angkat ng imported fuel at matiyak ang mas mura at mas malinis na enerhiya para sa sambayanan.
01:54Natagpuan din sa operasyon ng Condensate, isang high-value liquid fuel na magpapalakas pa sa power supply ng bansa.
02:02Pagbibigay diin ng Malacanang, bunsod na rin ito ng hakbang ng Pangulo na nakatoon sa pagtatrabaho at hindi sa politika.
02:10Lalo't naging posible ang makasaysayang pagtuklas matapos aprobahan ng Pangulo ang renewal ng Service Contract 38 noong 2023.
02:19Ang Malampaya East 1, ang kauna-unahang gas discovery sa Pilipinas matapos ang higit sa isang dekada.
02:27Ang Malampaya East 1 discovery ay maituturing na milestone sa phase 4 ng drilling project.
02:34Maipagmamalaki din ang bansa na Pilipino ang nanguna sa drilling o gas exploration at natapos ito ng walang aksidente o environmental incident.
02:44Dagdag enerhiya tungo sa progreso, tunengang tagumpay ng bawat bansa at bawat Pilipino ang bagong tuklas na gas reserve sa Malampaya.
02:56Hindi naging hadlang sa Pangulo ang mga nakaraang isyo ng korupsyon para pagsumikapan ang matagumbay na drilling exploration ngayon.
03:06Patrick De Sous para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments