00:00Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na walang sapat na basihan na may korupsyon sa kanilang hanay.
00:06Kasunod ng ilang findings ng Commission on Audit patungkol sa paggamit ng pondo.
00:11Yan ang ulat ni Patrick Jesus.
00:15Ilang corrective measures na ang ipinatupad ng Armed Forces of the Philippines.
00:20Kaugnay ng kanilang 201.8 million pesos na unliquidated cash advances
00:25base sa naging findings ng Commission on Audit.
00:28Ayon sa AFP, pansamantalang itinigil ang sahod ng kanilang mga kawani na may pananagutan.
00:34Gayon din ang pagkapataw ng demand letter at pagsasagawa ng legal at administratibong hakbang.
00:40Kinikilala naman ng AFP ang COA findings kasabay ng pagiin sa pagpapanatigin ng transparency at tamang paggamit ng pondo.
00:48Itong mga efforts na ito are also underway and tinatrack natin itong mga accountable officers na involved dito
00:54especially itong mga wala na sa servisyo sa ngayon.
00:58Yung iba kasi dito nag-retire na.
01:01And we intend to recover itong mga public funds in full compliance with the COA directives.
01:08Isa pa sa pinuna ng COA ang aabot sa 72.8 million pesos na hindi autorisadong bank accounts.
01:16Sabi ng AFP, ipinasara na nila ang mga tinukoy na account kabilang ang PCSO Endowment Fund sa ilalim ng AFP Medical Center
01:25at dalawa mula sa Presidential Security Command habang sinusunod na rin ng Eastern Mindanao Command ang mga proseso para rito.
01:32Yung mga reports na ito did not establish any loss, misuse or diversion of funds.
01:38Yung accounts that were cited were for the welfare and medical related and all the funds were used for their intended purposes.
01:48Yung issue that was raised was procedural.
01:51Hence, our immediate action to close accounts and align mechanisms with regulatory requirements.
01:57Sa kabila nito, nilinaw ng AFP na ang findings ng COA ay hindi nangangahulugang mayroon ng korupsyon.
02:05Ngunit handa silang papanagutin ang mga mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan hinggil sa pondo.
02:11Ito are procedural in nature.
02:14So kung kailangan i-correct, itong sandataang lakas ng Pilipinas, of course we take this as somewhat like a constructive criticism of sorts.
02:21And kailangan ayusin natin yung sistema.
02:23Hindi ibig sabihin na may katiwalian, but kung meron man kailangang i-align para maging tama yung proseso, gagawin yun ng sandataang lakas ng Pilipinas.
Comments