Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Dala ang kahong-kahong dokumento ni dating Sen. Antonio Trillanas IV sa pagkahain ng reklamong plunder o pandarambong sa Office of the Ombudsman.
00:42Laban yan, kinadating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go at sa ama at kapatid ng Senador para sa halos 7 milyong pisong infrastructure projects na napunta umano sa CLTG Builders at Alfrego Builders ng mga Go.
00:57Tatay at kapatid, binigyan mo ng bilyon-bilyon na kontrata. While you were in power, covered nila yun.
01:04Alam naman natin na magkadugtong ang bituka ni Bong Go at Duterte kaya hindi niya pwedeng ipagkaila na hindi na-influensyahan ito.
01:14Si Bong Go. Kasi siya yung central figure dun sa tatay at kapatid tapos yung kanyang relationship with Duterte enabled this.
01:29Aligasyon ni Trillanes, nasa dalawang daang proyekto umano ang nakuha ng mga kaanak ni Go.
01:34Mula nang maging mayor si Duterte noong 2008 hanggang sa maging presidente ito.
01:39Karamihan umano ay nasa Davao Region at Davao City.
01:43May flood control, may road widening, lahat-lahat.
01:50At ito nga ang assumption natin dito kahit na kompleto o nagawa yung proyekto pero yung offense niya is hindi dapat sa tatay at kapatid ang nag-beneficio.
02:01Ang nakalagay sa ating batas up to fourth degree of consanguinity and affinity pero ito first degree ito, tatay ito at kapatid.
02:13Gate ni Trillanes, kulang sa puhunan ng CLTG at Alfrego Builders pero gumawa ng paraan para makakuha ng malalaking proyekto sa pakikisosyo sa mag-asawang Curly at Sara Descaya.
02:27P816 million pesos umano ang halaga ng mga proyektong napunta sa joint venture ng mga Go at ng mga Discaya.
02:36Undercapitalized ito, hindi sila pwedeng magkaroon ng mga proyekto ng mga daang-daang milyon.
02:42So ang ginawa nila, nagsisircumvent sila ng ating batas by having joint ventures with yung may mga AAA licenses.
02:53Pinabulaanan ni Senador Go ang mga aligasyon.
02:57Lahat naman tayo may negosyo yung mga pamilya natin. Lahat ng pamilya may negosyo.
03:04But hindi po ako nakikialam dyan. Nakialam ba ako? Hindi. Nakinabang ba ako? Hindi.
03:12Binigyan ko ba ng pabor ang aking pamilya? Hindi.
03:16Ayon kay Go, haharapin niya ang reklamo at handa rin kasuhan ang sariling kadugo kung nagkamali sila.
03:23Meron naman pong koa na pwede naman pong tumingin kung meron bang pagkukulang o meron bang irregularities dito sa mga proyektong ito.
03:35Kasuhan niyo po.
03:36Kaya sabi ko nga ako pa mismo, willing po akong kasuhan kahit kapamilya ko. Kahit sino pa yan.
03:41Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulia na ihain na noon sa Department of Justice ang reklamong ito.
03:49Pero agad ro'y pinadala sa Office of the Ombudsman ang Prosecutor General noon na si Benedicto Malcontento
03:55na hindi dumaan sa Justice Secretary na noon ay si Ombudsman Remulia.
04:01Itong kasong ito ay pag-aaralan pa. Hindi ko nga, hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang mga papel na ito noong panahon na yun.
04:10Nagdadan niya sa evaluation, fact finding at preliminary investigation.
04:15Dagdag pa ni Ombudsman Remulia, maaaring makatulong ang reklamong ito sa gumugulong ng investigasyon nila ng DPWH, sa CLTG at sa mga diskaya.
04:25Binibigyan kami niyan ng hudyat kung saan kami dapat tumingin. Mas hindi nga, interesado kami diyan.
04:35Pero kung nandiyan na ang dokumento at meron na siyang mga project number, mga identifying marks, mas madali na namin mahahanap yan sa DPWH.
04:44Ito ang unang balita sa Lima na Fran para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment