Skip to playerSkip to main content
  • 11 hours ago
Aired (January 11, 2026): Pagkaraan ng walong taon, silipin ang mga pagbabago sa serbisyong medikal sa Silvino Lubos. Alamin kung paano naapektuhan ang kalusugan ng mga residente at ang mga hakbang na ginawa upang mapabuti ang healthcare sa komunidad.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa katunayan, para marating ang pinakamalapit na ospital,
00:05kailangan pang tawirin ng banka at habal-habal.
00:09Kaya si Julay, pinilit daw makapangutang ng 3,000 piso
00:13para madalasan na si Ivan sa ospital.
00:17Pero hindi na ito inabutan ng bata.
00:21Pag-uwi ko dito, ayan yung bata.
00:24Nakita ko iba na yung lagay niya, yung mukha niya.
00:26Sabi ko, sige, mangutang ako.
00:28Pumunta ko doon sa Barangay Uno.
00:34Nakautang ako ng 3,000.
00:38Pambahad ko sa alin yung kumpra.
00:40Tapos nakahirama ko ng motor.
00:43Sabi ko sa sawa ko, magbihis ka, alis tayo.
00:46Nung nagbibihis siya, nakita ko yung bata, gumano.
00:51Binawahat ko agad, binaragi ko.
00:54Wala. Hanggang wala na.
00:57Inanong ko siya, mouth to mouth recitation.
01:01Pinam ko yung dito, tapos, mouth to mouth kami.
01:04Wala pa rin.
01:06Wala na.
01:09Pagkukopra, ang tanging ikinabubuhay ng kanilang pamilya,
01:12kaya ang araw-araw nakita, hindi raw sumasapat.
01:16Yung kumpra, mismo yung puting pera, bumaba, tumaas yung bilihin.
01:22Samantala, ano, lumabot ng 40 hanggang 50 yung kilo.
01:26Dati, isang kilo.
01:27Oo.
01:28Ngayon, magkano na ang bilihin?
01:29Ngayon, eh, dito ano na lang, 19.
01:3319?
01:34Oo.
01:34Ibabiyahin niyo pa po yun.
01:35Ibabiyahin pa, may bayad pa, bawat pagkarga, 50.
01:40Yung sasakyan, 50.
01:42Iisanda na bawat sako.
01:44So, kayo po ba nararamdaman ninyo na pahirap ng pahirap yung buhay?
01:48Oo, pahirap ng pahirap, talaga.
01:50Dahil sa kawalan ng pera, ni hindi raw nila mabigyan ng maayos na buro lang anak.
01:58Pagdayigon ang Santos na Trinidad na o Salangad.
02:01Ibinalot na lang sa kumot ang bata.
02:04Punuan, kumot, sampagpasangya, sampagduo, waray sugat, nakamaubay, o kamaluluyo, inugpasay.
02:14Mabuti na lang daw at may nagmagandang loob na kapitbahay na tumulong sa paggawa ng ataol ni Ivan.
02:25Kahit madilim dahil walang kuryente sa lugar, matyagang pinanday ni Lolo Budok ang ginagawang ataol.
02:34Makalipas ang ilang oras, maayos nang nailipat sa kabaong si Ivan.
02:44Kama mo na.
03:08Dahil hindi naembalsa mo ang bata, kinailangan siyang ilibing kaagad kinabukasan.
03:14Hanggang sa huling hantungan, ramdam na ramdam nila ang kahirapan.
03:26Pero hindi lang pala si Ivan ang namatay na kapatid ni Jules.
03:34Taong 2003, namatay din ang nuoy tatlong buwang gulang niyang kapatid sa hindi na nalamang dahilan.
03:41Taong 2017 naman nang mamatay ang lola ni Jules.
03:46Huli na nang maisugod siya sa ospital na dalawang oras ang layo mula sa kanilang lugar.
04:04Para malaman kung bakit nga ba inaabutan na lang ng kamataya ng ilang residente sa Silvino,
04:11na hindi man lang natitingnan ng doktor.
04:14Pinuntahan namin noon ang nag-iisang Rural Health Unit o RHU sa lugar.
04:19Meron mang pasilidad pero wala kaming naabutang doktor noon.
04:24Dinadala naman kasi dito sa amin, malala na yung sitwasyon ng mga pasyente.
04:32Kaya paano na namin masisave yun kung malapit na siya talaga, bumigay.
04:37Sa pinakahuling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority o PSA noong 2018,
04:44ang bayan ng Silvino Lubos ang pinakamahirap na bayan sa probinsya ng Northern Samar.
04:50Lumalabas na halos 57% ng kabuoang populasyon o katumbas ng 8,589 na indibidwal
04:57ang nabubuhay below poverty line o kulang ang kinikita para sa mga pangunahing pangangailangan.
05:05Makalipas ang 8 taon, muli kaming bumalik sa Silvino Lubos.
05:14At may mga nakita kaming pagbabago.
05:18Kung dati ay maputik, lubak-lubak at walang madaanang tulay,
05:23Ngayon, may kalsada na at may bagong tulay na rin.
05:39Noong 2018 kami huling bumisita ng Silvino Lubos sa may Northern Samar.
05:44So kung makikita nyo, hindi talaga, pahirapan talaga yung pagbisita sa lugar
05:49dahil ito yung daraanan mo, talaga makapal yung putik.
05:54Pero makalipas ang mahigit limang taon,
05:57yung dati na kailangan mong tawirin na ilog at putik,
06:01eto na siya kasi natapos na yung Mondragon-Silvino Bridge.
06:07So dahil dito, sa tulay na to,
06:10mas madali na yung biyahe mula sa bayan ng Silvino Lubos
06:14patungo sa ibang mga bayan ng Northern Samar.
06:20Kaya ang dating mahigit dalawang oras na biyahe papunta sa poblasyon,
06:25ngayon, mahigit 30 minuto na lang.
06:34Pagdating namin sa Silvino Lubos,
06:37dumiretso kami sa Rural Health Unit.
06:40Sa tulong ng isang non-government organization o NGO,
06:43ay nakapagpatayo ng bagong Rural Health Unit sa Silvino Lubos.
06:48At nito lang, 2024, ay nai-turn over na ito sa local government unit.
06:52Kaya mas marami nang natutulungan at nabibigyan ng serbisyong medikal.
06:57Pinasilip din sa amin ang bagong gawang Rural Health Unit.
07:04Mas malawak na ang loob nito
07:05at mas marami na raw pasilidad na mapakikinabangan ng mga residente.
07:10Ito ang laboratory namin.
07:15Dito si Midtech. May Midtech kasi kami ngayon.
07:19Malaking tulong din daw ang pagkakaroon ng laboratorio na libre para sa lahat.
07:24Ito na ang delivery room namin.
07:28Ito po.
07:31Mayan siya lahat.
07:33Kung sakali, mga may ginsy.
07:37At kung noon walang doktor sa Rural Health Unit,
07:41pagsisiguro ng alkalde,
07:42ngayon meron ng doktor sa kanilang RHU.
07:46So malaking bagay po itong tulong sa inyo dahil
07:49kung hindi pa nila binigay sa inyo to,
07:53walang RHU.
07:54Malaking bagay din yun.
07:57Malaking pasalamat namin sa Korean government.
07:59Kaya na ba niyang rumesponte sa mga sakit?
08:03Kaya na.
08:04Dalawa na yung doktor namin.
08:05Isa yung MHU namin.
08:07Isang yung programa ng DOH na Doktors Dovario.
08:13Meron na kaming bago lang.
08:14May gamot na rin po.
08:15Meron na. May gamot na.
08:17At saka noon pa man may gamot na rin.
08:18Kaya lang yun nga, nagkakaugusan minsan.
08:20Lahat ng mga pasyente na kayang gamutin,
08:24kung kaya dito sa RHU,
08:26ginagawa namin.
08:28Ang pagkakaroon ng doktor
08:30at pagsasayos ng kanilang RHU
08:32ang pinakahihintay sana ni Lolo Juanito noon.
08:36Pero ang malungkot,
08:37hindi na niya ito naabutan.
08:39Pumanaw kasi si Lolo Juanito
08:41matapos atakihin sa puso.
08:44Si Jules,
08:44napagalaman din naming lumuwas na ng Maynila
08:46para magtrabaho bilang construction worker
08:49para makatulong sa pamilya.
09:00Importante nga maitayo
09:02yung mga infrastructure projects
09:05sa mga local governments.
09:08Of course, dapat base ito sa pangangailangan.
09:10Importante rin na maayos ang mga tulay,
09:14halye dahil pwede rin gamitin
09:16pang-attract din yun
09:18ng mga business,
09:20ng mga investors,
09:21mabilis ang travel ng mga tao
09:24gagaan ang mga transactions.
09:33Napakadilim ng pinagdaanan noon
09:35ng mga tulad ni na Jules at Lolo Juanito.
09:38Dahil sa kakulangan ng servisyong medikal,
09:40buhay ang naging kapalit.
09:44Ngayon, may liwanag na dahang-dahang sumisilip.
09:50Sana'y maging simula ito
09:51ng pagbabago at pagbangon
09:53ng Silvino Lubo.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended