Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isiniwalat ni House Senior Deputy Minority Leader at Kaloocan 2nd District Representative Edgar Erice
00:08na may mga grupong nagkakasa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos dahil sa betrayal of public trust.
00:16May groups na tumawag sa akin. Pinapakusaban ako kung saan daw ako mag-endorse ng impeachment against President BBM.
00:26Sabi ko, hindi ako po pwede dahil sa under the new rules ng Supreme Court, dataan niyan sa Committee on Justice, these are pro-vice president groups.
00:41Bukod kay Erice, may iba pang kongresistang naniniwalang may basehang ipa-impeach ang Pangulo.
00:481.45 trillion in insertions, diversions, amendments, napunta sa mga anomalous projects, hindi siya kumibo, hindi kumibo yung kabinete niya.
00:58Sabi ko nga, kung 2023 lang, baka napalusutan siya. Pero 2024, 2025, pinirmahan niya, sabi niya, nireview niya.
01:06So, it can be considered as an inexcusable gross negligence, which is one of the basis for betrayal of public trust.
01:18Sir, if you believe that, bakit hindi niya na lang po i-endorse yung ifa-file na complaint?
01:24Ayaw ko makulayan. Ako, hindi naman ako Duterte. I would like to maintain my independence.
01:30Isa sa mga nangunang nagpo-point out na tumuturo na po sa Malacanang, at hindi lang sa Malacanang, kundi sa Pangulo mismo.
01:38Na meron ding pagkakasangkot dito nga sa flood control corruption, dahil naganap ang pinakamalalang pandarambong sa infrastructure budget noong 2023, 2024 at 2025.
01:58Sabi naman ang ilang leader ng mayorya at minorya sa Kamara, dapat nakabase sa ebidensya ang anumang impeachment complaint na ihahain.
02:08Idiniin ni House Deputy Speaker at La Union 1st District Representative Paolo Ortega na mekanismo sa konstitusyon ng impeachment at hindi political weapon.
02:19At gaya ng ibang opisyal, bibigyan din ang due process ang Pangulo.
02:23It should be based on solid grounds. We're talking about copable violation of the Constitution. It is not meritoric. It should not also be made like a clickbait or propaganda to create political noise.
02:38Titinan natin kung siyang tayo dadali ng ebidensya. At ganyan din, kung magdedesisyon yung mga civil society organizations, we will work closely with them.
02:46Sabi naman ni Palas Press Officer, Undersecretary Claire Castro, ayaw ng administrasyong magkomento sa mga chismis.
02:54Nakatutokan niya ang Pangulo sa trabaho at naniniwala itong magdedesisyon ng Kongreso base sa katotohanan, batas at pambansang interes.
03:04Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatutok 24 oras.
03:12Dumarami na mga lumilikas dahil sa pag-aalboroto ngayon ng Bulkang Mayon.
03:17Ang kanilang kalagayan sa evacuation center, Alamin, sa live na pagtutok, Ian Cruz. Ian.
03:23Ivan, sa patuloy nga na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ay tumataas siyempre ang bilang ng mga evacuees at ang iba sa kanila ay nagkakasakit na.
03:39Tumakit na sa 489 families o 1,793 individuals ang nasa limang evacuation centers ng Tabaco City, Albay.
03:47Ito ang nangungunang lungsod sa dami ng mga lumikas dahil sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
03:53Sa tagal ng pamamalagi at dami ng evacuees, ang ilan sa kanila ay nagkakasakit na, gaya ng walong buwang sanggol na si Princess Rian.
04:02Nairapan po.
04:03Bakit?
04:05Kasi po, ma-anak po, mainit dito po sa loob ng tents.
04:10Kung tutuusin, 5 to 7 percent pa lang sa evacuees, ang tinamaan ng ubotsipon ang natutugunan ng mga gamot.
04:18Pusibling tumaas pa ang bilang. Tutugunan na ito ng City Health Office ng Tabako na bumili ng bakuna.
04:24Basta naka-flu vaccine yan, yung usual days ng symptoms ng cough and colds ay malilesen.
04:33Ang muntis namang si Jinaline Bon, naiyak sa aming panayam na ikwento ang sinapit ng anak sa sinapupunan.
04:42Ito lang masasabi ko sa anak ko. Bakit ganito yung, bakit?
04:49Hindi ko naman sinasadya na maayos ka.
04:51Pero ayon sa City Health Officer, late December paunang dinugo si Jinaline.
05:01Pusibling doon nagkaroon ng incomplete abortion at nataong dinugo habang nasa evacuation center.
05:07I-admit na raw sa ospital si Jinaline.
05:09Mas maayos na ang kondisyon ng evacuees sa buwang.
05:11May trapal na sa covered court laban sa ulan.
05:14May sapat na rin tubig.
05:16Kumpretong lutoan sa kanilang community kitchen.
05:19Sa Ligao City, Albay, 26 families o 94 individuals ang lumikas mula sa mga bahay na pasok sa 6 kilometer permanent danger zone o PDZ.
05:29Sa barangay Balikang, lumikas na rin si Sarlito Bobis na ang bahay ay nasa likod lang ng marker ng PDZ.
05:36Kumusan ro? Dahil yun sa kapitan.
05:40At yung mga military dyan, pabalik-balik kasi lumikas kasi nasa loob ng danger zone.
05:47Kagabi, kitang-kita naman ang mga bumabagsak na volcanic material mula sa vulkan.
05:53Sa text alert ng NDRMC, 8.52pm, nag-abiso ito na mag-ingat sa pag-agos ng pyroclastic density current o ozone at rockfall dulot ng pagguho ng lava dome ng vulkan,
06:06ganap na 8.41pm.
06:07Umaga kanina, nang mahawi ang ulap, huling nakita ang aktibidad ng vulkan.
06:17Ivan, sa ating pag-iikot dito sa Albay, talagang abala ang mga LGU sa paganda kung magkaroon nga ng posibilidad na iakyat ang alert level status nitong vulkan.
06:26Sa ngayon, ay hindi nakikita ang tuktok dahil nga sa makapal na ulap.
06:30At ayon naman kay Ginoong Teresito Bakulpol ng Feebox, late kagabi hanggang kanina umaga ay tumaas nga ang seismic energy nitong vulkan.
06:37Ibig sabihin, maaring may mga bagong magma na pumasok dahil sa vulkan na maaring ang magpasidhi ng mga aktibidad nito.
06:44Yan ang latest. Late kagabi sa Albay. Balik sa iyo, Ivan.
06:47Maraming salamat, Ian Cruz.
06:50Anim na po ang patay sa pag-uho na isang landfill sa Cebu City.
06:54Batay po yan sa huling tala ng Bureau of Fire Protection, Cebu City.
06:58Tantlumput isa ang hinahanap pa.
07:01Nasa labing dalawa ang sugatang nailigtas.
07:04Patuloy ang panawagan ng mga kaanak ng mga biktima na pabilisin ang pag-uho kay sa mga debris para matagpuan na ang kanilang mga mahal sa buhay.
07:21Sabi kahapon ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia,
07:24iniimbestigahan na ang sinasabi niyang pagbenta at paglipat umano ni Congressman Leandro Leviste
07:30sa prangkisa ng kumpanya nito sa sektor ng solar energy
07:34na hindi anya inaprubahan ng kongreso.
07:36Wala pang direktang sagot dito si Leviste,
07:38pero ilang oras matapos sa mga banat ni Rimulia,
07:41nagpost si Leviste na magbibigay siya ng dalawang linggo
07:44para sabihin na ng mga tao ang lahat tungkol sa kanya.
07:48Sasagutin niya raw lahat ito sa pagbubukas ng kongreso sa Enero 26.
07:52Wala pa rin tugon ng House Committee on Legislative Franchises
07:55kaugnay sa pahayag ni Rimulia.
07:57Tinanong ng GMA Integrated News ang MGen o Meralco Power Gen Corporation
08:02ang kumpanyang pinagbentahan ni Leviste ng kanyang shares sa SPNEC
08:06o Solar Philippines New Energy Corporation na itinatag ni Leviste.
08:11Sabi ng MGen,
08:12magkaibang kumpanya ang binili nilang SPNEC
08:15at ang kumpanya ni Leviste na nakakuha sa kongreso
08:18ng 25-year franchise,
08:20ang Solar para sa Bayan Corporation.
08:22Kaya sabi ng MGen,
08:24hindi sila nakikinabang at hindi nakadepende sa prangkisa
08:28na nakuha ni Leviste sa solar energy.
08:31Mag-ibang kumpanya po ito.
08:32Ang MGen po ay hindi kumuha
08:34o nagmamayari ng kahit anumang karapatan,
08:37privileyo o interes
08:38na may kaugnay sa prangkisa ng solar para sa bayan.
08:43Bukod dito,
08:44ang mga negosyo at operasyon ng SPNEC
08:46ay hindi nakasalalay sa nasabing prangkisa.
08:50Sabi ng MGen,
08:5122.25 billion pesos na halaga ng shares
08:55ang binenta ni Leviste sa MGen Renewables,
08:58ang renewable energy subsidiary ng MGen.
09:01Hinati-hati ang bayad at transaksyon nito
09:04mula dulo ng 2023 hanggang simula ng 2025,
09:07bagay na makikita sa disclosures ng SPNEC
09:10sa PSE o Philippine Stock Exchange.
09:12Naglabas din sila ng hiwalay na pahayag
09:14para linawing wala silang biniling shares
09:17sa solar para sa Bayan Corporation
09:18na siyang nakakuha ng prangkisa sa Kongreso.
09:21Sa SPNEC lang daw sila namuhunan
09:23at ang pagbili nila ng shares dito
09:25ay wala naman daw nila bag na batas o regulasyon,
09:28lalot sinuri at inaprubahan naman daw ito
09:30ng Philippine Stock Exchange at Security and Exchange Commission.
09:34Noong na nang inanunsyo ng Solar Philippines
09:35na isa pang kumpanya ni Leviste
09:37na dahil sa mga ibinentang shares ng kongresista,
09:40hawak na ng Meralco ang higit 57% ng SPNEC,
09:44habang 18% na lang ang common shares ni Leviste sa kumpanya.
09:48Para sa GMA Integrated News,
09:50Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
09:55Pagtatama po,
09:56ang ating ulat ay tungkol sa solar power company
09:58ni Rep. Leandro Leviste.
10:02Milyon-milyon pisong halaga
10:03ng hininalang shabu
10:04ang nasabat sa Naiya Compound.
10:07Natagpuan ang magitlabing 6,000 gramo
10:09ng shabu sa mga figurin at marmol.
10:12Nakumpis ka rin ang iba pang gamit
10:14at 34,000 pesos na cash.
10:17Dalawang broker representative
10:19at isang porter ang inaresto.
10:22Wala pang bayag ang tatlo
10:24na maharap sa kasong paglabag
10:25sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
10:30Update po sa polis
10:31na namaril ng isang babae sa bar
10:33at tatlong kabaro sa Negros Oriental.
10:36Nilinaw ng Negros Island Regional Police
10:38na hindi mga rumesponding polis
10:40ang pinatay ng suspect,
10:41kundi mga nakasama rin niya sa bar.
10:44Kasama sa mga napatay niya
10:45ang mismong jepe ng polis siya.
10:47Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
10:52Sa kuha ng CCTV na ito,
10:55sa loob ng isang resto bar
10:56sa Sibulan, Negros Oriental
10:58noong gabi ng biyernes,
11:00isang babae ang pinatay
11:02sa pamamaril ng isang customer.
11:07Ang lalaking bumaril sa kanya,
11:10kinilalang tauha ng Sibulan Police.
11:13Naunang naiulat na agad na aresto
11:15ang suspect sa pagresponde
11:17ng tatlong kabaro
11:18na kalauna'y pinagbabaril din niya
11:20habang nasa sasakyan
11:22patungo sa estasyon.
11:23Patayan tatlong polis,
11:25kabilang ang mismong Sibulan Police Chief,
11:27saka tumakas ang suspect.
11:30Pero kanina,
11:32nilinaw ng direktor
11:33ng Negros Island Region Police
11:35na ang tatlong polis
11:37ay hindi rumesponde
11:38para arestuhin ang kabaro,
11:40gaya ng naunang lumabas.
11:42Magkakasama pala sila
11:43ng mismong suspect
11:44sa loob ng bar.
11:46Di sa group of polis
11:48and then we chief of polis
11:51pumunta sila dito sa guard natin
11:53sa sub-guard
11:54and then they divided one
11:57itong victiman natin ng babae
12:01and the investigation
12:04na nakontakt natin
12:07binaril na itong suspect natin.
12:10Kita sa CCTV footage
12:15ang pag-upo ng babaeng biktima
12:17katabi ng tatlong polis
12:18hanggang tumayo ang suspect
12:20at tila dinuro sa muka
12:22ang babae bago umalis.
12:24Pumuesto siya
12:25sa bandang likuran ng babae
12:27at binarilito sa ulo.
12:29Agad lumabas ang suspect
12:30na sinunda ng tatlong polis
12:33kabilang ang hepe
12:34at saka sila sumakay
12:36sa isang pribadong sasakyan
12:38at umalis.
12:39Pero bukod sa kanila
12:40may dalawang polis pa lang
12:42nasa labas ng bar
12:43na atasan silang tumawag
12:45ng ambulansya.
12:47Dead on arrival na
12:48sa ospital ang babae
12:49at ang tatlong polis.
12:53Sa gumugulo ngayong investigasyon
12:55kasamang sinisiyasat
12:57ang dalawang kabaro nilang
12:58nasa labas ng bar.
13:00Yun ang talagang
13:01pinipilit nating alamin.
13:03Pagdating po doon
13:04siya ang naging motibo
13:05kung bakit niya na baril
13:06itong biktima
13:09nating babae
13:10inside the bar.
13:11Sinusubukan pang kunan
13:13ang pahayag
13:13ang pamilya
13:14ng babaeng biktima
13:15at mga nasawing polis.
13:17Sinabi naman
13:18ang polis siya
13:18na ayaw magbigay
13:19ng pahayag
13:20ng suspect
13:20na nakakulong ngayon
13:22at nahaharap
13:23sa reklamong
13:24multiple murder.
13:25Para sa GMA Integrated News,
13:28Tina Panganiban Perez,
13:30Nakatutok,
13:3124 oras.
13:33Sinabi po ni
13:34Senate President
13:35Pro Tempore Ping Lakson
13:36na mayroon rin
13:37anyang allocables
13:38si Senator Aimee Marcos
13:40na batay sa hawak
13:40niyang files
13:41mula sa kampo
13:42ni dating DPWH
13:43Undersecretary
13:44Catalina Cabral.
13:46At kay Lakson
13:46na sa 2.5 billion pesos
13:48ang allocables
13:49ng senadora
13:49sa National Expenditure Program.
13:51Sabi ni Lakson,
13:53meron daw na
13:53for later release
13:54at bahag nito
13:56ang nailabas
13:57na anya.
13:58Tinawa na naman
13:59ng senadora
14:00ang mga pahayag
14:01ni Lakson.
14:02Ang sabi niya,
14:03wish list daw yun
14:04na ibinigay
14:05sa DPWH
14:06Central Office.
14:08For later release,
14:09anya talaga
14:09ang mga nasa
14:10oposisyon
14:11pero wala anya
14:12ni isang
14:13naibigay sa kanya
14:14at sa ibang senador
14:15na nasa oposisyon.
14:17Wala rin daw siyang alam
14:18sa allocables
14:19ng administrasyon.
14:21Sabi ni Marcos,
14:23eh tila masyado
14:23raw gigil sa kanya
14:24si Sen. Lakson.
14:31Enjoy sa kanyang
14:32Chargao Escapade
14:33si Kapuso Hottie
14:33Vince Maristella
14:34na pinahanga
14:35ang netizen
14:36sa kanyang
14:36washboard abs.
14:38Ang tips niya
14:39para ma-achieve
14:39ang beach-ready physique
14:40alamin sa chika
14:41ni Athena Imperial.
14:44Abs!
14:45Absolutely
14:46inspired
14:47ang netizen
14:47sa physique
14:48ni PBB Celebrity
14:49Co-Lab Edition
14:50alumnus
14:51Vince Maristella.
14:53Sa recent post
14:54ng Sparkle Star,
14:55kapansin-pansin
14:56ang kanyang
14:56washboard abs
14:57and muscles.
14:59Anya,
14:59hindi ito
15:00na-achieve overnight
15:01kundi
15:01resulta
15:02ng ilang taong
15:04hard work.
15:04Eight years na ako
15:05nag-workout
15:06so I think
15:07kilalang-kilala ko
15:08na talaga
15:09yung katawan ko.
15:10Nagda-diet na ako
15:11since 2021.
15:13Nung Chargao na yun,
15:14gusto ko lang din talaga
15:16i-showcase
15:17yung hard work ko
15:19and
15:20syempre,
15:21diba?
15:21San pa ba
15:21maganda
15:23i-showcase yun?
15:23It's a beach,
15:24diba?
15:25Wala raw
15:26sikreto
15:26para ma-achieve
15:27ang abs.
15:28Kailangan lang
15:29naka-incorporate
15:30sa lifestyle
15:31ang exercise
15:32at proper diet.
15:33Kumakain pa rin
15:34daw siya ng rice.
15:35Depende din
15:36sa training ko
15:37since
15:37minsan
15:39nagka-cardio ako,
15:40mas kailangan ko
15:41ng energy.
15:42So I think
15:42dahil nga
15:43kilalang-kilala ko
15:44na yung katawan ko,
15:46nakapag-ano ako,
15:47na
15:47na
15:48estimate ko na.
15:51Sa posts
15:52ni Vince,
15:53kitang nag-enjoy siya
15:54sa recent getaway
15:55sa Siargao.
15:56Kasama niya
15:57ang PBB batchmates
15:58na si Nakira Ballinger,
16:00Ralph De Leon
16:01at
16:01AZ Martinez.
16:03Unti lang kasi
16:04yung time namin
16:04sa habang
16:04ng bahay ni Kuya.
16:06E pag
16:06nandito kami sa Manila,
16:08like
16:08four hours
16:09here magkasama,
16:10e dun sa Siargao,
16:11parang buong
16:12four days
16:13kayo magkasama,
16:14hindi kami
16:15nag-iwahiwalay.
16:16Pero may nakapansin
16:16ng closer ni Kira?
16:17Close talaga kayo?
16:20Kasi sa photos nyo
16:21kayo ang dalandami,
16:22kayong dalawa lang, e.
16:24Hindi, ano,
16:26naging close kami dun.
16:27So ito lang.
16:28Hindi nakasama
16:29sa lakad
16:30ang kaloftim ni Kira
16:31na si Josh Ford
16:32dahil nagbakasyon
16:33ito abroad.
16:34Hindi, tawin ka habol.
16:35Anong sabi niya sa'yo?
16:36Sabi niya,
16:36ay, kamo si Siargao?
16:38Sabi ko,
16:38enjoy naman.
16:39Tapos inulit niya ulit,
16:43go si Siargao,
16:44enjoy nga!
16:45Dapat magkakasama kami nun.
16:46Kaso si Josh,
16:48nasa UK siya.
16:49Doon siya nag-New Year,
16:51doon din siya nag-Christmas.
16:52So, family din kasi niya yun.
16:55So, alam mo yun.
16:55Next time na lang.
16:58Maraming sa birthday ko,
16:59sa March, di ba?
17:00Recharged!
17:01And ready na si Vince
17:02para sa 2026.
17:04At maraming aabangan ng fans.
17:07Athena Imperial,
17:08updated sa Showbiz Happenings.
17:13And that's my chica,
17:14this weekend ako po si Nelson Cadlas.
17:16Pia, Ivan.
17:19Thank you, Nelson.
17:20Salamat, Nelson.
17:20Daddy好!
17:21Until next time!
17:21TANF!
17:26TANF!
17:26TANF!
17:27TANF!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended