Skip to playerSkip to main content
-MPD: Photojournalist, patay sa kasagsagan ng coverage niya sa Nazareno 2026


-Mga deboto, nakiisa sa pahipo sa replika ng Poong Jesus Nazareno sa St. Joseph Cathedral/Imahen ng Poong Jesus Nazareno, inilibot sa iba't ibang barangay sa Binmaley bago ang pista ng Jesus Nazareno


-DOH: Health Emergency Response Team stations, inilatag sa iba't ibang bahagi ng Traslacion


-17-anyos na babaeng nagtangkang ibenta ang anak, arestado; ama ng sanggol, iniimbestigahan din/Basud MPS: Babaeng natagpuang patay sa Camarines Norte, posibleng buhay pa nang isilid ng live-in partner sa storage box


-Negosyanteng sangkot umano sa illegal investment scheme, arestado sa kasong syndicated estafa; humingi ng paumanhin sa kanyang mga kliyente


-Patikim sa makulay na Pit Señor Dance Performance, isinagawa sa Taguig


-Dept. of Agriculture: Import ban sa bigas, inalis na; imported rice, hindi agad makararating sa mga pamilihan dahil may piling ports of entry lang


-Petition for bail ng 9 na akusado kaugnay sa substandard flood control project sa Oriental Mindoro, sinimulan nang dinggin ng Sandiganbayan


-Billiard player AJ Manas, 2nd place sa 2026 Chinese-Taipei Professional Billiards Association Pro-Tour Grand Finals


-Alden Richards, feeling recharged matapos makasama ang kanyang loved ones noong holiday season; excited na sa kanyang upcoming projects this 2026


