00:00Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang bansa kaugnay na nangyayaring krisis sa bansang Venezuela.
00:05Ang buong detalye alamin mula kay Gab Villegas.
00:11Nagpahayag ng pagkabahala ang Pilipinas sa mga pangyayari sa bansang Venezuela
00:16matapos ang pagdakip ng Estados Unidos kay Venezuelan President Nicolas Maduro.
00:22Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs,
00:24tinitignan rin ng Pilipinas ang magiging epekto nito sa kapayapaan at katatagan na regyon
00:30gayon din sa rules-based international order.
00:33Habang kinikilala ang mga konsiderasyong panseguridad ng Estados Unidos,
00:38binigyan din ng Pilipinas ang international law kabilang ang kalayaan at soberanya ng bawat estado,
00:45ang mapayapang paglutas sa mga hidwaan at ang pagbabawal sa paggamit ng dahas
00:50at ang hindi pangihimasok sa mga panloob ng mga gawain ng mga bansa.
00:54Nanawagan rin ang Pilipinas sa mga kinuukulang partido na igalang ang international law.
01:00Kabilang na ang UN Charter,
01:02pigilan na lumala ang hidwaan,
01:05ibalik ang kapayapaan at kayusan sa Venezuela
01:07at isulong ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng tao.
01:12Kabilang na ang mga Pilipino na naninirahan sa Venezuela at mga karating bansa.
01:17Muli namang inihayag ng European Union na hindi kinikilala ng mga bansa
01:22ang liderato ni Maduro bilang Pangulo ng Venezuela
01:25kung saan sinabi nito na dapat igalang ang karapatan ng mga Venezuelan
01:29na magtakda para sa kanilang magiging kinabukasan.
01:33Nakikipag-ugnayan rin ang EU sa Estados Unidos,
01:37pati rin sa iba pang mga regional at international partners
01:40para suportahan at pangunahan ang dayalogo sa mga partido
01:44upang malutas ang krisis sa pangunan mismo ng mga Venezuelan.
01:48Nitong weekend, nang atakihin ng Estados Unidos ang Venezuela
01:52at nasunda ng pagkakadakip kay Maduro.
01:55Dinala si Maduro at ang kanyang asawa sa New York
01:58para harapin ang mga kaso na may kinalaman sa narco-terrorism.
02:02Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments