Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasagip ang isang OFW sa Hong Kong na nakitang sinasaktan ng kanyang employer.
00:05Ang nahulikam na insidente sa pagtutok ni Jonathan Nandaan.
00:14Sa video na ito na viral online, napahiyaw na lang sa gulat ang Pinoy na ito sa Hong Kong
00:20nang biglang hilahin ang babaeng nakabistida ang buhok ng kausap nitong babae.
00:25Ang biktima, isang OFW sa Hong Kong.
00:28Mabuti na lang dito yung mga pulis talaga is ang bilis ng response.
00:34Tumawag kasi si kabayan.
00:36Agad dumating ang mga pulis at kinausap ang OFW.
00:40Ang sabi ng ating kababayan is lagi siyang sinasaktan kahit sa bahay.
00:45So mabuti na sa labas sila at nang sinasaktan na siya, nakatawag siya ng pulis.
00:50Hindi muna pinangalanan ng OWA ang OFW na ayon kay Hong Kong Labor Atas siya,
00:54Atty. Cesar Chavez ay taga Bulacan.
00:56Nakalabas na ng ospital ang OFW at tumutuloy muna ngayon sa temporary shelter ng Migrant Workers Office doon.
01:02Sabi ni OWA Administrator Patricia Yvonne Kaunan,
01:05Bine-beripikan na nila ang impormasyon na ang nanakit sa OFW ay ang alaga nitong mayroon umanong mental health condition.
01:13Sabi ni Kaunan, hawak na ng Hong Kong pulis ang kaso.
01:16May abogado ng tumutulong sa OFW para masampahan ng reklamo ang employer.
01:20Of course, there's physical assault, but we're also looking at physical abuse also is a ground for breach of contract under naman the labor laws of Hong Kong.
01:30Aalamin pa raw ng OWA sa OFW kung gusto ba niyang umuwi ng Pilipinas o patuloy na magtrabaho sa Hong Kong.
01:37Panawagan din sa ating mga kababayan na pag may ganitong nangyari sa kanila,
01:44nandito ang Philippine government, nandito ang OWA para tumulong sa kanila.
01:48Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
01:53Arestado ang isang tricycle driver na nanghablot ng cellphone sa Quezon City.
01:58Na-recover din sa suspect ang isang improvised na baril.
02:02Nakatutok si Bea Pinlak.
02:12Hindi ka agad nabuksan ang babaeng ito ang cellphone na ninakaw kumano sa kanya ng lalaki na yan.
02:18Ang lumalabas sa phone, naka-disable dahil sa sunod-sunod na maling na input na password.
02:24Ayon sa pulisya, gamit ng biktima ang phone niya nang mahablot ito sa labas ng isang kainan sa barangay Sacred Heart, Quezon City, Biernes ng hapon.
02:33May katsyat to.
02:36Bigla nga dumating itong suspect at walang sabi-sabi.
02:42Hinabot yung cellphone niya.
02:44Pero nang tumakbo ang suspect papunta sa motor na pantakas nila ng umanoy kasabot niya.
02:50Hindi na malaya ng suspect.
02:51Ang pagtakbo niya, nalaglag nito yung ID niya.
02:55Then napulot ito ng biktima.
02:58Nakatulong din sa imbistigasyon ang app ng biktima na nakakapag-track sa phone niya at ibang mga device.
03:04Na-aresto ang 35-anyos na suspect na isang tricycle driver.
03:08Pero ma'am, ito ba yung suspect?
03:10Ito talaga yung mabot?
03:11Turo ma'am, toro ma'am.
03:12Turo ma'am, pakituro niyo ka ma'am.
03:14Na-recover sa suspect ang phone ng biktima at isang improvised na baril.
03:19Tinuro ng suspect kung nasa nang umanoy kasabot niya.
03:22Pero...
03:23Nakatunog to.
03:24Pati yung motor na ginamit, wala.
03:26Identify na natin din yung kasabot niya.
03:29Patuloy pa itong tinutugis.
03:31Ang aristadong suspect, dati nang nakulong dahil sa robbery at illegal possession of firearms at dangerous drugs.
03:39Aminado siya sa pagnanakaw.
03:41Ginulang ma'am.
03:41Kasi po ma'am, nasira yung motor kong nabayayay ma'am eh.
