00:00Dole, paigtingin pa ang mga programang magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
00:04Samatala mga foreign national na nagtatrabaho sa mga pinasarang Pogo Hub na ipadeport na.
00:10May reports, Floyd Brands.
00:15Palalakasin ng Department of Labor and Employment ang kanilang mga programa na maghahatid ng trabaho sa ating mga Pilipino.
00:22Yan ay kasunod ng pagtaas ng employment rate sa Pilipinas na pumalo sa 96.1% noong Mayo.
00:29Target din ng Labor Department na malampasan pa ang naitalang mahigit 50 milyong labor force participation sa bansa.
00:37Alinsunod na rin sa kanilang Philippine Development Plan.
00:40Umabot na sa halos 4,000 foreign nationals na na-report ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOK
00:47matapos na nagtatrabaho sa mga sinalakay at naipasarang Pogo Hub.
00:52Sa programang Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni Undersecretary Gilbert Cruz na maliliit na Pogo Hub na lang ang nag-ooperate sa bansa.
01:01$250 million ang planong ilaang pondo para sa bagong infrastructure projects para sa aquaculture.
01:07Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalaga pa rin ang pagpapatupad ng closed fishing season para may panahong magparami ng mga isda.
01:16Samantala, tumaas na man ang fish production sa Ilocos Region ngayong taon na nakapagtala ng mahigit 26,800 metric tons aquaculture production sa unang quarter ng taon.
01:27Mas mataas ito ng 3,000 metricong tonelada kumpara nung nakaraang taon.
01:31Floyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.