Skip to playerSkip to main content
Bago ngayong gabi.
Hawak na ng pulisya ang isa pang kapwa-akusado ni Charlie "Atong" Ang sa kaso ng missing sabungeros sa korte sa Batangas.
Dahil dito, si Ang na lang ang tinutugis.
Ang payo naman ng abogado ni Ang na 'wag muna siyang sumuko, tinawag ng Justice Department na mali, unethical at ilegal.
May report si Darlene Cay.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Wala po tayong information regarding that. But, if ever, damay yun. Damay sa kaso yun.
01:07Wala siya sa kanyang mga bahay at ari-arian sa Pasig, Mandaluyong, Laguna, at Batangas.
01:17Wala rin informasyong nag-abroad na si Ang. Naglabas na ang PNP ng official poster ni Ang bilang most wanted ng DILG.
01:26Bukod sa 10 milyong pisong pabuya, may mga hotline para magsumbong ang may nalalaman sa kinaroroon na ni Ang.
01:32May mga naka-assign na mga polis natin dito para basahin, bantayan, kung may mga pumasok na information.
01:40It will be monitored 24-7.
01:44Bukod sa Santa Cruz Laguna Regional Trial Court Branch 26 na pina-aresto si Ang sa pagkawala ng labinsyab na mga sabongero roon,
01:51may arrest warrant na rin sa kanyang Lipa Batangas RTC Branch 13 para sa six counts ng kidnapping with homicide.
01:58Kaugnay sa nawawalang-anim na sabongerong nandaya umano sa AA Cobra Game Farm sa Lipa noong January 2022.
02:04Sa statement ng magkapatid na Dondon at Ella Kimpati Donga na tumayong state witness,
02:09tinali, piniringan, at dinalang mga sabongero sa isang farm sa Talisay, Batangas,
02:14na pag-aari umano ng isa sa mga akusadong polis na si Joey Natanawan Encarnacion.
02:19Maliban kayang, hawak na ng otoridad ang mga pina-aresto ng Korte sa Laguna.
02:24Nasukul na rin ng PNPC IDG ang tatlong kapwa akusado niya sa kaso sa Lipa.
02:28At ngayong gabi lang, na-aresto na rin ang isa pa kaya si Ang na lang ang tanging pinaghahanap.
02:34Sabi ng lead counsel ni Ang, hindi pa niya nakikita ang warrant mula sa Lipa.
02:38Pero pinayuhan daw niya ang kliyente na huwag mo nang sumuko habang ginagawa nila ang lahat ng legal na hakbang.
02:44Puna ng Justice Department, mali, unethical at maituturig na krimen ang payo na yan.
02:50Pero hanggat hindi pa na-aresto, hindi uusad ang mga kaso laban kay Ang.
02:54Dahil wala pang horisdiksyon ng Korte sa kanya hanggat hindi siya mabasahan ng sakdal.
03:00Sa saligang batas natin, may karapatan yung mga akusado.
03:03Hindi ka pwedeng akusahan kung hindi wala yung karapatan mong iharap sa'yo yung testimonya.
03:09Diba? Nung laban sa'yo, nagre-reklamo.
03:12Pati sa arraignment, kailangan presente ka. Diba? Kaya may may proseso po.
03:16Tuloy naman ang panawagan ng mga kaanak ng missing Sabongero kay Ang nasumuko na.
03:21Darlene Kay, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended