Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakatanggap ang Food and Drug Administration o FDA ng mga ulat ng epekto sa kalusugan
00:05kaugnay sa pinarecall ng mga batch ng infant formula product ng isang kumpanya.
00:11Nakatutok si Athena Imperial.
00:15As of January 15, nakatanggap ang Food and Drug Administration ng 25 ulat kaugnay
00:22sa mga pinarecall ng mga batch ng infant formula products ng Nestle Philippines
00:27na Nan OptiPro at Nan Kid OptiPro.
00:31Sa labing walong ito, may health concerns na napansin sa mga batang nakainom na mga naturang infant formula.
00:37Kabilang sa mga sintomas ay pagsusuka, pagdudumi, pananakit ng tiyan at ibang kondisyon.
00:44Ilan dito, nangangailangan ng atensyong medikal.
00:48Sabi ng FDA, nire-review nila ang bawat report at kinokoordinate din sa mga kinauukulang ahensya.
00:54Nakikipag-ugnayan din sila sa Nestle Philippines Incorporated
00:58na inatasang regular na mag-ulat kaugnay sa ipinatupad na voluntary recall ng mga produkto.
01:04Bukod sa pagbabantay sa kalagayan ng mga bata,
01:07hinikayat din ng FDA ang publiko na iulat sa kanila ang mga insidente kaugnay nito.
01:13Noong January 9, inanunsyo ng Nestle Philippines ang voluntary precautionary recall
01:19ng ilang batch ng NAN OptiPro at NAN Kid OptiPro
01:23dahil may nadetect na posibleng issue sa kalidad ng isang ingredient mula sa kanilang leading supplier.
01:30Ayon sa website ng Nestle Global,
01:32nagpatupad sila ng recall ng mga batch ng kanilang mga infant formula
01:36sa mahigit 60 bansa at territories na karamihan ay nasa Europa.
01:41Sa bagong pahayag ng Nestle Philippines,
01:45sinabi nilang nakikipag-ugnayan sila sa FDA
01:47ukol sa mga naiulat na sintomas na posibleng may kinalaman sa mga ni-recall na batch
01:53ng kanilang mga produkto.
01:55Naiintindihan daw nila ang concern ng mga magulang
01:58at prioridad daw nilang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magbigay ng tulong.
02:05Sinimulanan nila ang voluntary recall bilang pag-iingat
02:08matapos nilang ma-detect ang mababang level ng hindi nila tinukoy na substance
02:13sa isang ingredient mula sa global supplier.
02:17Paglilinaw rin ang Nestle,
02:18walang itinakdang food safety thresholds ang health authorities
02:21kaugnay ng naturang substance.
02:24Wala pa rin anilang malinaw na datos na nag-uugnay sa epekto nito sa kalusugat.
02:29Sa kabilaan nila ng kawala ng safety at regulatory limits,
02:33nag-desisyon silang magsagawa ng voluntary recall.
02:36Patuloy raw silang nakikipagtulungan sa FDA
02:39at nagbibigay ng mga kailangang update
02:42para masigurong nasusuri ang lahat ng report.
02:46Para sa GMA Integrated News,
02:48Athena Imperial nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended