Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
PBBM, ipinagmalaki at kinilala ang pagsisikap ng mga atletang Pilipino na nagpakita ng husay sa 33rd SEA Games

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagpahayag ng papuri at pagkilala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga atletang Pilipino
00:05na nagpakita ng husay at determinasyon sa 33rd SEA Games.
00:10Kasabay nito ang muling pagtitiyak ng pamahalaan sa pagpapalakas ng sports development
00:14at patuloy na suporta sa manalarong Pinoy.
00:18Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:21Mabuhay ang atletang Pilipino. Mabuhay ang bagong Pilipino.
00:27Taas noong ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga atletang Pilipino
00:32na nagpakita ng husay sa katatapos lamang na 33rd SEA Games sa Thailand.
00:37Sa homecoming celebration ng mga atleta, kinilala ng Pangulo ang mga pagsisikap na mga manlalaro
00:42at ipinunto kung ano ang posibleng makamit kapag isinama ang disiplina at commitment sa passion.
00:47Ang disiplina ay hindi lamang susi sa panalo sa loob ng arena.
00:52Ito ay umuhubog sa ating pagkatao.
00:54Ang mamuhay ng may layunin, magsikap ng may kahulugan at mangarap ng mga malinaw na direksyon.
01:05At sa tuwing pinipili natin kumilos ng may disiplina,
01:08sama-sama natin pinubuo ang isang bansa na hindi sumusuko.
01:14Isang bansa patuloy na umaangat, nagpupunyagi at umuunlan.
01:19At para bigyang pugay ang mga manlalaro, nagbigay ng insentibo ang Pangulo para sa mga nakasungkit ng medalya.
01:25Para sa gold medalists, magbibigay ang OP ng 300,000 pesos, 150,000 pesos naman para sa silver medalists at 60,000 pesos sa bronze medalists.
01:36Alinsunod sa Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
01:43Ganitong halaga rin ang matatanggap ng mga medalists mula sa Philippine Sports Commission sa tulong ng pagkor.
01:50Batid natin walang katumbas na halaga ang inyong sakripisyo.
01:55Ngunit, tanggapin ninyo ito bilang simbolo ng pagpupugay at pasasalamat ng mamamayang Pilipino sa inyong kabayanihan.
02:04Magbibigay din ang tanggapan ng Pangulo ng 10,000 pesos sa mga nanalo naman sa ibang sporting events.
02:11Sobrang laging po tulong po yun sa amin na bibigyan po kami ng incentives.
02:15Lalong-lalo na po kami po nakakatulong din po kami sa pamilya namin.
02:23Nakakabigay kami ng inspirasyon sa ibang atleta, sa mga kabataan na nag-inspire sa amin.
02:30We really tried to make the best out of the situation despite all the hurdles that we overcame.
02:37It was a lot but we're just very happy that in the end it was all worth it when we got the gold.
02:42Kinilala din ng Pangulo ang mga atletang Pinoy na gumuhit na ng kasaysayan sa mundo ng sports.
02:48Gaya ni Alex Ayala na nakasungkit ng ginto sa women's singles tennis,
02:52nakauna-unahang Pilipinang nakakuha nito sa nakalipas na 26 na taon.
02:56Gayun din si Paul Volter E.J. Obiana na gintong medalya rin ang nasungkit sa ikaapat na pagkakataong pagsali sa SEA Games.
03:04Pinuri rin ang Pangulo ang Philippine Women's National Football Team na nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya
03:10patapos maisama ang women's football sa SEA Games sa unang pagkakataon.
03:14Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang pagpapatibay pa ng sports development sa bansa
03:19at walang patid na pagsuporta sa Filipino athletes.
03:22Pinapalawak natin ang grassroots and youth sports program,
03:28dinadagdagan natin ang mga kinakailangang pasilidad
03:31at mas pinapalakas pa natin ang suporta sa mga atletang lumalahok sa pandaigdigang entablado.
03:40Ginagawa natin ang lahat ng ito upang hubugin ang mga susunod na henerasyon na atletang Pilipino.
03:47Mga kabataang, may pangarap, may paniniwala sa sarili at handang lumaban sa ngalan ng ating bandila.
03:55Pumang-anim sa overall standings ang Team Philippines sa 33rd Southeast Asian Games
04:00matapos makapagtala ng 50 gold, 73 silver at 154 bronze sa iba't-ibang sporting events.
04:07Kenneth Pasyente
04:09Para sa Pambansang TV
04:11Sa Bagong Pilipinas
Comments

Recommended