00:00Mga Kapuso, natangayan ng halos kalahating milyong piso ang isang pamilya ng isang realty service company.
00:08Processing fee umano yan para sa alok nitong bagsak presyong bahay at lupa na naremata ng pag-ibig pero walang record ng agensya kaugnay nito.
00:17Pinaimbestigan yan sa inyong Kapuso Action Man.
00:24Isang bahay at lupa sa barangay buhay na tubig sa Imus, Cavite.
00:28Mula 3.5 million pesos, maaari umanong mabilis sa bagsak presyong halagang 1.9 million pesos sa pag-ibig fund.
00:37Ang 45% ng diskwento, alok online ng isang realty service company.
00:44Isa sa nainganyo ang pamilya ni Jenny, di niya tunay na pangalan.
00:48Yung modus operandi nila is nagpapose sila ng properties ng pag-ibig na perclose.
00:54Sobrang bura nga nung binaba, considering na prime property yun.
00:59Gusto namin talaga yung property na yun, second property para gawing rental.
01:03Hindi nagdalawang isip magbayad ng halos kalahating milyong pisong processing fee,
01:07ang pamilya noong Junyo 2024.
01:11Lalo't tiniyak na kumpanya na may tinatawag silang contact processor na nagtatrabaho umano sa pag-ibig fund.
01:17Meron siyang mga tao doon, tapos kuinento na nga niya na under the table to,
01:25mabibigyan niya daw kami ng property na bago pa daw mo punta sa perclose,
01:31nasa kanila na, kaya naipopose na nila yung property.
01:35Bayad yun sa services nila, hindi pa yun yung down payment sa bahay.
01:38Kasi yung down payment sa bahay, mangyayari yun pag na-approve na siya ng pag-ibig,
01:43pag may notice of award na kami.
01:44Nagsimulang magduda ang pamilya ng...
01:48Follow-up kami ng follow-up all throughout, parang one year.
01:51Never siya nagbibigay ng update.
01:53Ang lagi niyang sinasabi, tatanungin po namin yung processor.
01:56Sobrang sakit kasi pinagirapan mo yun eh.
01:59Kasi tinipit-tipid mo yung sarili mo.
02:01Kasi may goal ka.
02:03Tapos piglang nawawala na lang.
02:06Dahil iloko ka.
02:10Dumulog ang inyong kapuso action man sa pag-ibig fund.
02:12Sa isinagawa nilang verification,
02:15walang record na nagpapakitang nagsumite ng bid o purchase offer
02:19ang inerereklamong realty service company
02:21sa ilalim ng opisyal na online public auction o negotiated sale ng ahensya.
02:27Nagpaalala ang ahensya sa publiko na wala silang accredited o autorisadong realty company,
02:32broker, agente o anumang third party
02:34na pinagiging tulutang mag-alok, magbenta o magkasikaso ng pagbili ng kanilang acquired assets.
02:41Inaalok at mabibili lamang ang pag-ibig fund acquired assets
02:44sa pamamagitan ng kanilang online public auction system
02:46na matatagpuan sa kanilang opisyal na website.
02:50Kung may individual o kumpanya na gaalok ng magbenta o humingi ng kabayaran
02:54kapalit ng pag-ibig fund acquired assets,
02:57ipagbigay alam lamang sa ahensya.
02:59Sa ngayon ay nakapagsampara ng kasong syndicated na stafa ang pamilya ni Jenny.
03:05Sinubukan namin kulin ang palig ng realty service company
03:07pero tumanggi silang magbigay ng pakayag sa korte na lang daw nila kakarapin ang reklam.
03:17Tututukan namin ang sumbong na ito.
03:19Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:23o magtuho sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner
03:26sa Maravinyo, Diliman, Quezon City.
03:28Dahil sa anumang reklamo, pang-abuso o katumulian,
03:31tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Comments