00:00Sumentro sa pagpapakumbaba at pagsunod ang mensahe ni Bishop Rufino Sescon Jr. sa Baralamisa kanina sa Crino Grandstand sa Manila.
00:10May panawagan din ang ubismo saan niya ay mga ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan.
00:16Nakatutok si James Agustin.
00:18Sama-sama sa panalangin ng libu-libong deboto ng poong Jesus Nazareno na nakiisa sa Misa Mayor sa Crino Grandstand kaninang hating gabi.
00:30Pinangunahan ng banal na Misa ni Bishop Rufino Sescon Jr. ng Diyosesis ng Balanga.
00:36Humalili siya kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincola na kasalukuyang nasa Roma.
00:41Sa kanyang homily, pinaalala ni Bishop Sescon na gaya ni Jesus Nazareno, ay dapat matuto tayong magkusang bumaba dahil simbolo ito ng pagmamahal.
00:50Sa ating bayan ngayon, may mga ayaw bumaba kahit malina at bistado na.
00:59Ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan.
01:05Ayaw bumaba kahit nagdurusan na ang mga mahihirap.
01:11Ayaw bumaba kahit binabaha na at nasisira na ang bayan.
01:18Ayaw bumaba kahit hindi karapat dapat.
01:23Tumigil na.
01:26Tama na.
01:27Maawa na kayo sa taong bayan.
01:32Mahiya namang kayo.
01:35Bumaba na ng kusa.
01:37Alang-alang sa awa at pag-ibig.
01:40Ang tunay din daw na deboto ni Jesus Nazareno, ay marunong makinig at sumunod.
01:44Ang namamanata, ang kumakapit at umihila ng lubid, ang mga nagpipingga at pumapasan, ang mga sumasalya at humahalik sa kanyang paanan, ay dapat lalong nakakapakinig sa Diyos.
02:00Sa poong Nazareno, natututunan natin, ang mga bumagsak ay muling makababangon.
02:10Ang mga nagkamali ay maaaring maitama.
02:14Ang mga nawawala ay maaaring mahanap muli.
02:19Kabilang sa nakiisa, si Nakrisha at Derick kasama ang apat na taong gulang nilang anak na si EA.
02:24Galing pa silang kalookan at nagpaliban sa trabaho para makadalo sa traslasyon.
02:28Every year namin itong ginagawa, mas napapanatag yung pag-asama naming mag-asawa.
02:34Lalong tumatatag yung pag-ano namin pagsasama.
02:37Since naging kami, six years na din kahong nagde-devotion din.
02:42Si Derick susubukan daw ulit na makahawak sa lubid na humahatak sa andas.
02:46Bahagi na raw ito ng kanyang panata.
02:48Importante sa akin ang paghahawag sa lubid dahil dito na tutupad ko yung mga hiling ko sa poong Jesus Nasareno.
02:54Apat na dekada ng deboto ang PWD na si Miria.
02:58Lalo raw lumalim ang kanyang pananampalataya kay Jesus Nasareno
03:01nang maputulan siya ng kamay matapos maaksidente noong 2024.
03:05Nung nadisgrasya po ako ay pinalangin ko pala, bigyan pa ako ng isang buhay.
03:10Ito nga po, nabuhay po ako ng ganito.
03:13Kaya po malakas talaga ang pananari ko sa Diyos.
03:16Dari sa poong Nasareno na nabuhay, binigyan ako ng pangalawang buhay.
03:21Hindi rin alintana ng senior citizen na si Mabel ang dami ng mga tao makita lang ng personal ng imahe.
03:27Sa dalawampung taon niya pamamanata, marami raw hiling na natupad.
03:30Tulad po nung nadisgrasya yung anak ko.
03:33Talaga po nga laki ng tulong ng Nasareno sa amin.
03:36Kasi kala namin wala lang pag-asa pero na-operahan yung anak ko.
03:40Yung paniniwala po, yung pananampalataya, yung pagmamahal sa Panginoon.
03:46Magkakaiba man ang mga dahilan at pinanggalingan ng pamamanata,
03:50pinagbuklod ang mga deboto ng iisang pananampalataya.
03:53Baon nila ang mga himala na ipinagkaloob ng poong Jesus na Sareno
03:57at hindi matatawarang pasasalamat sa kanya.
03:59Para sa Gemma Integrated News, James Agustin Nakatuto 24 Horas.
Comments