00:00Mga na hapon po, magbabagong taong na sunugan ang magigit pitong daang residente sa barangay Addison Hills sa Mandaluyong City.
00:10Ngayong taon, ito na ang ikasyam na sunog sa barangay, batay sa datos ng BFP-NCR at ikalawang sunog doon na mahigit sampung pamilyang apektado, batay naman sa datos ng GMA Integrated News Research.
00:23Nakatutok si Bea Pinlak.
00:24Ganito kalaki ang apoy na lumamon sa halos sandaang bahay sa barangay Addison Hills, Mandaluyong, kagabi.
00:35Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, may git pitong daang residente o sandaan at animnaputlimang pamilya ang nawalan ng tirahan ilang araw bago sa lubungin ang bagong taon.
00:47Paano yung bagong taon namin? Wala rin akong magawa kasi nandyan mas inuna ko talaga yung mga anak ko kaysa yung mga gamit namin.
00:58Tatlo ang naitalang sugatan, kabilang ang isang fire volunteer at senior citizen.
01:03Binigyan sila ng paunang lunas.
01:05Maraming nasunugang residente ang halos wala nang naisalbang gamit.
01:09Ayon sa BFP, nasa kalahating milyong piso ang halaga ng pinsala.
01:14Si Lea, sa school bag na lang ng anak, sinuksok ang ilang dokumento nilang mag-anak.
01:20Yung sunog na sa likod na po namin.
01:23Kaya wala na po ang maisop na mabibit-bit kasi nataranta, nanginiginig din po ako.
01:28Ang pamilya naman ni Hernan, inunang iligtas ang alagang aso.
01:32Parang anak ko na lang din po ito. Pagdaway ko sa bahay, wala, tupok na. Wala na akong inabutan.
01:38Umabot sa ikatlong alarma ang sunog. Mahigit anim na pong truck ng BFP at mga fire volunteer ang rumisponde.
01:46Ang mga involved po na bahay is made of light materials.
01:48At saka looban po siya, ma'am. Medyo malilit po yung mga alleyways natin na kailangan ipenetrate.
01:54Pasado alas 9 na ng gabi ng maapulang apoy. Inaalam pa ang sanhin nito.
01:58Para sa GMA Integrated News, Beya Pinlak, nakatutok 24 oras.
02:04Kahit po ngayong sa lubang 2026, problema pa rin ang mga walang habas na nagpapaputok ng baril.
02:12Mula po December 16 hanggang 27, nakapagtala ang National Capital Region Police Office ng tatlong insidente ng indiscriminate firing sa Paranaque, Sanabotas, pati na sa Kaluokan.
02:24Tatlong ang arestado, kabilang ang isang polis.
02:27At sa buong bansa, hindi po bababa sa pito ang naaresto kasama na ang apat na polis.
02:33Sa isang kaso rin ito sa Pampanga, patay sa legaw na bala ang isang senior citizen.
02:38Nakatutok si Jonathan Andal.
02:42Nasawi ang 66-year-old na si Raul Pangilina ng tamaan ng ligaw na bala habang nakaupos sa labas ng kanilang bahay noong bisperas ng Pasko.
02:50Bigla nga sabi niya, sino lang ba to? Parang kasi tinamaan siya sa dibdib eh, hindi niya alam, kala niyan may binato lang siya.
02:57Tapos, ang ilan sandali, nakita na may dugo yung ano niya, kamay, yung dibdib niya, ng regular dib niya.
03:04At eventually, namatay na siya sa ospital kasi nga, yung bala na tumama sa kanya, yung nag-slide, papunta doon sa puso niya.
03:11Sabi ng Pampanga Police, walang pulbura at kahalintulad daw ng ginagamit ng pamatay na ibon ang ginamit na bala.
03:17May airgun ng gamit eh.
03:19Wala pang na-arestong suspect pero may person of interest na ang polisya, tinaalam kung nakainom ba ito noong magpapotok ng ligaw na bala.
03:26Ongoing po yung monitoring natin ngayon doon sa POI natin at rin-ready na rin po natin yung mga documentation for filing of appropriate charges doon sa ating POI.
03:36Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
03:42Arestado sa Pasig, ang isang lalaki nagbebenta ng mga papotok online.
03:46Sinira naman ang mga polis sa iba't ibang probinsya ang libu-libong nakumpiska na iligal na papotok.
03:52Nakatutok si Bernadette Reyes.
03:57Sinindihan sa kasinira ang mga iligal na papotok na nakumpiska sa buong Pangasinan mula December 16 hanggang kahapon.
04:06Binugahan ng tubig at inilublob sa mga drama mga papotok.
04:10Mahigit 87,000 pesos ang halaga ng halos labing isang libong piraso ng mga kumpiskadong papotok at boga.
04:18Kailangan na ang pagdiriwang ng kapaskuhan at holidays ditong kaming New Year ay dapat ay tahimik lang at peaceful, walang dapat mangyaring disgrasya.
04:32Winasak din ang mga polis sa Tuguegarao City ang halos 23,000 pesos na halaga ng mga iligal na papotok.
04:40Kabilang ang mga boga, five-star, piccolo at plapla.
04:45Maging sa Cavite kung saan mahigit anim na lang iligal na papotok at pyrotechnic device ang nakumpiska.
04:52Sa Pasig City, arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagbebenta online ng mga papotok.
04:59Sa pagkandak po ng ating mga operatives ng personnel natin ng Pasig City, police station, ng cyber patrolling, ay nasabat nga po ito nilang itong nag-online sell ng firecrackers.
05:13Sinisika pa namin kunan ng pahayag ang sospek na isinasa ilalim na sa inquest proceedings.
05:19Sa isang post, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Soto na sa unang pagkakataon, hindi nag-issue ng special permit to sell fireworks and firecrackers ang Pasig LGU kahit may mga nagbama kaawa.
05:34Sa Divisorya, may mga nagbebenta rin ng mga iligal na papotok.
05:38Panayang paghikayat ng Bureau of Fire Protection sa mga LGU na magkaroon ng Designated Community Firecracker Zone and Community Fireworks Display Area.
05:47Hanggat maaari i-total ban yung firecracker, although prerogative ng bawat LGU kasi mayroon namang autorize.
05:58Talagang nilalayo siya sa residential mga establishment at saka other na pwedeng madamay sa any emblers or sparks from the Fireworks Bay Area.
06:11Sa Quezon City halimbawa, ipagbabawal sa mga pribadong bahay ang paggamit ng paputo.
06:18Bawal rin ang sariling fireworks display.
06:20Sa halipa, payagan lang ito sa mga pampublikong lugar na may permit at clearance mula sa Department of Public Order and Safety.
06:28Ayon sa pamahalaang barangay ng Barangay Nuvalichas Proper, sa rooftop ng 6 na palapag na gusaling ito, gagawin ang fireworks display sa December 31.
06:38Sa ganitong paraan, magiging ligtas daw para sa mga residente ang pagsalubong sa bagong taon.
06:44Priority natin dito hindi madisirasya po yung community natin, lalo-lalo na po yung mga kabataan.
06:49Kaya yung encourage namin na mag-fireworks display na lang.
06:51Sa mga residente po ng barangay Nuvalichas Proper, tayo po yung makipag-cooperate po sa ating barangay.
06:58Ang BFP Paranaque ay ininspeksyon ng mga community firecracker at fireworks display area sa lunsod.
07:05Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Horas.
Comments