Skip to playerSkip to main content
Dahil pa rin sa masamang panahon, binaha at nagkaroon ng mga pagguho sa iba't ibang probinsya sa bansa.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil pa rin sa masamang panahon, binaha at nagkaroon ng mga paguho sa iba't ibang probinsya sa mansa, nakatutok si Salima, Refran.
00:19Walang tigil ang ragasa ng kulay putik na baha sa barangay Haibanga sa Lobo, Batangas nitong Lunes ng hapon.
00:26Halos lamuni nga rin ang tubig ang mga kalsada. Ang matinding pagbaha resulta ng pag-apaw ng ilog dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.
00:35Nalubog din sa bahang ilang bahagi ng Purok Trestiwi sa Kapalonga, Kamarines Norte.
00:41Sa Kalayan, Kagayan, bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng pabugso-bugsong hangin.
00:46Nabanglot naman ang putik at mga bato ang kalsadang ito sa bayan ng Uyugan sa Batanes matapos magkamadflow.
00:53May mga nagbagsakan ding bato na humambalang sa kalsada sa bayan ng Mahataw.
00:58Halos ganito rin ang sitwasyon sa bahaging yan ng Dingalan Aurora.
01:03Pansamantalang dinadaanan ang ilang kalsada dahil sa gumuhong putik at mga bato.
01:09May gumuhong rin lupa sa bahaging ito ng Barlig Mountain Province.
01:14Sa Baybay City Leyte naman, lumikas mula sa kanilang dorm ang daang-daang estudyante ng Visayas State University.
01:22Pinasok kasi ng baha ang kanilang paaralan kagabi.
01:24May mga dormitories po kasi ma'am na malapit sa bundok.
01:29Tapos since malakas yung ulan, yung collected water po is umabot na po doon sa tinutuluyan ng ating mga estudyante.
01:40Kaninang umaga ay nakabalik na sa dorm ang mga apektadong estudyante.
01:44Kinansala rin muna ang face-to-face classes ngayong araw.
01:47Binahari ng ilang bahagi ng Negros Occidental.
01:51May ilang barangay sa Kabangkalan City na abot-bewang ang tubig at meron din kinailangang ilikas gamit ang rescue boat.
01:59Sa bayan ng ilog, stranded ang ilang motorista.
02:02Pansamantala rin isinara ang kalsadang ito sa Sipalay City dahil sa pagguho.
02:07Nagmistulang malawak na ilog naman ang paligid ng Barangay Tapian sa Dato Odinsensuat, Maguindanao del Norte.
02:14Binayo ng malakas na hangin ng barangay poblasyon sa Matalam, Cotabato.
02:19Nilipad ang bubong at wasak ang dingding ng ilang bahay.
02:22Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa iba't ibang panig ng bansa ay dulot ng low pressure area at habagat.
02:30Para sa GMA Integrated News, Salimara Fran, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended