Skip to playerSkip to main content
Bagaman maraming grade levels na naghahabol sa edukasyon, may nabanaag na pag-asa sa mga grade 2 ang Second Congressional Commission in Education.
Kung bakit, alamin sa pagtutok ni Raffy Tima.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bagaman maraming grade levels na nagkakabor sa edukasyon, may nabanaag na pag-asa sa mga grade 2 ang 2nd Congressional Commission on Education.
00:10Kung bakit, alamin sa pagtutok ni Rafi Tima.
00:17Nakapanlulumo ang ilang resulta ng pag-aaral ng 2nd Congressional Commission on Education o EDCOM 2.
00:22Paliit ng paliit ang porsyento ng mga estudyanting proficient o natatapatan ang dapat matutunan sa kada grade level.
00:30Pero may pag-aasang naoobserbahan particular sa mga grade 2 students sa bansa.
00:37Silang nakinabang sa halos dalawang taon ng reforma sa edukasyon.
00:40Sa 70 eskwalahan kasi mula sa 7 region, malaki ang learning gains ng mga estudyante sa reading, mathematics at values education.
00:48Ayon sa EDCOM 2, may ambag dito ang pagbabawa sa dami ng mga kailangang ituro sa mga bata.
00:53Mula grades 1 to grade 3, talagang from 12,000 competencies previously.
00:57Previously, si teacher nagkakandarapa araw-araw, talon ng talon ng lesson kasi sa dami ng kailangang ituro, na ibaba siya to 4,000.
01:07Malaking bagay din anya ang summer remediation program para makahabol ang mga estudyante sa mga araliin bago tumuntong sa susunod na grade level.
01:14In normal circumstances, isang taon nila bago matutunan, sa dalawampung araw na yun, natutukan nila.
01:2196% umakyat ng at least isang baitang sa pagbabasa.
01:25Pero malayo pa ang lalakbayin para mabawi ang deka-dekada ng paglala ng kalidad ng edukasyon.
01:31Hindi nakatutulong ang limampung araw na class suspension dahil sa samanang panahon.
01:35So kung 180 minus 50, talagang napakalaki ang nawawala. Iba pa dyan yung celebrations or school celebrations.
01:43Para lalong matutukan ng pagtuturo, recommendation din ng EDCOM 2 na bawasan ang mga administratibong gawain ng mga guru tulad ng reports.
01:50Kailangan ding bumili ng mga textbook na napabayaan sa nakarang sampung taon.
01:55Mga problemang ito, ramdam ng mga nakausap kong grade 12 students.
01:58Siguro sa process po kaya po nagtatagal. Masyado pong mahahaba.
02:02Kaya nawawalan din po sila ng times sa pagtuturo sa amin. Yung iba lang po naman po.
02:07Marami po kong nai-encounter nun noong grade 11 and 12.
02:11Nahirapan po sila mag-catch up sa simpleng pagkakomprehend lang po ng mga sentence po.
02:18Ang mga rekomendasyon at ibang resulta ng pag-aaral ng EDCOM 2 ay re-report sa Kongreso at sa Pangulo sa mga susunod na linggo.
02:25Pero walaan nila itong saisay kung hindi tuloy-tuloy na maipatutupad.
02:29Pag nag-change in leadership, palit ng mga tao sa isang ahensya, lahat ng mga paggalaw ng papeles, procurement, apektado din.
02:37Ayon sa DepEd, kinikilala nila ang mga problem ang ipinunto ng EDCOM 2.
02:41Kaya sinimulan nila agad ang pagpapatupad ng revised K-10 framework.
02:44Bukod sa 289% increase sa pagbili ng textbook,
02:48nag-hire na ang DepEd ng mahigit 27,000 na bagong guro at nagbukas ng bagong admin positions.
02:54Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
02:58Outro
Comments

Recommended