Skip to playerSkip to main content
Ang panukalang ‘yan ay pag-aaralan pa ng pangulo bago niya i-certify as urgent, ayon sa Palasyo.


Nasa Amerika pa rin ang pangulo para sa kaniyang working visit.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ang panukalang yan, pag-aaralan pa ng Pangulo bago niya i-certify as urgent ayon sa palasyo.
00:06Nasa Amerika pa rin ang Pangulo para sa kanyang working visit.
00:10At nakatutok doon live si Joseph Moore.
00:13Joseph!
00:16Vicky, kahit nga nandito sa New York sa Amerika, si Pangulong Bongbong Marcos ay nakamonitor ito sa epekto ng nangyayaring
00:23gera sa gitnang silangan dyan sa Pilipinas
00:25at doon sa hinihiling niya ng emergency powers para maibsan kahit pa paano yung sumisirit na presyo ng mga produktong
00:31petrolyo na nagdagpabigat sa mga Pilipino ngayon.
00:38Gusto raw pag-aaralan muna ni Marcos ang committee report ng Kongreso na magbibigay sa kanya ng emergency powers
00:44para bawasan o isispindi muna ang pagpataw ng exercise tax sa mga petroleum products upang bawasan ang bigat ng pasanin
00:51na mga mamimili sa pagsipa ng presyo ng langis.
00:55Tinatalakay na mga panukalang batas para dito sa Kamara at Senado.
00:59Ang gusto raw ng Pangulo basahin ang mga isinamang probisyon bago i-certify na urgent ang panukalang batas.
01:06Pero hindi po agad makakapagbigay ang Pangulo ng Certificate of Urgency kung di naman po niya nakikita yung pinaka-report
01:13o yung bill.
01:14So kailangan po niya mabasa yun kung ito'y naaayon din sa dapat na makuha na power ng Pangulo para
01:24po i-certify as urgent.
01:25Tinayak din ang palasyo na nasa prioridad ang pagpapauwi sa mga Pinoy na naipit sa Middle East.
01:31Sabi ni Castro sa special cabinet meeting noong March 3, napag-usapan na raw ito.
01:36May apat na daan na OFW ng araw.
01:38Ang napauwi sa Pilipinas, may dalawang mula sa Dubai naman, ang dadating mamayang gabi via commercial flight.
01:44Bukas may dadating na 16 na Pinoy mula Egypt.
01:48May chartered flight daw ang Pilipinas na haalis sa Saudi Arabia sa March 14.
01:53At may isa pang nilalatag sa United Arab Emirates.
01:55Inalala po ng Pangulo ang maaaring danger kung agad-agad po maililipad ang ating mga kababayan kung patuloy po sa
02:10pagbubomba o yung mga attacks sa pagitan ng mga bansa na kinapalulooban po sa Middle East.
02:21Ang krisis sa gitnang silangan ang isa sa mga tema na magiging talumpati ng Pangulo sa United Nations bukas, oras
02:28dito sa New York.
02:29Kanina nagsalita ang Pangulo sa ikapitumpong session ng Commission on the Status of Women kung saan binigyan diin ng Pangulo
02:36ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga kababaihan.
02:40Pangunahin dito ang pagbibigay ng edukasyon at pagkakataon.
02:43Women must be present wherever decisions are made in government, in business, in science, in diplomacy, and in peace building.
02:53Because when women rise, societies rise with them. When women lead, nations move forward.
03:01Sa harap ng mga delegado dito sa United Nations, sinabi ni Pangulong Marcos na maraming pananaw tungkol sa mga kababaihan
03:07ang naglilimita o humahadlang para magkaroon sila ng mahalagang papel sa lipunan.
03:13Ang pahayag na yan ng Pangulo tumitingkad sa harap ng mga hindi magandang komento tungkol sa mga babae nito mga
03:19nakarang araw sa Pilipinas.
03:21But beyond laws and institutions, we must also address the attitudes and assumptions that continue to limit women's roles in
03:28many parts of the world.
03:30True equality requires not only policy change, but cultural change.
03:41Ito yung huling araw na ng Pangulo dito sa New York dun sa kanyang dalawang araw na working visit.
03:46At mamayang tanghali ay magtatalumpati muli siya sa United Nations.
03:50Pagkatapos nun, magkakataon yung media na nagko-cover sa kanya para sa isang panayam.
03:55At pagkatapos mo ng alas 4, ay tutulak na pabalik sa Pilipinas ang Pangulo.
04:00Live mula rito sa New York, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
04:03Maraming salamat sa iyo, Joseph Morong.
Comments

Recommended