-#AzRalph, ipinasilip ang highlights ng kanilang Siargao getaway


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ito ang GMA Radio.
00:30Regional TV News.
00:35Nakiisa sa pista ng Poong Jesus Nazareno ngayong araw ang ilang deboto sa Balanga Bataan.
00:41Yan ang pahipo sa replika ng imahen ng poon sa St. Joseph Cathedral.
00:45Nag-alay ng dasal at nagsabit ng mga sampagita ang mga deboto.
00:50Magkakaroon din ang traslasyon ng poon sa Balanga pagkatapos ng 5.30pm mass mamaya.
00:56Sa binmali naman dito sa Pangasinan, ramdam din ang masidhing pananampalataya ng mga deboto ng poon.
01:02Inilibot ang imahen sa iba't ibang barangay roon bago ang pista ng Jesus Nazareno ngayong biyernes.
01:09Mamayang hapo naman ang misa at prosesyon mula sa Jesus the Nazarene Parish Church.
01:15Dalawang pung health sa emergency response team stations ang inilagay sa kahaba ng ruta ng traslasyon.
01:23Ayon sa Department of Health, kabilang sa mga lokasyon ng emergency stations ang Kirino Grandstand, Rizal Park, Quinta Market Parking, ilang bahagi ng Quezon Boulevard at San Sebastian Church.
01:34Payo ng DOH sa mga deboto kapag biglang sumama ang pakiramdam, pumunta agad sa pinakamalapit na health station para matingnan ng mga health professional.
01:42Noong nakarang traslasyon, umabot sa 300 insidente ang tinugunan ng mga emergency station ng DOH.
01:51Eto na ang mabibilis na balita.
01:55Huli sa entrapment operation ng isang babaeng 17 taong gulang matapos tangkang ibenta ang kanyang isang buwang gulang na anak.
02:03Base sa investigasyon, inaalok ng dalagita ang anak sa social media.
02:07Ang kikitay niya raw gagamitin sana para sa kanyang tuition.
02:10Duda ang mga polis sa rason na yan.
02:12Kahit noon daw kasing hindi pa pinapanganak ang sanggol, meron na siyang ibang katransaksyon.
02:18Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang dalagita na mahaharap sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
02:25Inibisigan na rin kung kasabuat sa tangkang pagbibenta ang ama ng bata.
02:29Nasa kustodian na ng mga social worker ang nailigtas na sanggol.
02:33Pusibling buhay pa nang isilid sa storage box ng babaeng natagpo ang patay sa Camarines Norte, ayon sa Basud Municipal Police Station.
02:43Base raw kasi sa lumabas na autopsy report, walang nakitang senyales na pinahirapan ang biktima.
02:49Sa investigasyon, napagalaman na nag-away ang biktima at suspect na live-in partner niya sa loob ng kanilang bahay sa Cabuyaw, Laguna.
02:55Dahil umano yan sa selos, nauwi ito sa pinsikalan bago isinirid ng sospek ang biktima sa loob ng storage box.
03:03Kalaunan, sumuko ang sospek sa Rosario Batangas Municipal Station.
03:09Ito ang GMA Regional TV News.
03:15Arestado sa malasiki dito sa pangasinahan ang isang negosyante dahil sa kasong syndicated estafa.
03:21Ay sa polisya, inula ng reklamo ang kumpanya ng akusado na sangkot umano sa Illegal Investment Scheme.
03:29Humigit kumulang 10,000 katao ang namuhunan sa nasabing kumpanya.
03:34Hindi na umarap sa kamera ang negosyante pero inamin niyang mali ang hindi niya pagsunod sa payout ng kanyang mga kliyente.
03:41Humigit siya ng paumanhin sa kanila.
03:43Ano yan, nagkataon lang umano na may hindi siya naasikasong papeles at hindi raw niya tinakbuhan ang mga paratang laban sa kanya.
03:52Nauno nang nakasuhan ang negosyante noong May 2025 dahil umano sa pagpapatakbo ng Cryptocurrency Investment Scheme na walang kaukulang permit.
04:03Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng malasiki police station ang akusado.
04:08Mula rito sa Cebu City, abot hanggang dyan sa Metro Manila ang Sindulog Fever.
04:16Sa Taguib, nagpatikip ang grupong Baguitos Tribe mula sa Mandaluyong ng makulay na selebrasyon sa pamamagitan ng isang dance performance.
04:25Ayon sa Sindulog Foundation, gusto nilang hikayatin ang mga Pinoy sa iba't ibang parte ng bansa na makisaya sa Sindulog Festival.
04:32Kung team bahay naman kayo, pwedeng makipit senior sa pamamagitan ng live stream ng GMA Regional TV sa aming website, YouTube channel at Facebook pages.
04:43Simula yan 1pm sa January 18, linggo po yan.
04:52Inalis na ng Department of Agriculture ang import ban sa bigas.
04:56Pero hindi pa raw agad na makararating ang imported rice sa mga pamilihan ayon sa kagawaran.
05:00Nitong January 1 lang daw kasi nagsimula ang importasyon at may selected ports of entry lang.
05:06Ayon sa kagawaran, lean months ang Enero at Pebrero.
05:09Ibig sabihin, wala ganong ani sa mga buwang ito kaya mahalagang makarating na sa mga pamilihan ang imported na bigas para maiwasan ang pagtaas ng presyo.
05:19Sa pinakahuling monitoring ng DA, nasa 35 hanggang 43 pesos ang kada kilo ng local regular milled rice.
05:2538 hanggang 49 pesos ang local well milled rice at 43 hanggang 51 pesos per kilo ang imported well milled rice.
05:34Sinimula ng dinggin ng Sandigan Bayan 6 Division ang petition for bail ng siyam na dating opisyal ng DPWH Mimaropa na akusado sa kasong malversation.
05:49Kaugna ito sa substandard flood control project sa Nauhan Oriental, Mindoro.
05:53Non-bailable ang kasong malversation pero naniniwala raw ang kampo ng mga akusado na mahina ang emidensya laban sa kanila kaya dapat daw silang payagang magpiansa.
06:01Nauna na nag-high ng not guilty plea ang mga akusado sa kasong malversation noong Disyembre.
06:07Itutuloy ng Sandigan Bayan ang bail hearing sa Lunes, January 12.
06:11At large pa rin ang mga kapo akusado sa kaso na sinadating Congressman Zaldico,
06:15isa pang taga DPWH Mimaropa at limang opisyal ng Sunwest Incorporated.
06:20Nagdapo sa ikalawang pwesto ang Pinoy billiard player na si AJ Manas sa 2026 Chinese Taipei Professional Billiards Association Pro Tour Grand Finals.
06:35Sa dikitang laban na nauwi sa score na 12-13,
06:38nabigo ang 18-anyos na Pinoy na talunin ang pambato ng Taiwan na former World 9 Bowl champion.
06:44Nagpasalamat si Manas sa mga taga-suporta niya.
06:47Good job, AJ!
06:48Okay?
06:54Balik Pinas na si Asia's multimedia star Alden Richards matapos ang kanyang two-week vacation sa Amerika.
07:02Feeling recharged si Alden matapos makabonding ang kanyang loved ones.
07:08Team bahay man daw punong-puno ng good memories at good food ang kanilang quality time together.
07:13Kaya naman, ready na raw siya sa kanyang busy schedule this 2026.
07:19Chika ni Alden, una siyang mapapanood sa isang comeback project na malapit sa kanyang puso.
07:25Bibida rin siya sa Kapuso Medical Drama Series na Code Grey,
07:29kung saan gaganap siya bilang doktor.
07:32Ano naman kaya ang reaksyon diyan ni Alden?
07:34I've never done anything like that before sa karyer ko and it's gonna be the first again and very excited kasi it's a very mature role.
07:47It's very serious and excited lang ako dun sa challenges that's up ahead.
07:53As Ralph Shippers mag-ingay, may paayuda kasi sina ex-PBB Celebrity Collab Housemates AZ Martinez at Ralph DeLeon sa kanilang Siargao Getaway.
08:07Kabilang dyan ang video ng As Ralph habang nasa paddleboard sa pool ng isang resort.
08:13Looking good din ang dalawa sa pictures nila sa may beach, boat at habang nakasakay sa motor.
08:19Ang tanong ng netizens, ano na nga ba ang real score ng dalawa?
08:24Dati nang sinabi niya na AZ at Ralph na good friends sila after lumabas mula sa bahay ni kuya.
08:30Kasama rin nila sa getaway ang co-former housemates na sina Vince Maristela at Kira Ballinger,
08:36pati na si sparkle actor Sean Lucas.
08:39Abangan din sina AZ, Ralph at iba pang ex-PBB Housemates sa upcoming series na The Secrets of Hotel 88.
08:49Pag ex-PBB Housemates sa upcoming series na The Secrets of Hotel 88.
Comments

Recommended