03:45Wala na ma'am, nangyari na ma'am.
03:46Di ka na po may babalik yung nangyari ma'am eh.
03:49Pero itinanggi niya na sa kanya ang baril.
03:52Sinampahan na siya ng reklamong theft at illegal possession of firearms.
03:56Para sa GMA Integrated News,
03:59Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
04:06Literal na makulay ang buhay ng isang orange na sea seal na naging instant pet hanggang sa ito'y maging manok.
04:12Ang mga cute pets na yan sa report ni Mav Gonzales.
04:18Meet Mocha, ang literal na orange chick na alaga ni MJ.
04:23Inakala nga raw ng mga magulang ni MJ na isang linggo lang ang buhay ni Mocha.
04:28Pero kalaunan, unti-unting lumabas ang tunay nitong kulay.
04:32Raised in a stress-free environment.
04:34Dahil si Mocha, hindi rin nakaranas ng isang kahig, isang tukang pamumuhay.
04:38Bawal, yan lulutuin.
04:41Pet lang yan. Pag pet, hindi lulutuin.
04:44First time po namin mag-alaga din ng manok.
04:47May mga traits pala sila na parang katulad sa aso na malambing, na gusto niya lagi din nakadikit sa'yo.
04:55Pero ang extraordinary pet nila na bistong hindi pala nanging itlog.
05:00Nakala po namin noong una, babae po, meron pong aming mahukuhang itlog.
05:06Tapos yun po, nagulat na lang kami. Nagkapalong na po siya.
05:10Tapos tumitilaok na po.
05:14Sa bahay naman ng fur mom na si Joanne, tila may kumakatok.
05:18Tao po, este, aso po.
05:21Ang bisita, ang alaga niyang si Luna na hindi na kailangan pagbuksan.
05:25Nakakapagbukas na nga ng git, aba, nagyaya pa ng bisita.
05:28Sa Camarines Norte naman, may chill na chill na mga kuting.
05:34Tila ginawang higaan ang likod ng kanilang amo na si JP.
05:38Perfect companion habang nagmo-movie marathon.
05:41Ang kanyang miau-y buddies, dagdag na member sa kanilang fur fam na talagang mababait raw at malambing.
05:47Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Oras.
05:54Literal na nauga si DPWH Sekretary Vince Dizon
05:58habang iniinspeksyon ng isang tulay sa Camarines Sur.
06:02Oh my gosh!
06:06Tiglang yumanig ang Mauka Bridge
06:07nang dumaan ang isang malaking truck na may kargang bakal papuntang Bicol.
06:11Ipinag-utos naman niya kaagad na pag-aralan at ipaayos ang tulay para maiwasan ang posibleng aksidente.
06:21Nilinaw ng Miralco Power Gen Corporation na hindi ang Solar Philippines New Energy Corporation
06:26na binili nila kay Congressman Leandro Leviste
06:29ang pinagmumulta ng Energy Department para sa mga na-terminate na kontrata ng Solar Philippines.
06:35Nakatutok si Jonathan Andal.
06:37Sa isang pahayag, nilinaw ng Miralco Power Gen Corporation o MGen
06:44ang power generation arm ng Miralco
06:46na hindi ang SPNEC na binili nila kay Leviste
06:49ang pinagmumulta ng DOE
06:51para sa mga na-terminate na kontrata ng Solar Philippines.
06:55Sa 12,000 MW daw na halaga ng kontrata na kinansila ng DOE,
06:59isa lang ang sa SPNEC,
07:01ang 280 MW Santa Rosa Project.
07:04Ang dating namamahala raw sa proyektong itong nag-offer at nabigyan ng award
07:08para sa 280 MW sa Green Energy Auction Program ng DOE.
07:12Nagahay na raw ito ng Notice of Force Majure noong nakaraang taon
07:15at sinabing hindi na nila makukumpleto ang proyekto sa target na December 2025.
07:20Gate ng Miralco Power Gen o MGen,
07:22maganda ang track record nila
07:24sa pagkumpleto ng mga proyekto
07:26na ang dalaway mas maaga pa nga raw sa schedule na itinakda ng DOE.
07:30Sa isang text message, sinabi ni Libiste na wala siyang anumang natanggap na komunikasyon
07:35na naka-address sa kanya para sa 24 billion pesos na multa
07:39kaugnay ng termination ng service contract ng Solar Philippines.
