00:00Hiniling ni dating Sen. Antonio Trellanes IV at ng isang grupo sa Office of the Ombudsman na imbisigahan na
00:06si Vice President Sara Duterte na inireklamo niya ng plunder at graft and corruption.
00:12Wala pang bagong pahayagang bisin na dati nang itinanggi
00:15na may mali sa paggasos ng confidential funds ng Office of the Vice President
00:19at Education Department noong siya'y kalihim pa nito.
00:23May unang balita si Maki Pulido.
00:24Sa inihahing reklamo sa ombudsman nila dating Sen. Antonio Trellanes IV
00:32at civil society group na The Silent Majority laban kay Vice President Sara Duterte
00:37inakusahan nila ang bisin ng plunder, malversation of public funds, graft and corruption,
00:44bribery and culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at other high crime.
00:50Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga ang Office of the Ombudsman
00:55at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
01:01Ayon sa reklamo, guilty raw si Duterte ng graft and corruption, bribery at plunder
01:06dahil sa diumanoy maanumalyang paggamit ng P650 million pesos
01:11na kabu ang halaga ng confidential funds noong kalihim pa ng DepEd at bilang Vice President.
01:17Naka-attach dito ang salaysay ni Ramil Madriaga,
01:20ang nagpakilalang dati umanong civilian intelligence agent ni Duterte
01:24at nang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:27at nagsabing naghatid umano siya ng pera mula sa confidential funds
01:31sa ilang individual sa utos ng vice.
01:35Nilustay din umano ni Duterte ang higit 2.7 billion pesos
01:39na confidential funds noong mayor siya ng Davao City.
01:42Lumo-buraw ang halagang ito mula 2010 hanggang 2022.
01:48Nung kalihim din daw si Duterte ng DepEd,
01:5112 billion pesos ang inisuhan ng Commission on Audit ng Notice of Disallowance
01:56dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng pondo.
02:00Maliban dyan, bilang kalihim,
02:02halos 7 billion pesos ang diumanoy unliquidated cash advances
02:06o hindi naipaliwanag na gastos ng ahensya.
02:09Kung may hindi maipaliwanag na gastos,
02:12ayon sa mga complainants,
02:13may higit 15 billion pesos din na pondo ang DepEd
02:17na hindi nagamit sa halip na naipatupad ang iba't ibang proyekto.
02:21Sinita pa raw ng COA ang hindi nagamit na pondong
02:24sanay na ipampatayo o pinangrepair ng mga classroom.
02:28Dahil dyan, ayon daw sa COA,
02:30192 classrooms lang daw ang naipatayo ng DepEd
02:33samantalang 6,000 target
02:35at 208 classrooms lang ang na-repair sa target na higit 7,000.
02:418 billion pesos din umano ang halaga ng overpriced na laptop
02:45nung kalihim si Duterte ng DepEd.
02:47Sabi ng mga complainant,
02:49guilty rin si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution.
02:54Ayon sa reklamo,
02:55may hindi raw maipaliwanag na kayamanan si Duterte.
02:58May 2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte
03:03kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte
03:07at asawang si Atty. Manassez Carpio.
03:11Ang mga bank deposit na ito at ibang ari-arian,
03:14hindi rin daw idineklara ni Duterte sa kanyang call-end.
03:17Pagka binuksan yung bank accounts
03:19or galing man lang dun sa mga flag transactions ng AMLOC,
03:26eto na, hindi na nila maitatanggi.
03:28Tumanggap din umano si Vice President Duterte
03:31at kanyang mga kaanak ng Suhol
03:33mula sa isang drug lord nung mayor siya ng Davao City.
03:36Ayon pa sa inihaing reklamo,
03:38guilty si Duterte ng betrayal of public trust at other high crimes.
03:42Isang basihan umano rito ay nang pagbantaan niya
03:45ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:48Pinapakita ng complaint na ito na una,
03:52ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte
03:57ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
04:03Nagsimula yung nakawan nung mayor pa lang siya.
04:06Sana naman daw, sabi ni Trillanes,
04:08aksyonan na ng ombudsman ang reklamo laban kay Duterte.
04:11Nauna pa raw sampahan ng ombudsman sa Sandigan Bayan
04:14si dating Sen. Bongribilla
04:16samantalang noong nakaraang taon pa may nakahain ng reklamo
04:19laban kay Duterte.
04:21Last year pa ito sa Quadcom, hindi pa umuusad.
04:25Itong kay Sen. Bongribilla, linggo lang ang binilang,
04:3090 million ang halaga.
04:32Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte.
04:36Sinubukan din namin kumuha ng pahayag ng Office of the Vice President
04:39pero wala pa silang tugon.
04:41Pero dati nang sinabi ni Duterte na wala siyang personal relationship kay Madriaga,
04:46hindi rin daw siya nagbigay ng anumang utos dito
04:48at hindi daw niya ito nakausap kailanman.
04:51Dati na rin niyang itinanggi na may mali sa paggastos
04:54ng Office of the Vice President at DepEd sa confidential funds.
04:58Ito ang unang balita, Mackie Pulido para sa GMA Integrated News.
05:04Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
05:07Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.