PBBM, binigyang-pagkilala ang mga atletang Pilipino na sumabak sa 33rd SEA Games; Pangulo, may handog din na insentibo sa mga atleta | ulat ni Kenneth Paciente
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm
00:00Sa ibang balita, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. binigang parangal ang mga atletang Pilipino na sumabak sa 2025 SEA Games.
00:09Pangulo hindi lang pagkilala yung binigay, kundi maging insentibo.
00:14Si Kenneth Pasyente sa sentro ng balita.
00:18Mabuhay ang atletang Pilipino. Mabuhay ang bagong Pilipinas.
00:24Taas noong ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga atletang Pilipino na nagpakita ng husay sa katatapos lamang na 33rd SEA Games sa Thailand.
00:34Sa homecoming celebration ng mga atleta, kinilala ng Pangulo ang mga pagsisikap na mga manlalaro at ipinunto kung ano ang pusibleng makamit kapag isinama ang disiplina at commitment sa passion.
00:44Ang disiplina ay hindi lamang susi sa panalo sa loob ng arena. Ito ay umuhubog sa ating pagkatao.
00:51Ang mamuhay ng may lahayunin, magsikap ng may kahulugan at mangarap ng mga malinaw na direksyon.
01:02At sa tuwing pinipili natin kumilos ng may disiplina, sama-sama natin binubuo ang isang bansa na hindi sumusuko.
01:11Isang bansa patuloy na umaangat, nagpupunyagi at umuunlad.
01:16At para bigyang pugay ang mga manlalaro, nagbigay ng insentibo ang Pangulo para sa mga nakasungkit ng medalya.
01:23Para sa gold medalists, magbibigay ang OP ng 300,000 pesos, 150,000 pesos naman para sa silver medalists, at 60,000 pesos sa bronze medalists.
01:34Alinsunod sa Republic Act No. 10699 o ang National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
01:40Ganitong halaga rin ang matatanggap ng mga medalists mula sa Philippine Sports Commission sa tulong ng PAGCOR.
01:47Batid natin walang katumbas na halaga ang inyong sakripisyo.
01:52Ngunit, tanggapin ninyo ito bilang simbolo ng pagpupugay at pasasalamat ng mamamayang Pilipino sa inyong kabayanihan.
02:01Magbibigay din ang tanggapan ng Pangulo ng 10,000 pesos sa mga nanalo naman sa ibang sporting events.
02:08Sobrang laging po tulong po yun sa amin na bibigyan po kami ng incentives.
02:13Lalong-lalo na po kami po nakakatulong din po kami sa pamilya namin.
02:20Nakakapagbigay kami ng inspirasyon sa ibang atleta, sa mga kabataan na nag-inspire sa amin.
02:27We really tried to make the best out of the situation despite all the hurdles that we overcame.
02:34It was a lot but you know we're just very happy that in the end it was all worth it when we got the goal.
02:39Kinilala din ng Pangulo ang mga atletang Pinoy na gumuhit na ng kasaysayan sa mundo ng sports.
02:45Gaya ni Alex Ayala na nakasungkit ng ginto sa women's singles tennis,
02:49nakauna-unahang Pilipinang nakakuha nito sa nakalipas na 26 na taon.
02:53Gayun din si Paul Volter E.J. Obiana na gintong medalya rin ang nasungkit sa ikaapat na pagkakataong pagsali sa SEA Games.
03:01Pinuri rin ng Pangulo ang Philippine Women's National Football Team na nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya
03:07patapos maisama ang women's football sa SEA Games sa unang pagkakataon.
03:11Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo ang pagpapatibay pa ng sports development sa bansa
03:16at walang patid na pagsuporta sa Filipino athletes.
03:19Pinapalawak natin ang grassroots and youth sports program,
03:25dinadagdagan natin ang mga kinakailangang pasilidad,
03:29at mas pinapalakas pa natin ang suporta sa mga atletang lumalahok sa pandaidigang entablado.
03:37Ginagawa natin ang lahat ng ito upang hubugin ang mga susunod na henerasyon na atletang Pilipinong.
03:44Mga kabataang, may pangarap, may paniniwala sa sarili at handang lumaban sa ngalan ng ating bandila.
03:52Pumang-anim sa overall standings ang Team Philippines sa 33rd Southeast Asian Games
03:57matapos makapagtala ng 50 gold, 73 silver at 154 bronze sa iba't-ibang sporting events.
Comments