07:43Sinusubukan namin kunan ng pahayag ang DOE kaugnay nito.
07:47Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
07:51Mga kapuso, posibleng pa rin pong malakas sa ulan sa mga lugar na malapit sa daraanan ng Bagyong Ada
07:58kahit magyan na itong humina.
08:01Nakataas ngayon ang wind signal number 1 sa Catanduanes
08:04at northeastern portion ng Camarines Sur.
08:07Huling namantaan ang bagyo sa layong 205 kilometers northeast ng Virac, Catanduanes.
08:12Ayos sa pag-asa, posibleng mula bukas,
08:14unti-unting lumiko ang bagyo at gagalaw sa looping o paikot na direksyon sa karagatan ng Luzon.
08:22May chance na rin humina ito bilang tropical depression martes ng hapon
08:25hanggang maging low-pressure area pagsapit ng Merkules.
08:29Base sa datos ng Metro Weather,
08:31posibleng makaranas ang light to intense rain sa coastal area ng Catanduanes at Camarines Norte.
08:36Posibleng naman ang light to moderate rain sa ilang bahagi ng Agusan del Sur,
08:40Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Sur at South Cotabato.
08:46Bababa naman ang chance na ng ulan sa Metro Manila.
08:51Bumagsak daw ang proficiency ng Filipino learners
08:54batay sa pag-aaral ng 2nd Congressional Commission in Education o EDCOM-2.
08:59At kabilang po sa mga dahilan niyan, ang kakulangan ng masilid at libro.
09:04Nakatutok si Rafi Tima.
09:05Patuloy na dumarami ang nagtatapos ng high school sa bansa
09:12at tumutungtong sa kolehyo na walang sapat na kaalaman para sa kanilang edad.
09:16Ito ang masaklat na risulta ng pag-aaral ng 2nd Congressional Commission in Education o EDCOM-2
09:21sa datos mula 2023 hanggang 2025.
09:25Paliit ng paliit ang proficient o nakakamit sa kanilang dapat matutunan sa kada grade level.
09:29Sa grade 3 po, 31% lang. Pagdating sa grade 6, nasa 20% tayo.
09:35Pagdating sa grade 10, 1.4%.
09:39Pagdating sa grade 12, 0.47 lang ang proficient ng mga batang Pilipino.
09:440.47% sa milyong-milyong naka-enroll sa grade 12.
09:48Nagkapatong-patong na raw ang dahilan ng pagbagsak ng proficiency ng Filipino learners
09:52sa pagdaan ng mga taon mula sa kakulangan ng classroom, kaya siksika ng klase, kakulangan ng textbooks
09:58at kakulangan ng oras sa pagtuturo ng mga guru dahil sa ramin ng kanilang ginagawang administrative work.
10:05May mga ginawa naman dawakbang ang Department of Education o DepEd,
10:08kabilang ang transmutation of grade kung saan niraround-off pataas ang grade ng isang learner.
10:13Ibig sabihin, kahit yung mga dating itinuturing na bagsak, ipinapasa.
10:17Pero ginawa na ito noon sa pag-asang ang mga ipinasang estudyante tututukan pagdating nila sa susunod na grado,
10:24bagay na hindi nasunod.
10:26Kung siksika ng mga estudyante sa isang klase ng guru, napakarami din ibang trabaho pa,
10:31paano niya gagawin yun talaga ng mahusay?
10:33So talagang siguro yung inasahan natin sa sistema,
10:37hindi ako mas sa realidad na hinaharap ng mga paaralan natin, kaya medyo nagkaroon tayo ng problema.
10:42Sang-ayo ng dalawang grade 12 students na aking nakausap sa resulta ng pag-aaral.
10:46Nagpalala pa rao sa problema ang nangyaring pandemia.
10:50Simula noong pandemic din po talaga, yung iba talaga bumagsak yung interes sa pag-aaral
10:57kasi naka-online lang po naman.
11:00Lalo na po sa comprehension, sa pakikinig, sa mga ganun po.
11:03Sumula noon, medyo hindi ang hirap na makabawi.
11:05Opo, nahihirapan na po kami.
11:08Ang DepEd inihahanda pa lang daw ang kanilang pahayag tungkol sa pag-aaral.
11:11Ayon sa Edcom 2, aabuti ng sampung taon para mabawi ang mga pagkukulong na ito
11:16kung matutugunan ng mga kasalukuyang problema.
11:19Pero may pag-aasa pa rin naman daw.
11:20Yung DepEd nag-launch ng Summer Literacy Remediation Program.
11:24Ang tinutukan nila is grades 1 to 3.
11:27Sa tutok na ginawa ng DepEd, 96% ng lahat ng batang hirap makapagbasa
11:31nakaangat ng isang antas ng literacy.
11:35Yung mga bata sa Zamboanga, in fact, 20 days lang,
11:39ang natutunan nila katumbas ng 1.3 years ng pag-aaral.
11:43So, kaya nating humabol.
11:45Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 oras.
11:54May entry na ba ang lahat sa nagbabiral ngayon online na 2016 trend?
12:00Hindi lang ordinaryong netizens ang nakitrowback dahil pati ilang kapuso stars
12:04ibinahagi ang kanilang 10-year gap nostalgic look.
12:08Narito ang aking shika.
12:0910 years na yun?
12:14Yan ang reaksyon ng netizens sa viral ngayong 2016 trend
12:18kung saan na pa-reminis ang marami sa nakalipas na isang dekada,
12:23pre-pandemic days na ibang iba sa buhay nila ngayon.
12:27Noong 2016, kahit mabutas yung bulsa ko,
12:31hindi ko siya pinapatahe kasi wala din namang laman eh.
12:33Ngayon, medyo masabi ko na okay na yung...
12:35nasa better ano na ako, sa better position na ako ng buhay.
12:39A year 2016, kasi ano, natatandaan ko, prime era ko po yun.
12:43Doon ko kasi na-discover na hindi ko lang hilig magsulat.
12:47Kung hindi, nasa puso ko talaga yung pagsusulat.
12:49Tapos ngayon, I'm happy to say na isa na rin po akong ganap na writer.
12:54At kung may time, pinagpapatuloy ko pa rin yung pagpupunta sa iba't ibang lugar para magtanghal.
13:00Ang mga sikat at she meant unlocked sa isang dekadang puno ng challenges.
13:05Kaya they celebrated their winnings sa kanilang entry sa 2016 trend na viral ngayon online.
13:14Ifly next, diding dong dantes ang pick ng kanyang mag-inang si Marian Rivera at Baby Sia,
13:19na 10 years ago pa lang, mahilig ng mag-twinning.
13:22Fresh now? Fresh din! Walang nagbago sa 2016 pick ni Alden Richards.
13:30Power lifter yarn? Ibang iba si Andrea Torres noong 2016, lalo't start pa lang ng projects niya as a leading lady.
13:40Believe it or not, vibing a la Britney Spears si Benjamin Alves noong 2016,
13:46nang sumali siya sa lip-sync battle sa GMA.
13:50Before she was a mom, winning in life si Winwin Marquez,
13:54nang piliin niya noong 2016 ang personal growth na free from stress.
14:00Throwback and Cantadia days naman si Nagabi Garcia,
14:04Kylie Padilla, Sanya Lopez at Glyza De Castro,
14:08ang entry nila sa 2016 trend.
14:10Sa dami ng ganap noong 2016,
14:14ang naiwan kay Bea Alonso ay ang memories of her happy travels kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
14:21Happy parents na ngayon,
14:23pero noong 2016,
14:25starting pa lang sa real-life adulting
14:27and their forever love story si na Megan Young at Mikael Dyer.
14:32Ang Mars na si Susie Entrata,
14:35nagbalik tanaw sa kanyang fun times kasama ang unang hirit barkada.
14:39Ikaw kapuso,
14:41ano ba ang nagbago sa'yo in the last 10 years?
14:44Nasaan ka man ngayon?
14:46Trust your own pace,
14:47ika nga.
14:48Dahil ang buhay,
14:50hindi karera.
14:55And that's my Chica de Sunday night.
14:57Ako po si Nelson Canlas.
14:58Pia, Ivan.
15:01Thank you, Nelson.
15:02Salamat, Nelson.
15:02Pak joined now,
15:06ma'am.
15:07My Chica de Sunday night.
Comments

Recommended